CHAPTER 41
AKIRA
Nang makarating kami sa tapat ng restaurant ni Andrew ay pinahinto ko na ang sasakyan.
“We’re here. Pwede ka nang bumaba,” utos ko sa kaniya.
Buong byahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Mabuti na lamang at malapit lang ang restaurant niya sa may site kundi ay baka kanina pa kami nilalamon ng katahimikan.
Tumingin si Andrew sa ‘kin. “Kumain ka na?” tanong niya sa halip na bumaba ng kotse.
Umiling lang ako bilang sagot sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at nagtipa ng mensahe para kay Rieuka.
'Are you fine?'
‘Nagkabati na ba kayo?’
I’m kind of concerned about Rieuka. Alam kong bago pa lang sa kaniya ang lahat ng ‘to.
She was not used to feeling something for a guy, and I'm sure instead of telling Damien what's bothering her, she would rather keep bottling it up inside her.
“Who are you texting?” tanong ni Andrew habang sinisilip ang screen ng cellphone ko.
“Rieuka,” simpleng sabi ko bago ko itago muli sa aking bag ang aking cellphone. “Wag ka ngang chismosa,” pagtataray ko sa kaniya.
Bakit nga ba siya nagtatanong at bakit ko nga ba siya sinasagot, aber?
Kung makapagtanong ay akala mo naman talaga may pake siya sa kung sino ang mga kinakausap ko.
"Are you hungry? I’ll cook for you,” pagprepresinta niya.
Nate-tempt akong umooo sa alok niya dahil bukod sa nagugutom na ako ngayon ay alam kong masarap siyang magluto.
“No thanks, baka mamaya ay lasunin mo pa ‘ko,” biro ko sa kaniya. “Labas na,” utos ko sa kaniya.
Bumuntong hininga si Andrew. Nagtataka ko siyang sinundan nang tingin ng may pinindot siya sa may controls bago lumabas ng kotse.
Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa makaikot siya papunta sa driver’s seat. Binuksan niya ang pinto sa may tapat ko.
“What are you doing?” singhal ko sa kaniya nang hinila niya ‘ko pababa ng kotse at sumakay siya sa may driver’s seat.
Nakanganga lang akong nakatingin sa kotse ko habang kina-car nap ito ni Andrew. Pinarada niya ang kotse sa may lugar para sa mga kumakain sa restaurant.
Nakangiti siyang lumapit sa akin. “Let’s go inside,” aya niya sa akin.
Nanatili akong nakatayo kung saan niya ako iniwan. Nagmamatigas sa mga utos niya.
Binalikan ako ni Andrew at tumayo siya sa harapan ko. "I have your car keys. You can't go home unless you take a cab… and trust me, I'll have your car towed if you leave it there when you're not a customer here," pagbabanta niya sa 'kin.
Matapos niya akong pagbantaan ay tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa loob ng restaurant.
Sumimangot ako. Bwiset talaga ‘yung lalaki na ‘yun. Matapos manakot ay tatalikuran ako.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kaniya papasok. Takot ko lang na baka totohanin niya ang mga sinasabi niya.
Mahal na mahal ko pa naman ang kotse ko dahil regalo ito ni Mama sa ‘kin mula sa sarili niyang bulsa ng hindi humihingi kay Papa.
Pagpasok ko ay hinanap si Andrew ng mga mata ko. Nang magtama ang mga mata namin ay minuwestra niya ako na sumunod sa kaniya.
Para naman akong ewan na nakasunod sa kaniya kahit nag-aalinlangan pa rin ako kung sasama ba talaga ‘ko sa kaniya.
“Where are we going?” tanong ko sa kaniya ng sa wakas ay nagawa ko nang igalaw ang mga paa ko palapit sa kaniya.
“Inside the kitchen,” simpleng sabi niya.
“Ha? Pwede ba akong pumasok doon?” nagtataka kong tanong.
As far as I remember employees are the only one who can get in the kitchen. Paano naman ako makapapasok doon, samantalang hindi naman ako empleyado rito?
