DARRYL “Sir, nakausap ko na po ang hospital kung saan nagtatrabaho si Miss Cruz. At ayon po sa management ay umuwi raw po ng Pilipinas si Miss Cruz.” Napahinto ako sa tangkang pag pirma ng mga dokumento at mabilis na napaangat ng tingin dito habang mariing nakakunot ang mga kilay. “What did you say? Nasa Pilipinas na ngayon si Mariciel? Kailan s’ya bumalik ng Pilipinas?” Sunod-sunod kong tanong habang mariing nakakuyom ang aking mga kamao. Marahan itong tumango. “Yes, sir. dumating po s’ya sa Pilipinas noong araw at oras na paalis naman po kayo.” “D*mn it! Nagkasalisi kami!” mariin kong turan kasabay nang pag-igting ng aking mga bagang. Muling tumango si Arnel. “Ganoon na nga po, sir.” Ibig sabihin si Mariciel lang ang bumalik ng Pilipinas kasama ang mga anak nila ni Aljune. Anong da

