DOZ’s POV Ayos na ang lahat. Napagpasyahan na namin ni Iza na sabihin ang lahat sa aming pamilya. Pinili naming gawin iyon sa family dinner. Sa pakiusap ko, dito muli sa aming bahay. Ayaw ko na siyang mapalayo sa akin. Hinahanap ng katawan ko ang bawat haplos niya—ang bigat ng yakap, ang init ng hininga niya sa aking balat. Wala na akong ibang ninanais kundi ang makapiling siya, araw-araw, walang pagitan. Anuman ang maging resulta ng pagsasabi namin, tatanggapin naming dalawa. Ngunit hindi kami maghihiwalay kung iyon ang hihilingin nila. Maninindigan ako para sa isinisigaw ng aking puso, at ganoon din si Iza. Kung talikuran man nila kami, handa akong akuin ang lahat—trabaho, responsibilidad, at ang kinabukasan niya. Kaya kong buhayin ang babaeng mahal ko. Kaya kong suportahan ang mga

