CHAPTER 67 RIEUKA Ang araw na wala namang humihiling ay dumating na. Ngayon ang araw kung saan sa isang sinumpang lugar ay may pinanganak na maninira sa aking buhay. Inangat ko ang aking ulo nang pumasok si Abi sa loob ng aking opisina. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa aking lamesa at may ibinabang paper bag sa aking harapan. “Maaga po ba kayong mag-out ngayong araw, Architect?” tanong niya. Yumuko ako at muling ibinalik ang aking atensyon sa kompyuter sa aking harapan. “Bakit? Anong meron?” pagmamaang-maangan ko. “Birthday po ni Ar. Danica?” hindi siguradong sagot ni Abi. “And?” “Hindi po ba kayo imbitado?” naguguluhan niyang tanong. Hindi ko sinagot si Abi. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa. Sayang lang ang oras ko kung makikipag-usap lang ako kay Abi tungkol s

