CHAPTER 62 RIEUKA Matapos ng mga kaganapan na ‘yun ay dumiretso na ako pabalik sa aking opisina para ipagpatuloy ang aking trabaho. Binabagabag pa ako ng mga nangyari kanina pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Hahanap na lang siguro ako ng ibang pagkakataon para makausap si Damien. Hindi ko naman kasi siya mapipilit na makipag-usap sa akin. Lalo na kung wala siya sa mood na kausapin ako. Nilunod ko na lamang muli ang aking sarili sa tambak na trabaho kagaya ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Natigil lamang ako sa pagtratrabaho nang kumalam ang aking sikmura. Tinignan ko ang orasan na nakadikit sa pader ng aking opisina. Kumunot ang noo ko. Mag-aalas tres na pala ng tanghali kaya naman pala nakararamdam na ako ng gutom. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at sumilip

