CHAPTER 8
RIEUKA
*FLASHBACK 5 YEARS AGO*
“I can’t do that, Mom!” sigaw ko sa kaniya dahil sa inis.
“But you have to, Rieuka. It’s for our family,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko.
Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak niya. “Mom, please,” pagmamakaawa ko.
Nakita kong nagdilim ang paningin niya sa akin. “Alam kong nagkausap na kayong dalawa Rieuka. Noong isang buwan ko pa sinasabi sa ‘yo na kaibiganin mo ang babae na ‘yon,” sabi niya sa akin habang nakahawak ng mahigpit sa braso ko.
“Mom, it hurts.” Pinipilit kong bawiin ang braso ko, pero lalo lamang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin. Sinubukan ko ring tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko, pero mas malakas siya sa akin.
“Ngayong nagkausap na kayo at saka ka pa ba mag-iinarte.” Napaiyak na lamang ako sa sakit nang pagkakahawak niya sa akin.
Ngayon ko lang na-realize ang mga pinagsasabi niya sa akin. “Are you spying on me, Mom?” tanong ko sa malumanay na boses.
Tinaasan niya ako ng kilay. “What’s wrong with that? I just want to make sure that you was following my order, Rieuka.” Unti-unti niyang binitawan ang braso ko para haplusin ang pisngi ko.
Napakalambing nang pagtama ng kamay niya sa pisngi ko, pero hindi pa rin nito mabubura ang hapding nararamdaman ko sa aking braso.
“You’re invading my privacy, Mom,” bulong ko.
“Trust me. These things will make our bond stronger, so you should start befriending her if you want me to love you,” utos niya.
Tinalikuran niya ako at dumiretso na sa bag niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng aking condo.
“So if I were you Rieuka, I’ll follow my Mom’s orders,” sabi niya bago tuluyan nang lumabas ng condo ko.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naupo sa sahig, at naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.
My mom and I didn’t have the best mother and daughter relationship at all. I grew up alone with no father and a distant mother. I always yearned for a happy family, but it looked like I wouldn’t be able to achieve that in this lifetime.
I couldn’t do the things that she wanted. I couldn’t manipulate someone for our gain.
Tulala akong pumasok sa school. Nang mag-break time ay sa halip na dumiretso ako sa cafeteria ay sa katabing parke na lamang ako nagpunta.
Nag-take out na lamang ako ng iced coffee sa coffee shop sa may tabi ng park bago ako naghanap ng mauupuan.
Umupo ako sa pinakadulong upuan at isinuot ko ang headset ko.
Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko ng mayroong biglang humawak sa magkabilang balikat ko.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isang magandang babae na mayroong magandang ngiting nakapaskil sa labi.
“Hi!” bati niya bago umupo sa tabi ko.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang tumabi siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi pa naman ako tumambay sa school para hindi kami magkita. Pero kung minamalas ka nga naman, kahit anong iwas ko ay nagkatagpo pa rin kaming dalawa ng landas.
“Hi!” simpleng bati ko.
“Got anything to do later this afternoon?” tanong niya sa akin.
“No—Yeah yeah. Madami akong gagawin mamaya,” sabi ko bago ko siya nginitian ng pilit.
“Ohh, how about tomorrow?” tanong niya ulit. Umiling na lamang ako bilang sagot sa katanungan niya.
“The day after tomorrow?” Umiling ulit ako.
Nakunot ang noo niya at nagkasalubong ang mga kilay niya. “When will you be free then?” sabi niya sa medyo iritang boses.
Tumayo ako. “Sorry, I’m really busy for the whole semester,” palusot ko. “I’ll go now.” Hindi ko na hinitay ang sagot niya at nagmamadali na akong umalis sa pwesto naming dalawa.
Nang makarating ako sa university namin ay mukha akong nakipaghabulan sa maraming hayop. Pawis na pawis ako at gulo-gulo na ang buhok ko.
Dumiretso ako sa banyo para makapag-ayos. Habang naghihilamos ay kumalam ang sikmura ko.
Shete. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang tatlong oras kong klase, at hindi pa ako nakakakain ng nakakabusog na pagkain, at tanging iced coffee pa lamang ang laman ng tiyan ko.
Minadali ko na ang pag-aayos ko para makakain muna ako bago pumasok sa susunod kong klase.
Palabas na sana ako ng pintuan nang maramdaman ko ang call of nature. Nako naman, bakit ba ngayon pa ako minalas. Hindi naman Friday the 13th, pero bakit minamalas ako.
Nang makaupo na ako sa toilet seat ay nakarinig ako ng mga babaeng papasok ng banyo. Naririnig ko ang pinag-uusapan nila mula sa kinauupuan ko.
Hindi naman sa pagiging chismosa, pero masiyado kasing malakas ang mga boses nila. Kaya naman kahit ayokong makinig ay wala akong choice, kundi ang marinig ang usapan nilang tatlo.
“Have you hears the news guys?” sabi noong isang babae.
“News about what?” sagot naman noong isa pa.
“Oh, is it about Akira?” tanong noong isa pa nilang kasama.
Nagpantig ang tenga ko nang makarinig ako ng pamilyar na pangalan sa pag-uusap nila.
“Oo sis. May kabit daw yung papa niya,” sabi noong unang babaeng nagsalita kanina.
“Hala totoo ba? Akala ko happy family sila,” sabi noong pangatlong babae.
“Yeah, right. I thought her life was perfect, but look at her now avoiding people who are connected to her family,” dagdag noong unang babae.
“Oh my, so true talaga?” sabi noong pangalawang babae.
Napako ako sa kinauupuan ko dahil sa mga narinig ko.
