DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata at marahang napahawak sa aking puson nang makaramdam ako ng bahagyang sakit mula roon. Nasaan ako? Ano'ng nangyari? "Ciel, okay ka na ba? D'yos ko! Mabuti na lang nailabas ka kaagad sa elevator, dahil kung hindi at nagtagal ka pa sa loob, baka ngayon wala na kaming Mariciel Cruz na kaibigan." Boses ni Donna mula sa kabila kong side, kaya't napalingon ako sa bahaging iyon. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay habang nasa loib ako ng elevator dahil sa biglaan at hindi inaasahang pangyayari ay na-trap ako sa loob. "Sinong tumulong sa akin, Donna? Nawalan na ako kanina ng malay dahil sa pangangapos ng aking paghinga." Sa halip ay tanong ko at pinilit bumangon, ngunit agad naman akong pinigilan ni Aira. "'Wag ka munang ku

