DOZ’s POV Napasandal sa likuran ng pinto si Iza matapos nilang mag-usap ni Mama Cindy. Sumilip pa siya; mabilis kong binuksan ang laptop ko. Kaya ang inabutan niya, nagtatrabaho na ako. “Pasensya na at makakalimutin na ang mama ninyo,” sabi pa niya sa amin. “Hindi mo na sana kailangang tumayo, anak, kung bukas ang pinto. May nakasuot pala sa tainga ni Doz, kaya hindi ako narinig.” Ang totoo, naririnig ko si Mama. Ginamit ko lang talagang palusot ang pagsusuot ng ear pods. Inalis ko muna iyon. “Ano po ’yon, Ma?” Ngumiti siya sa akin. “Ang sabi ko, ang gwapo mo. Pero nagdududa na ako sa ’yo.” Bigla akong kinabahan. Saang parte siya nagdududa? Dahil ba nag-lock kami ng pinto? Totoo naman na sinadya naming i-lock iyon. Bawal kaming mahuli. “Po? Aalis na lang po ako rito. Sa labas na lan