“Don’t worry, I got you,” sabi niya bago naglakad palapit sa ‘kin.
Napaatras naman ako dahil sa paglapit niya. Humahakbang siya palapit sa ‘kin habang ako naman ay humahakbang palayo sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang pader sa aking likuran.
“Stop running away from me. Don’t let me chase you,” sabi niya sa seryosong tono habang nakatitig sa mga mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa sobrang taas nang intensidad ng mga tingin niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinatalikod ako sa kaniya.
“Stand still,” utos niya habang abalang-abala siya sa kaniyang ginagawa sa aking buhok.
Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya sa may batok ko habang sinusubukan niyang ipitan ang aking buhok.
Napalunok ako. Sobrang bilis nang t***k ng aking puso. Pinagpawisan na ako ng malamig habang hinihintay siyang matapos.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hinarap niya ako sa kaniya at sinuotan ako ng apron. Isinabit niya ito sa aking leeg at inayos ang bandang harapan nito.
Umikot siya sa likuran ko para itali ito. Para akong batang tinutulungang magbihis ngayon.
“There,” he said with a smile of satisfaction plastered on his face. “Let’s go,” sabi niya sa akin bago kami tuluyang pumasok sa loob ng kitchen.
Nakayuko naman akong pumasok sa loob. Nakahihiya at baka mamaya ay magtaka sila kung bakit andito ako sa loob ng kitchen. Baka mapagkamalan pa akong babae ni Andrew dito sa loob.
“What do you want to eat?” tanong niya sa ‘kin nang makarating kami sa pinakadulong parte ng kitchen na walang gumagamit.
Bakit kaya walang gumagamit nito. Siya lang ba ang pwede rito? Ito ba ang lugar na pinaglulutuan niya.
“Is this your place?” tanong ko habang pinadadausdos ko ang kamay ko sa counter top.
"Yeah, it's my personal space in this kitchen," he explained.
Tumango-tango lang ako habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang siya nakita na naka-cap na pang-chef at naka-apron.
He looked so hot in that black apron and white cap. Dahil sa apron na suot niya ay nahubog nito ang maskuladong katawan niya. Niyayakap ng apron ang kaniyang katawan.
“What do you want to eat?” ulit ni Andrew sa tanong niya kanina ng hindi ako sumagot.
“You…” Nanlaki ang mga mata ko ng huli na nang mapagtanto ko kung ano ang aking sinabi.
Tumikhim ako at inayos ang aking postura. “I mean… you… what do you want to cook?” palusot ko.
Nakita ko ang multo ng ngiti sa kaniyang mga labi na ikinayuko. s**t naman, nakahihiya. Baka isipin niya ay pinagnanasaan ko siya kahit hindi naman.
Oo na sige na, pinagnanasaan ko siya pero konti lang.
“You like Italian food right? I’ve seen you order a lot of Italian food in our menu,” sabi niya habang may inaayos na gamit sa ibabaw ng counter.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. “I don’t like Italian food, I love them. I’m craving for pesto right now,” wala sa sarili kong sabi habang iniisip kung anong masarap kainin bukod sa kaniya.
Inangat niya ang tingin sa ‘kin. “Is that all?”
Namula ako nang hindi niya inalis ang mga mata sa ‘kin. “Huh?”
Ano bang tinanong niya. Teka, nakalimutan ko na. Ang nakikita ko na lamang ngayon ay ang nakalulunod na mga mata niya.
Andrew smiled at me, which made me melt. "Have you tried Fiorentina before?"
Umiling ako kahit na ang totoo ay wala naman akong naintindihan sa tanong niya.
“I’ll just get the ingredients. Wait for me here,” paalam niya bago ako iniwan sa kaniyang pwesto sa kusina.
Nang maiwan akong mag-isa roon ay narinig ko ang usapan ng ibang mga tao sa loob ng kitchen.
“Who is she? Girlfriend ba siya ni Chef Andrew?”
“Parang hindi naman. Palagi namang may kasamang babae ‘yang si Chef.”
“Baka nga bukas ay iba na naman ang kasama niya.”
