CHAPTER 65 RIEUKA Kinabukasan ay para akong panda sa sobrang laki ng eye bags ko sa magkabila kong mata. Buong gabi akong dilat at gising na gising sa kaiisip tungkol sa nakaraan namin ni Damien. Nawala na talaga ang lalaking nakasayaw ko sa aking isip simula nang makilala ko si Damien. Hindi ko akalain na siya rin pala ang dahilan para mapalitan siya sa aking isip. Sayang nga at bago pa ako makapagtanong kay Damien kagabi ay dumating na si Danica. Hanggang tuloy nang ihatid ako ni Roman pauwi ay binabagabag ako ng mga katanungan sa aking isip. Mabuti na rin na hinatid ako ni Roman pauwi. Wala kasi akong dalang kotse. Hindi pa ako sigurado kung makapagmamaneho ‘ko pauwi nang ligtas. Baka mamaya ay lumipad ang utak ko habang nasa biyahe. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang

