CHAPTER 45 AKIRA Nang makapagpaalam na ‘ko sa mga natira sa loob ng conference room ay bumaba na ako ng lobby. Wala akong dalang sasakyan ngayon. Tinatamad kasi akong mag-drive kaninang umaga kaya nakisabay na lang ako sa pinsan kong si Damien. Nag-iinat ako habang naglalakad palabas ng building. Sobrang sakit ng katawan ko ngayong araw. Ang tagal kasi naming nakaupo sa conference room. Nangawit tuloy ang katawan ko. Mukhang kailangan ko na talagang magkaroon ng healthy lifestyle, kundi ay baka maaga akong maging uugod-ugod. Napapikit ako at humikab. Pakiramdam ko ay sobrang drained ng katawan ko ngayon, siguro ay dahil na rin sa tambak kong workload at ilang araw na hindi pagkain at pagtulog sa tamang oras. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakakita ako ng isang gwapong nilalang na na

