IZA’s POV Ang dami ng guests ngayon sa resort ni Siegfred. Nagsimula ako bilang front desk receptionist, pagkatapos ay naging guest relations officer, at ngayon—ako na ang resort manager. Napakinabangan ko ang lahat ng natutunan ko, kahit hindi pa ako nakatapos ng kolehiyo. May mga espesyal na kurso naman akong kinuha online, kaya kahit papaano, naramdaman kong handa na ako. Si Siegfred ang may-ari ng resort. Doble ang edad niya kumpara sa akin. Sa biro, puwede ko siyang tawaging “Daddy,” pero alam kong ayaw niya kapag niloloko namin siya. May pribado siyang bahay sa loob ng resort, hiwalay sa mga cottages, cabanas, at sa hotel. Malawak ang property, at dito rin ako nakatira. Ako lang sa mga staff ang naninirahan sa bahay niya, dahil wala akong ibang matutuluyan. Nalaman niya ang kwen

