77

2026 Words

DOZ’s POV Masama ang pakiramdam ko, kagabi pa lang. Parang may mabigat na nakadagan sa ulo ko, unti-unting umaakyat sa batok ko hanggang sa hindi na ako makapag-isip nang maayos. Dahil sa sakit ng ulo ko, itinulog ko na agad. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para uminom ng paracetamol. Wala rin naman iyong silbi kung ang hinahanap ng katawan ko ay hindi gamot. Nagising ako madaling araw. Basa ang noo ko. Mainit ang balat ko, pero ang lamig ng pakiramdam ko. Lumabas ako ng aking kwarto at nadatnan ko si Mommy pababa rin ng hagdanan. “Anak, anong nangyayari sa iyo?” Napansin niya agad. Ganoon talaga ang mga ina—kahit pilitin mong itago, alam nila. “Nilalagnat po ako, Mom. Bababa lang po ako para kumuha ng gamot.” “Bakit hindi mo na lamang itinawag? Ihahatid muna kita sa kwarto mo at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD