CHAPTER 36

1513 Words

MARICIEL DALAWANG LINGGO na ang lumipas mula nang dalhin ako ni Darryl sa Batangas. Mula noon ay dumalang na rin ang pagkikita namin. Tatlong beses pa lamang uli kaming nagkikita at iyon ay noong nag-aya akong kumain kami sa labas. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay ramdam ko ang pagbabago nito. Maging sa trabaho. At kung magkita man kami dito sa hospital ay pansin ko ang tila pag-iwas at panlalamig nito. Hindi ko maiwasang masaktan sa puntong iyon dahil para bang wala na itong pakialam sa akin. Naging maayos naman kami noong nasa Batangas kami, at hiniling pa nito na manirahan na lamang kami sa lugar na iyon. Pumayag naman ako pero nang sinabi kong hindi ko maiiwan ang aking trabaho ay tila hindi nito ikinatuwa. Sinubukan ko namang ipaliwanag ang aking saloobin, ngunit tila naging bing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD