IZA’s POV Tinanghali ako nang gising, dahil late na akong natulog. May graded recitation kami sa subject ni Kuya Ivez. One week siyang wala at ngayong papasok na siya, expected niya na masasagot namin ang mga tanong niya. Dahil sa period niya noong nakaraang week ay dapat nasa library kami o kaya sa classroom para mag-aral. Pero ako nandoon sa office ni Kuya Doz, at iba ang ginagawa. Nakaramdam ako ng guilt dahil hindi ako nakapag-aral, at nag-aalala ako kung paano ko masasagot ang mga tanong niya. Kaya kahit pagod ako kahapon ay pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko sa subject ni Kuya Ivez. Walang klase si Kuya Doz sa mga araw na may klase si Kuya Ivez sa amin. Nagpupunta siya dahil sa akin para ako ay ihatid at sunduin. Alam din niya ang schedule ko sa school. Lahat ay alam niy

