93

1103 Words

IZA’s POV Magkahawak-kamay kaming umalis sa tubig. Inakbayan ako kalaunan ni Doz nang nasa pampang na kami. Parang nanumbalik ang pakiramdam noong nasa outing kami, ilang taon na ang nakalilipas. Parang bumalik ang mga panahong simple lang ang lahat. May paisa-isa siyang patak ng halik sa aking noo. Ang pagkakakapit niya sa akin ay magaan, ngunit ramdam kong parang ayaw na niya akong palayuin. Takot na siyang tumakas pa akong muli, isang bagay na ipinangako ko sa kaniyang hindi ko na kailanman uulitin. “Baby, bakit ka sumisigaw? Anong pumasok sa isip mo at inakala mong magpapakamatay ako?” tanong niya sa akin. Seryoso ang tono, pero may bahid ng pagtawa, na para bang pilit niyang binabawasan ang bigat ng nangyari. Napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya at diretsong tumingin sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD