CHAPTER 61 RIEUKA Pinigilan ko ang sarili kong mapairap at masuka dahil sa aking nakikita. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa bago may lumabas na hindi maganda sa aking bibig. Ngayon ko lang napagtanto na masama pala talaga sa kalusugan ang matamis. Lalong-lalo na kung kina Danica at Damien ito manggagaling. Paglingon ko sa aking likuran laking gulat ko nang makaharap ko ang mukha ni Akira. Sa sobrang lapit niya sa akin ay isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Nilayo ko ng kaunti ang aking katawan sa kaniya. Pero hindi ata nakaramdam ang gaga dahil lumapit muli siya sa ‘kin. “Are you fine? My god, Rieuka! Bakit naman bigla-bigla kang hinimatay noong isang araw. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo,” sunod-sunod na litanya sa akin ni Akira