Alam na kaya ni Akira ang tungkol sa mama ko? Alam niya na rin kaya ang tungkol sa akin kaya gusto niya akong ayain sa labas para komprontahin?
Shemay, anong gagawin ko kung alam na nga niya? Hindi ko alam kung paano ko mae-explain sa kaniya ang lahat without having a bias judgement.
Nang lumabas ang tatlong magkakaibigan sa banyo ay lumabas na rin ako. Dumiretso ako sa cafeteria kahit lutang ang isip ko, dahil sa mga nangyari at narinig ko.
Pagkarating ko ay pumila na ako agad, at baka ma-late ako sa susunod kong klase kung magsasayang pa muli ako ng oras.
“Hey, Rieuka,” tawag pansin sa akin ng taong iniiwasan ko.
How come na nagkasalubong ulit kami dito sa cafeteria, samantalang kanina lang ay iniwan ko siya sa may park?
“Hey, it’s you again,” bati ko pabalik. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya, dahil nagu-guilty ako sa nangyayari sa pamilya niya. I felt like I was somehow accountable to the pain that she’s feeling.
“Are you free at mornings?” tanong niya sa akin. Kanina ko pa iniiwasang sagutin ang tanong niya na iyan, at hanggang ngayon ay iyan pa rin ang bungad niya sa ‘kin.
Tinignan ko ang orasan ko. “Ayy, sorry Akira. Late na kasi ako sa next class ko,” palusot ko.
“Una na ako ha,” sabi ko bago dali-daling umalis sa pila kahit pa gutom na gutom na ako.
Hawak-hawak ko tuloy ang tiyan ko buong klase. Wala ring pumapasok sa utak ko na mga tinuturo dahil sa sobrang gutom ko.
Sino ba namang hindi magugutom kung alas-singko na ng hapon pero ang tanging laman lang ng tiyan mo ay iced coffee.
“I won’t hold you any longer, class. You may go now,” sabi ng Professor namin. Pagkasabing-pagkasabi niya na pwede na kaming umalis ay parang ibon kaming magkakaklase na ngayon lamang pinakawalan sa hawla.
Lahat kami ay nagmamadali sa paglabas ng classroom, dahil may kaniya-kaniya pa kaming mga gagawin.
Pagkalabas ko ay may biglang humawak sa braso ko.
“Hi!” bati niya sa akin habang mayroon siyang kaunting ngiti sa labi. “Do you mind if sasabay ako sa ‘yo pauwi?” tanong niya sa akin habang nakayuko.
Pasimple kong hinila sa kaniya ang kamay ko. “I’m sorry, pero may gagawin pa kasi talaga ako eh,” sabi ko sa mahinang boses.
Hindi ko alam kung paano ko kinakayang magsinungaling sa kaniya. Samatalang sa totoo lang ay ako ang may atraso sa kaniya, dapat pa nga ay gawin ko ang kung ano man ang gusto niya.
Iiwan ko na sana siya ulit para takasan ang problema naming dalawa nang magsalita siya.
“Are you avoiding me?” sabi niya sa malumanay na boses habang nakayuko. Hindi siya nanunumbat pero sa pagkakasabi niya ay para bang nagtataka siya sa mga kilos ko.
“Is it because of the last time that we met?” tanong niya habang nakayuko. “Don’t you like the ice cream parlor where we ate?” dagdag pa niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil ayokong magpadala sa emosyon ko. “No, I’m just really busy these days,” palusot ko bago ko siya tinalikuran.
Paalis na ako ng may maramdaman akong humawak sa hintuturo ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isang maliit na kamay na nakahawak sa daliri ko.
“I’m sorry if I kept bothering you,” sabi niya bago niya inangat ang tingin niya sa akin. “I just really need a friend right now, and I thought you could accompany me.” She gave me a soft smile.
Kahit nakangiti siya ay kitang-kita ko ang luhang nagbabadya nang tumulo sa gilid ng mga mata niya. Namumula rin ang mga mata niya na para bang kagagaling lamang niya sa pag-iyak kanina.
Binitawan niya ang daliri ko. “But I guess you’re just really busy, and I understand. Good luck sa school. Fighting!” sabi niya at itinaas pa niya ng ninety degrees ang braso niya.
Unti-unti niya akong iniwang nakatayo sa labas ng classroom ko.
Hindi ko alam pero para bang may sariling utak ang mga paa ko at hinabol ko siya.
Hinabol ko siya kahit na alam kong sa huli ay pagsisisihan ko ito. Pagsisihan ko ang pakikipagkaibigan at paglapit ko sa kaniya. Pagsisihan kong naging tuta ako ng emosyon ko.
But what can I do right? I couldn’t bear to lose her just because of our family conflict. I couldn’t bear not to be with her when she needed me the most.
*END OF FLASHBACK*
Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Akira. Umiwas siya agad sa titigan namin, at tinignan na lamang ang monitor na nasa harapan niya.
I looked at her gaze to the computer. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ginagawa niya o dahil sa sitwasyon naming dalawa.
Kung magkakaroon man ako ng pagkakataon para baguhin ang naging desisyon ko limang taon na ang nakakaraan. Nasisiguro kong wala akong babaguhin, kasi kahit hindi naging maganda ang mga nangyari masaya pa rin ako sa naging pagsasama namin.
I’m happy in the days that I was with Akira. And I knew I would still choose to befriend her over and over again, even if it would cause a big mess and heartbreak to all of us.
Though I didn’t know what her decision would be, I think that l would never know if she would choose to be with me after all these things. I didn’t know if her choice would be different from mine.
Would she choose to take a different path or choose to be deceived by me all over again? What would happen if everything had been different?