CHAPTER 44 RIEUKA “Let’s end the meeting here,” sabi ni Tito Fidel. Nagtayuan na ang mga kasama namin sa loob at nagpaalam. Naglakad ako palapit kay Tito Fidel para rin magpaalam. Natigil ako ng mayroong kamay na humarang sa harapan ko. “Did you talk to your Mom?” tanong sa akin ng malaking harang sa harapan ko na si Danica. Napairap ako sa ere. Kung alam ko lang na may balak siyang lapitan at bwisitin ako ngayong araw ay ako na sana ang unang-unang lumabas nang matapos ang meeting at hindi ko na binalak na lumapit kay Tito Fidel. Hindi ko rin alam kung kelan pa siya naging interesado sa nanay ko. Isang linggo na rin simula ng huli naming usap ni Mommy, at isang linggo na rin simula ng maging malamig ulit ang pakikitungo sa akin ni Akira. “You’re Mom asked me where you are, so as

