CHAPTER 64 RIEUKA *FLASHBACK* Dahan-dahan akong lumabas ng aking kwarto. Iniiwasan kong gumawa ng kahit maliit lamang na tunog. Nakasuot ako ngayon ng isang maikling dress na abot lamang hanggang sa ibabaw ng aking tuhod. Ang istilo ng pantaas nito ay isang sleeveless black top at ang pambaba naman nito ay pa-tutu skirt. Mayroon itong mga papakpak ng manok na kulay itim sa magkabilang balakang na nage-emphasize ng korte. Pinaresan ko ito ng itim na sapatos na tatlong pulgada ang taas. Mayroon din akong bitbit na maskara na matatakpan ang kalahati ng aking mukha, mula ilong hanggang noo. Mayroon rin itong mga itim na pakpak sa may kanang bahagi. Pinagsiksikan ko ang maskarang dala-dala ko sa maliit kong bag. Hindi ito pwedeng makita ni Mommy dahil sigurado akong makukutuban niya ag

