CHAPTER 66 AKIRA Hinawakan ko si Andrew sa kaniyang balikat. “Tara na,” aya ko. “Balik na tayo sa kitchen?” tanong ko rito. Hinarang ko ang katawan ko sa kaniyang harapan para harangan sina Roman at Rieuka sa kaniyang paningin. Ang masama ay hindi sapat ang tangkad ko para matakpan ko sila nang tuluyan. Sinubukan ko ring tumingkayad pero kulang pa rin. He was way too taller than me. Yumuko sa akin si Andrew at tinitigan ako sa aking mga mata. Tinignan ako ni Andrew ng mariin. “Hindi mo ba ako ipakikilala sa mga kasama mo?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at nagpanggap na walang ideya sa kaniyang sinasabi. Lumingon-lingon ako sa aking likuran. “Sino? Wala naman akong kasama, ah.” Hinarap ko siyang muli at nginitian. “Tara na. Doon na lang ulit tayo sa kitchen.” I showed Andrew m