“Malamang sa malamang. Ang bilis kayang magsawa ni Chef sa babae.”
“True, mare. Bawat araw paiba-iba siya ng kasama.”
“Hay nako, ako kahit pagsawaan niya basta’t makaisa ako sa kaniya ay ayos na ayos lang sa ‘kin.”
Nakagat ko ang mga labi ko at napayuko. Mabuti na lamang at hindi pa ako masiyadong nagpapauto kay Andrew.
Hindi ko pa naiisip na baka espesyal ako sa kaniya kaya sinama niya ako rito…. muntik pa lang.
Nang mag-ring ang telepono ko ay sinagot ko agad ito. It was Damien asking something about Rieuka. I felt relieved when I confirmed from him that Rieuka was fine.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagre-reply si Rieuka sa mga mensahe ko sa kaniya kanina. Akala ko naman ay kung bakit na.
Sakto namang pagbaba ko ng telepono ay ang pagbalik ni Andrew. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagpanggap na wala akong pake sa kaniya.
I have to protect my heart at all costs. I didn't want it to break with the same reason again.
"Who was that?" he asked after he saw me ending the call when he came.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Why did you ask?”
"I just want to know. Is there something wrong with that?"
"There is, because I don't want to tell it to you, and you don't have the right to ask," mataray kong sagot sa kaniya.
Bumuntong hininga lamang si Andrew at hindi na sumagot po. Nagsimula na siyang magluto.
Walang nagsasalita sa aming dalawa pero kating-kati na ang dila kong kwestyonin siya tungkol sa mga narinig ko kanina.
“Ilang babae na ba ang nadala mo rito? Is this your way to get into their panties?” matapang kong tanong sa kaniya.
Hindi naman sumagot si Andrew at nanatiling tahimik. Lalo akong nainis sa pananahimik niya. Bakit hindi siya makasagot? Siguro ay totoo ang pinag-chichikahan nila kanina.
“Bakit hindi ka makasagot? Hindi mo na ba mabilang sa sobrang dami?”
He sighed heavily. “I don’t bring girls here, Akira,” seryoso niyang sabi na ikinatawa ko.
"Don't lie to me. I always saw you with a different girl eating in this restaurant," sabi ko sa mapait na tono.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pait sa tono ko pero hindi ngayon ang oras para pag-isipan pa ‘yon.
Hinarap niya ako. Napalunok ako. Ngayon ko lang na-realize na maliit pala ang kitchen niya. Akala ko kanina ay masiyado itong malaki para sa kaniya.
Ngayong magkaharap kami ay naging maliit ang kitchen dahil sa ilang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa. Pang-isahan lang siguro ito kaya masikip na para sa aming dalawa.
"You saw us eating outside, Akira, and not here in the kitchen," matigas niyang sabi.
Nginitian niya ako nang nakaloloko. "I don't even have to cook for those girls just to get in their panties."
Nilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko. "Seeing me would be enough for them to go head over heels for me," he said those words by words that stunned me in my place.
Tinalikuran niya ako at bumalik sa pagluluto na parang walang nangyari. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makalayo na siya sa ‘kin.
Kumuyom ang aking mga kamao dahil sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit dahil ayokong mag-eskandalo sa loob ng restaurant niya.
Sayang naman ang ganda ko kung magwawala ako rito ano. Baka isipin pa ng mga chismosa sa paligid ay walang ka-class class ang bagong babae ni Andrew.
"Don't believe in gossip that you hear. You should learn how to fact check…. and trust me, I never cook for any girl just to get into their panties," he said after minutes of silence between us.
“…and if I ever cook for a girl, I won’t do it to get into their panties but rather their heart,” seryosong sabi niya habang walang kaemosyon-emosyon ang mukhang niyang nagluluto.
Hinarap ako ni Andrew. “So don’t overthink too much. Overthinking would just hurt you with things that are not even real,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.
I felt all the blood in my veins rush to my cheeks, and animals were partying in my stomach. This isn't good! This isn't nice! How can I ever recover after this fall?