Chapter 43

2013 Words
CHAPTER 43 RIEUKA Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Damien sa trabaho. Sa condo na ako ni Damien naligo. Mabuti na lamang at may iilang damit akong naligaw sa bagahe niya noong umuwi siya sa Pilipinas. “Sabay ba tayong papasok sa opisina?” tanong ko sa kaniya nang ihinto niya na ang sasakyan sa may site. Nilingon niya ako. “It depends on you,” simpleng sagot nito. “Huwag na, Damien. Baka kasi andoon na si Roman,” sabi ko sa mahinang boses. Tumango lamang siya at nginitian ako. I’m happy that Damien understands and accepts my decision regarding our relationship. “Una ka na.” Inabot ni Damien ang pinto at binuksan niya ito mula sa loob.   Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti bago nauna nang maglakad sa kaniya papasok sa opisina. Pagbukas ko ng pinto ng opisina ay nandoon na si Roman at si Akira. Tahimik silang gumagawa ng kaniya-kaniyang trabaho. Mabuti na lang talaga at hindi kami sabay pumasok ni Damien. Kundi ay baka mahuli kami ni Roman. “Good morning, guys!” bati ko sa kanila bago naglakad palapit sa sofa at umupo sa tabi ni Akira. Tinitigan ko siya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong opisina. Ibinalik kong muli ang atensyon ko sa kaniya. Habang tumatagal ay pakunot nang pakunot ang noo ko. Hindi naman nakasisilaw ang liwanag sa loob, bakit kaya ganiyan ang ayos ni Akira? “Why are you wearing shades inside the office,” bulong ko sa kaniya ng hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Kataka-taka kasi ang ayos niya. Mabuti sana kung dati pa siyang ganiyan magsuot. Ang kaso ay hindi naman. “My eyes are swollen,” mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko. Napalingon sa amin si Roman nang mapansin niyang nagbubulungan kami ni Akira. Awkward kong nginitian si Roman. “Girls talk.” “Why?” bulong ko ulit sa tenga niya. She heavily sighed before putting all the papers she was holding on the table. Hinarap niya ako. “Hindi ka ba tinawagan ng nanay mo?” sabi nito na may halong inis ang boses. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Ang huling pag-uusap namin ni Mommy, ay este pagtatalo, ay noong sa opisina pa sa metro. Simula noon ay hindi pa ulit kami nagkikita. Bukod sa hindi ko siya gustong makita ay wala rin siyang ginagawa para magtama ang mga landas namin. Mabuti na lamang at mukhang hindi niya alam kung saan ang lokasyon namin ngayon kaya hindi niya ako nasusundan. “She might call you sooner,” sabi ni Akira sa mahinang boses. Umiwas si Akira nang tingin sa akin. “She saw me yesterday with… with that guy in the restaurant. She said things that both of us wouldn’t like.” Napayuko ako. Hinawakan ko ang kamay ni Akira. “I’m sorry about that,” taos puso kong hingi ng tawad sa kaniya. “I already told you before. You don’t have to say sorry on behalf of someone who’s not even sorry for what she did,” mariin nitong sabi. Tumikhim si Akira. “Anyway, I hope that you don’t bump with each other,” huling sabi nito bago muling kunin ang mga papeles na hawak niya kanina. Pinagmamasdan ko lang si Akira habang iniisip kung ano na naman kayang sinabi ng nanay ko kay Akira para umiyak siya. Maya-maya ay tahimik nang pumasok si Damien sa opisina. I gave him a soft smile. Tinanguan niya lamang ako bago naglakad palapit sa amin at umupo sa tabi ni Roman. “Good morning!” bati nito bago magsimula sa trabaho. Tahimik lang kaming apat sa loob ng opisina. Silang tatlo ay abalang-abala sa trabaho habang ako naman ay lumilipad ang utak sa aking nanay at sa telepono kong kanina pa nagva-vibrate. Napabuntong hininga ako ng malalim na naging dahilan nang paglingon nila sa aking tatlo. “Is there a problem?” sabay na tanong ni Damien at Roman. Umiling ako. “Wala naman. Nagugutom lang ako,” palusot ko. Tumayo si Damien. “Let’s go eat,” aya niya sa ‘kin. Kinunotan ko siya ng noo. Nakalimutan niya atang sekreto lang ang relasyon namin kaya inaaya niya ako ngayong kumain ng hindi inaaya sina Roman at Akira. “Ano ba ang gusto niyong kainin? Kami ng dalawa ang bibili,” singit naman ni Roman habang nililigpit ang mga papeles na nasa harapan niya. Mabuti na lamang at hindi nito napansin ang pang-aaya sa akin ni Damien. Mukhang hindi naman siya nagduda sa naging aksyon ni Damien. “Anything,” simpleng sagot ko. Hindi naman kasi talaga ‘ko nagugutom. Naghahanap lang talaga ako nang palusot kung bakit kanina pa ako buntong hininga nang buntong hininga. Ibinaling ni Roman ang atensyon niya kay Akira. “How about you, Akira?” tanong niya rito. “Kahit ano na lang din,” simpleng sabi nito. Napailing na lang si Roman at Damien dahil wala silang nakuhang matinong sagot sa amin ni Akira. Nang lumabas si Roman at Damien ay hinarap ko si Akira. “Baka naman kaya kahit ano na lang, kasi hindi naman ‘yung pagkain ‘yung gusto mo kundi ‘yung nagluluto,” pang-aasar ko sa kaniya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin. “Baka naman hindi ka rin gutom, stress ka lang talaga,” ganti niya sa ‘kin. Napanguso ako. Sinimangutan ko lang si Akira at sumandal sa likod ng sofa. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatulala sa kisame. “I can feel that you’re phone keeps vibrating.” Tinignan ako ni Akira. “Nakalimutan mo atang nakaupo tayo sa iisang upuan,” dagdag pa niya.   Napabuga na lamang ako ng hangin. Kanina ko pa rin nararamdaman ang pagva-vibrate nito pero ipinagsasawalang bahala ko na lamang. Natatakot akong makita kung sino ito. Natatakot akong makita na baka si Mommy ang kanina pa tumatawag sa akin. Sabay kaming napatayo ni Akira ng may magbukas ng pintuan at makita namin kung sino ito. “Rieuka, anak. Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo ako sinasagot?” sabi ni Mommy habang naglalakad palapit sa akin. Speaking of the devil. Paglapit niya ay yumakap siya sa ‘kin at bumeso. “Kumusta na, Iha. Kumusta na kayo ni Roman?” tanong ni Mommy sa akin. Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. What does she want with Roman this time? “Mom, stop it,” sabi ko sa kaniya ng may diin sa boses. “Why? What’s wrong? Gusto ko lang naman malaman kung malapit na ba ang kasal,” aniya. Lumapit siya kay Akira para bumeso pero umiwas lamang ito. “What’s with the shade, Iha. Hindi naman maliwanag dito sa loob,” bati ni Mommy sa shade na suot-suot ni Akira simula pa kanina. Hindi naman pinansin ni Akira ang tanong niya. Inirapan lang niya si Mommy at nagpanggap na abala sa trabaho. “Mom, what are you doing here?” tanong ko ng hindi na ako makatiis. Sinusubukan kong kuhanin ang atensyon niya dahil mukhang kahapon pa niya ginugulo si Akira. Hinawakan ako ni Mommy sa magkabilang balikat. “I just want to talk to you. Gusto mo bang ako na ang mag-ayos ng kasal niyo ni Roman? Kami na ng Daddy mo ang bahala sa gastos,” aniya. “Walang kasal na mangyayari. Roman and I aren’t a couple,” singhal ko kay Mommy. Naiinis ako sa kaniya na antagal-tagal na noong muntik maging kami ni Roman. Ilang taon na ‘yon at hanggang ngayon ‘yun pa rin ang pinipilit niya sa ‘kin. Unti-unting nawala ang nakapaskil na pekeng ngiti sa mukha niya. Napairap si Mommy bago umupo sa sofang kinauupuan kanina nila Damien at Roman. “At sinong gusto mo?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Siya?” Binato niya sa lamesa ang iba’t ibang litrato. Litrato ito ni Damien na lumalabas at pumapasok sa condo ko. Iba-iba ang damit nito kaya halatang iba’t ibang araw din kinuhanan ang mga litrato. Mayroon ding litrato kagabi noong pumasok kami ni Damien sa condo niya ng magkasama. Hindi makapaniwala kong tinignan ang mga litratong nakakalat sa lamesa. Naikuyom ko ang aking kamao. “Are you spying on me?” mahinahon pero may diin kong pagkakasabi. “I just want to protect you, my baby. Ayokong magkamali ka ng desisyon kagaya ng iba diyan. Maling lalake ang napili,” pagpaparinig ni Mommy kay Akira. Ipinagsawalang bahala lang ni Akira ang sinabi ni Mommy. It looked like she had already mastered how to ignore my mother. “Stop interfering with my life and Akira’s life, Mom,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Pinamewangan ako ni Mommy. “I just want to confirm something that’s why I’m here. Are you really sleeping with that guy?” Tinuro niya muli ang mga litrato namin ni Damien. Humalakhak siya ng hindi ako makasagot sa naging tanong niya. “Are you out of your mind? Soon enough, you’ll be part of their family, not as her wife, but as his cousin,” singhal sa akin ni Mommy. “Stop seeing that guy, Rieuka. I’m telling you, you will not like what I’ll do if you continue doing this,” banta niya sa ‘kin. “Mom, can you at least treat me like a daughter and not as your property?” Nagbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan sa pagbagsak. “Cause I’m so f*****g tired of being your daughter.” Tinawanan niya lamang ang mga sinabi ko. “You can’t do anything cause I’m the one who gave you your life… so stop doing things that will anger me.” Tumayo si Mommy at isinukbit ang bag niya sa kaniyang braso. “Kung ayaw mo kay Roman, agawin mo na lang ulit ang karelasyon niyang kaibigan mo. Tutal doon naman tayo magaling diba? Ang mang-agaw.” Napayuko ako. Nakagat ko ang aking labi. I wanted to answer that I’m not like her. Pero paano koi to sasagutin kung totoo namang nagawa ko na ang ibinibintang niya sa ‘kin dati.   “I already told you yesterday, right? Your daughter is way more different than you,” singit ni Akira sa pagtatalo namin ni Mommy. Natawa si Mommy sa sinabi ni Akira. “O, baka naman takot ka lang na maagaw ng anak ko ‘yung lalaking kasama mo kahapon? Not confident about yourself, huh?” pang-aasar ni Mommy kay Akira. “O, baka naman takot ka lang na masira ang kasal mo kay Papa kaya ayaw mong magkatuluyan ang pinsan ko at si Rieuka?” ganti naman sa kaniya ni Akira. Hinawakan ko si Akira sa braso. “Tama na, Akira,” pigil ko sa kaniya. “Hindi, Rieuka. Sumusobra na ‘tong nanay mo sa pagiging pakealamera,” galit na usal niya sa ‘kin. “Its fine ako nang bahala sa kaniya. Hayaan mo na siya. Huwag ka nang makipagsagutan,” bulong ko sa kaniya para hindi na lumaki pa ang gulo. Hinarap niya ako. “You know what? I always pity you for being so soft with your evil witch mother. I hope that you don’t forget that you deserve what you tolerate, Rieuka,” sabi nito bago nag-walk out palabas ng opisina. Napayuko ako. Alam ko naman ‘yun… kaso hindi ko magawang magalit ng sobra kay Mommy dahil siya na lang ang nag-iisa kong pamilya. Sino na lang ang matitira sa ‘kin kapag maging siya ay nawala sa buhay ko? Hinarap ko si Mommy at nakita ko ang pag-akyat baba ng mga balikat niya at ang nanlilisik niyang mga mata sa ‘kin. “Remember what I said, Rieuka. Stop playing with that man, and I won’t ever accept it if you ever bear his child,” madiin na sabi ni Mommy bago naglakad palabas ng opisina. What should I do now? Anong gagawin ko kung hindi ko na kayang humiwalay pa kay Damien? Anong gagawin ko kung hindi ko na kayang sundin ang utos ng nanay ko? Oh God, please help me. What should I do at this time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD