Chapter 42

2227 Words
CHAPTER 42 AKIRA “Where do you want to eat?” tanong sa ‘kin ni Andrew ng sa wakas ay natapos na siyang magluto. Kanina pa ako tahimik na nanonod sa kaniya. Takot na baka may masabi na naman akong ikapahahamak ko. Kanina pa ako nakararamdam ng gutom pero sa halip na pagmadaliin siyang magluto ay mas pinili kong mag-intay na matapos siya. Nag-eenjoy kasi akong pagmasdan siyang seryosong-seryosong magluto. Dagdag pa na nakakatuwa ring pagmasdan ang mga muscles niya sa tuwing naghahalo siya o di kaya’y naghihiwa. “Can we eat outside? I want to sit in a chair badly,” sabi ko habang tinitignan ang mga paa kong nakalutang sa sahig. Nakaupo kasi ako ngayon sa isang counter top. Nang sumakit kasi ang paa ko dahil sa tagal kong nakatayo ay naghanap ako nang mauupuan ko at itong counter top ang aking nakita. Tinanong ko naman si Andrew kung ayos lang na umupo ako rito at umoo naman siya. “Okay,” simpleng sabi nito bago ako alalayan sa bewang pababa ng sahig. Tumikhim ako. “I’m fine kaya ko naman nang bumaba mag-isa,” pigil ko sa kaniya nang akmang bubuhatin niya ako. Sa halip na magpapigil sa akin ay lalo lamang siyang lumapit sa kinauupuan ko at binuhat niya ako pababa habang nakahawak sa bewang ko. Muntik na akong matumba nang tumayo ako sa sahig. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko dahil sa tagal nang pagkakaupo ko kanina. Mabuti na lamang at hinarang niya ang matigas niyang braso sa magkabila kong gilid para hindi ako tuluyang matumba. “Are you fine?” nag-aalala niyang tanong sa ‘kin. “I can’t feel my feet. I think it turns numb,” sabi ko habang sinusubukang itapak ang paa ko pero ayaw nitong makisama. Nanlaki ang mga mata ko nang nag-squat siya sa harap ko at inabot ang aking kanang paa na namamanhid. Hinilot niya ito na para bang wala lang sa kaniya ang paghawak sa paa ng ibang tao. “Andrew, its fine.” Sinubukan ko siyang pigilan dahil nakahihiya naman kung ang isang mayama at asensadong binata na kagaya niya ay gawin kong tagapamasahe ng paa. “A little bit more,” sagot niya. Hindi pa rin niya binibitawan ang paa ko at patuloy lang ang pagmasahe niya dito. Inangat niya ang kaniyang ulo para salubungin ang aking mga mata. “Are your feet feeling better now?” “Yeah, I already told you that I’m fine.” Inalis ko sa pagkahahawak niya ang paa ko at isinuot ulit ito sa sapatos. “You should stop wearing heels. It’s only hurting your feet in the long run,” seryoso niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga paa ko. Na-conscious tuloy akong igalaw ang paa ko dahil sa paraan nang pagkakatingin niya rito. Tumikhim ako. “I can’t, I’m too small if I don’t wear heels.” “You’re not small… You’re height is just perfect for my height,” aniya bago ako tinalikuran at maghugas ng kamay. Teka, ano raw? Sakto lang ang taas ko sa taas niya? Bakit niya naman nasabi ‘yon? Bumilis ang t***k ng aking puso. Pasimple kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang aking mga kamay. Kanina naman ay malamig dito sa loob, bakit parang biglang kinulang sa hangin? Hinarap niya ako nang matapos siyang maghugas at magtuyo ng kamay. “Let’s go. I’ll lead you to our table.” Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa aking pisngi nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang. Hinapit niya ang bewang ko at ginabayan niya ako palabas ng kusina ng restaurant. Hiyang-hiya ako habang naglalakad kami palabas. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao sa loob ng kitchen. Nakasunod ang mga matatalim na mata nila sa aming dalawa ni Andrew. Siguro ay iniisip nila na makakaisa na naman si Andrew ngayong gabi. Pwes diyan sila nagkakamali. Hindi ako isa sa mga babae ni Andrew at hinding-hindi ako magpapauto hangga’t hindi ako siguradong hindi ako lolokohin. Never again! Dumiretso kami sa isang lamesang pandalawahang tao sa pinakadulong parte ng restaurant. Hinila niya ang isang upuan at inalalayan akong umupo doon bago siya umupo sa katapat kong upuan. Wala pang isang minuto ay nakasunod na rin sa ‘min ang isang waiter at dala-dala ang mga pagkaing niluto ni Andrew. Napansin kong napatingin ang ilang tao sa kabilang lamesa nang makita ang mga pagkain namin. Siguro ay nagtataka sila kung bakit iba ito sa mga kinakain nila ngayon. “Wine?” tanong sa amin ng waiter. Umiling ako. “No, I’ll have to drive later,” tugon ko sa waiter. Tinanong din nito si Andrew pero umiling lamang ang huli. “Dive in.” Iminuwestra sa ‘kin ni Andrew ang mga pagkaing nakahanda sa harapan namin. “Why are we sitting here?” kuryoso kong tanong. Tuwing kasing kumakain ako dito at nandito rin siya at may kasamang ibang babae ay palagi silang nakapuwesto sa kabilang dulo ng restaurant. Kaya nagtataka ako kung bakit sa kabilang dulo kaming dalawa umupo. Malayo sa dati niyang kinauupuan. Samantalang wala namang umuokupa nito. He sighed. “I don’t want you to think that you’re just a passing fling in my life like those other girls,” seryoso niyang sabi habang sumisipsip ng cranberry juice na nasa harapan niya. “Then, what am I to you? A passing fling that isn’t gullible,” biro ko sa kaniya. Tinawanan ko pa ang sarili kong sinabi habang kumakain ng pesto pasta na kaniyang niluto. In fairness, Andrew is really a good chef. Baka nga mas magaling pa siyang magluto kaysa sa mga ibang chef niya rito. I’m so lucky to taste this heavenly meal made by him. “I know that you know how different you are compared to them so stop joking around and just continue eating,” may diin niyang sabi bago nagpatuloy nang kumain. Kaso ‘yun nga ang problema. Dati alam ko kung saan ang lugar ko, pero ngayon hindi ko na alam kung paano ako lulugar sa buhay niya… at kung saan. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy kumain. Matapos ng mahabang nakabibinging katahimikan ay nagkaroon na ulit ako ng lakas para magsalita. “If I didn’t do that years ago, Andrew. Do you think you’ll still pursue me? Do you think we’ll be happy now?” seryoso kong tanong sa mahinang boses. Yumuko ako. Takot na marinig kung ano ang isasagot niya. “Why would you think of what if’s when all the things you’ve done cannot be change anymore?” He paused. “Stop thinking about what will happen when the damage was already done,” dagdag pa niya. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay magkasalubong na ang mga kilay niya at masama ang mga tingin na binibigay sa kaniyang kinakain. I faked a laugh. “Sabagay, ano nga ba ang karapatan kong tanungin ka samantalang ako naman ang may kasalanan kung bakit ka lumayo noon,” pabiro kong sabi kahit na ang totoo ay nasasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig. Tahimik kong pinagpatuloy ang aking pagkain habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “That’s not—“ Naputol ang sasabihin ni Andrew ng may maglapag ng isang mamahaling bag sa ibabaw ng lamesa namin. Inangat ko ang tingin ko at napairap na lamang ako nang makita ko ang pagmumukha ng nanay ni Rieuka. Pasalamat na lang talaga ako at hindi niya kamukha si Rieuka kundi ay baka palaging mainit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko si Rieuka. Sa halip na batiin ko siya ay pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko na parang wala akong pakealam sa presensya niya. Naramdaman ko ang pagmamasid sa akin ni Andrew. Tahimik lamang siya at naghihintay nang gagawin ko o kaya ng mama ni Rieuka. “I haven’t seen you for so long, Akira. Haven’t you miss me?” tanong niya sa ‘kin. Napangisi na lang ako habang nakayuko dahil sa tanong niya. Asa pa siyang mami-miss ko siya. Kung pwede nga lang siyang burahin sa mundo ay baka ginawa ko na. “Anak huwag mo naman akong ipahiya sa kasama mo,” pangungulit pa niya. Kagaya kanina ay hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagkain. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagdakdak sa gilid namin kahit wala namang pumapansin sa kaniya. “Iho, ito talagang batang ‘to bastos. Pagpasensyahan mo na. Ganiyan ata talaga kapag hindi mahal ng mga magulang,” sabi niya kay Andrew na tahimik lang ding nakikinig at hindi sumasabat. “Wala na kasing pamilya ‘yan. Ipinagpalit na siya ng tatay niya para sa ibang pamilya,” dugtong pa nito na ikinakuyom ng kamao ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hinawakan ni Andrew ang kamay ko at tinignan ako sa aking mga mata. He gave me an “it’s going to be fine” look. Nakagat ko na lamang ang labi ko. Dahil sa kaniya ay pinigilan ko ang sarili kong sagutin ang bruhildang nasa gilid namin.   “Ay ang sweet mo naman iho,” bati ng bruhildang babae na ‘to sa magkahawak naming kamay ni Andrew. “Ganiyang-ganiyan din kami ng tatay niya. Laging magkahawak kamay at hindi naghihiwalay,” dugtong pa nito. Hinila ko ang kamay kong hawak-hawak ni Andrew at itinago ito sa ilalim ng lamesa. That was the last thing that I want to be compared at, her and my cheating father. Ibinalik niya muli sa ‘kin ang kaniyang atensyon. “Iha, aren’t you scared? That he’s bound to cheat like every man in your life. You’re father… You’re ex-boyfriend… and now he’s going into that list too,” nang-iinis niyang sabi sa ‘kin. “You know every man around you do that to you.” Tumayo ako at tinignan si Andrew. “I’m done eating. Thanks for the food.” Sinukbit ko ang bag ko sa aking kanang kamay. Akmang maglalakad na ako nang hawakan ng bwisit na ‘to ang braso ko. “You’ll just left like that? Hindi ka man lang ba magpapakatanga ulit kagaya ng nanay mo at hintayin ang anak kong agawin siya sa ‘yo.” Tinuro niya si Andrew na nakatayo na rin at tahimik na nagmamasid sa aming dalawa. Napangisi ako. Wala na akong pakealam kung magmukha man akong masama sa mata ng iba… kahit sa mata ni Andrew. Ano naman ngayon kung magmukha akong masama? Hangga’t hindi kasing itim ng babaeng ito ang budhi ko ay ayos lang sa ‘kin. Tinawan ko siya ng malakas. “Are you f*****g kidding me? Rieuka? Do you think Rieuka will do that to me if she already knew. Well, sorry to burst your bubble woman, but your child didn’t grow up like her mother… who’s a mistress and always will be,” madiin kong sabi sa kaniya. Tinuro ko ang sarili ko. “And me? I’m not going to be my Mom. Cause I’ll eradicate any woman like you who lingers at my man.” Lumapit ako sa kaniya. “So stop f*****g with my life before I lose any respect that I have for you, because after all you’re still the mother of my friend,” mahina kong sabi malapit sa tenga niya na sa tingin ko ay sapat lang para tumatak sa kokote niya at marinig ni Andrew. Nag-walk out na ako palabas ng restaurant at dumiretso sa naka-parking kong sasakyan. Sinipa ko ang aking gulong nang ma-realize ko na wala nga pala ang susi nito sa ‘kin. “What the f**k!” mura ko dahil sa sobrang inis. “Akira!” Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses nang tumawag sa ‘kin. Napairap ako nang makita ko ang tumatakbong Andrew palapit sa akin. Walang kaemosyon-emosyon ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdamn niya ngayon. Nang makalapit siya sa akin ay yumuko ako at nakagat ko ang aking labi. “Don’t f*****g tell me to come back inside and apologize to her, cause that would not happen, and never will until I die,” matigas kong sabi sa kaniya. Nabigla ako nang hinila niya ako palapit sa kaniya at yinakap ako nang mahigpit. “I won’t tell you to do things that you don’t like Akira… but I’ll tell you to do things that you want nobody to see,” he said in a voice that soothed my ear. “Cry, Akira. You can always cry in my shoulders. Cry your heart out as if I’m not here.” Kagaya nang sabi niya ay kasing bilis ng kidlat na nagbagsakan ang mga luha sa mata kong kanina ko pa pinipigilan. The tears that I only let out in the four corner of my room, I let it all out while hugging him. Itinago ko ang mukha sa kaniyang dibdib habang tahimik na umiiyak. I’m so scared right now. I’m so scared that what the evil witch said might happen. I knew that Rieuka wouldn’t do that to me intentionally, but what if there’s someone out there that will… and what if I stay blindly in love like my mother. I’m so terrified right now. I can just only hope that won’t happen to me. I can only hope that I’ll find that man that won’t do that to me… and I don’t know if Andrew would be that man. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD