5

1130 Words
IZA’s POV Bukas ang gate. Nandito ang mga sasakyan nina Daddy Dax at marami pang iba. Anong mayroon? Na-cancel bigla ang pagta-tantrums ko, dahil kay Kuya Doz. “Nandito na pala si Vane!” malakas na wika ni Kuya Diez. Mas lalo akong napaisip kung anong okasyon ang mayroon? Kumpleto ang mga Martin. Kanila nga pala ang lugar na ito. Kahit nawala na si Mamita, dito pa rin nila pinipiling mag-celebrate. Masaya kapag nandito silang lahat. Kahit wala naman okasyon ay madalas dito sila mga nakatambay. Kaya lagi rin akong may kasama kapag weekend. Kung hindi sila makakapunta, may isa sa kanila na susunduin ako para sa bahay nila mag-stay. Doon kami magkukulitan. Madalas, si Kuya Diez ang sumusundo sa akin at doon kami sa kanila. Lumapit pa sa akin si Kuya Diez at kinuha ang hawak kong libro. At saka ako inakbayan. “Anong mayroon, Kuya?” iba na ang tono ko. Malambing at talagang kapatid ang pakiramdam ko. “Hindi mo pa ba alam? Akala ko magkasama kayo ni Kuya Doz? Sabi ni Mama Cindy, si Kuya Doz ang nagsabay sa iyo, pag-uwi.” Pinaalala na naman nito si Kuya Doz. Paano may sasabihin? Mga tanong ko nga ay hindi niya masagot. Hindi pa ako nakakahuma para sagutin ang tinatanong nito ay nilagpasan kaming dalawa ni Kuya Doz. Walang pinansin sa aming dalawa. “Anong problema no’n? Magkasama kayong dalawa, ‘di ba?” pati si Kuya Diez ay namumroblema. “Hindi ko alam, Kuya. Baka may regla! Ganoon yata kapag bading, ooopps –“ biglang napatigil si Kuya Diez at iniharap ako sa kaniya. “Anong sabi mo? Seryoso ka ba? Hindi ako naniniwala. Si Kuya Doz pa.” “Joke lang po iyon. Kanina pa siya ganiyan. Walang kibo. Tara na po at baka hinihintay na nila tayo.” Tama hindi talaga magiging bading si Kuya Doz, dahil nakikipaghalikan siya sa hindi niya girlfriend. Ayaw ko rin sabihin kay Kuya Diez, ang mga pagtatalo namin ni Kuya Doz, kahit ako lang naman ang nagsasalita. “Talagang joke lang iyon. Kung may proof ka, pwede pa akong magduda pero hindi. Malabo iyon. Magpapalit ka pa ba ng damit?” “Ano po bang okasyon? Parang wala po akong matandaan para sa petsa na ito.” “Doon na nga tayo dumiretso.” Muli akong inakbayan ni Kuya Diez at nagtungo kami sa may garden. “Anak, akin na muna ang iyong mga gamit.” “Mano po, Mama.” Nagmano muna ako sa kaniya at wala na akong nagawa dahil kinuha na nito ang bag ko na nakasukbit pa sa balikat ko. Pati ang libro ko na hawak ni Kuya Diez ay kinuha rin ni Mama. Sobrang hands on ni Mama. Kaya hindi ko kailanman naramdaman na hindi siya ang tunay na nagsilang sa akin. Sobra-sobra ang pagmamahal niyang ibinibigay sa akin. Ganoon din si Papa Lex. Ang swerte ko sa kanila. “Pumunta na kayo, roon.” Pagtataboy na sa amin ni Mama. Iniyakap ko na rin ang braso ko sa baywang ni Kuya Diez, habang patungo kami sa garden. “Surprise ba ito para kay Kuya Doz?” tanong ko pa kay Kuya Diez. “Ang alam ko, hindi. May meeting pa sila kanina sa school, kaya alam kong alam na niya. Ikaw lang ang hindi nakakaalam, sigurado ako.” Tumawa ito pagkasabi no’n. “Malamang! Magtatanong ba ako kung alam ko.” Mas lalo kaming nagtawanang dalawa. Matanda rin sa akin si Kuya Diez ng apat na taon. Si Kuya Doz ay matanda siya sa akin ng eight years. Eighteen ako at Twenty-six naman siya. Pag-alis ko nang tingin kay Kuya Diez, si Kuya Doz ang sumalo naman. Pero hindi nagtagal ang aming titigan dahil inirapan ko agad siya. Wala akong pakialam kung para sa kaniya ang party na ito. Makikikain lang naman ako at haharap sa pamilya na nagmamahal sa akin. Inisa-isa kong bati ang mga tao rito. Nagmano at humalik ako sa mga Daddy at mga Mommy ko. Pati sa mga Kuya ko, pero hindi kay Kuya Doz. Iba ang beso-beso sa kiss na gusto ko mula kay Kuya Doz. “May I have your attention, please.” Si Daddy Dax ang nagsalita. May hawak pa itong microphone. Hindi naman ganoon kalakas para marinig sa labas. Sa laki nitong lugar ni Mamita ay sapat na ang tunog nito. Hindi ito makakaabala sa iba. Nagsilapit naman kami. Kumapit naman ako kay Kuya Daksy. Siya kasi ang katabi ko. Naiwan na ako ni Kuya Diez. Pinaupo naman ako ni Kuya Daxen, na agad ko rin sinunod. Okay lang, basta malayo ako kay Kuya Doz. “Alam naman ninyo na miyembro ng board at may malaking shares ang pamilya natin sa Madizon University. Mas malaki na ang shares ni Ivy na ipinasa niya sa isa niyang anak. Siya ngayon ang may pinakamalaking hawak na shares at dahil dito, siya rin ang napiling bagong School Director. Hindi ko na ito patatagalin dahil alam na naman ninyong lahat. Congratulations to our dearest Kuya Doz!” Malakas na sambit ni Daddy Dax. Itinaas pa nito ang kaniyang baso na may lamang alak. Pwede bang magprotesta? Alam daw ng lahat. Pero bakit wala akong alam? Hindi na ba talaga ako importante o parte ng buhay ni Kuya Doz at nagawa niyang ilihim sa akin ito? Kung pwede lang mag-walk out at ipakita na hindi ako natutuwa ay ginawa ko na. Ngunit mali iyon. Malaking kabastusan iyon para sa pamilyang kinalakihan ko. At bakit ko rin gagawin iyon? Kapag ba ginawa ko ay susundan ba ako ni Kuya Doz? At aamuin? Siyempre, hindi! Sino ba ako? Isang sampid lang dito. Lahat sila masaya. Pilit akong ngumiti. Para lang sa mga katabi ko kapag nakaharap ko. “Thank you to all of you. I cannot promise anything, but I will do my best para mas gumanda ang kalidad ng paaralan. Thank you, Mom and Dad.” Nagpalakpakan sila at napilitan din akong pumalakpak. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Magtuturo pa rin ba siya? Lagi ba siyang nasa school? Ano bang pakialam ko pala. Wala na akong pakialam sa kaniya at ayaw ko na rin pala siyang makausap. Natapos ang pagdiriwang pero hindi kami nagkausap nito. Nagkalapit kami pero ako na ang lumayo. Baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin. Saka kung i-kiss man niya ako, wala akong pagsasabihan. Reward lang naman ang hinihingi ko. “Iyon lang ba talaga, Isa?” Nakahiga na ako pero iniisip ko pa rin, kung alam pala niya na may okasyon bakit pa niya inihatid si Miss Inlayo at pinaniwala niya na a-attend talaga siya? O talagang gusto niyang ihatid iyon dahil type niya? E di magsama sila! Matutulog na lang ako, naiinis pa rin ako sa babaeng iyon at kay Kuya Doz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD