CHAPTER 40
RIEUKA
“Bitawan mo ko,” singhal ko kay Damien.
Pinipilit kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkahahawak niya.
“Damien, ano ba. Nasasaktan na ako,” palusot ko para makawala mula sa kaniya.
Hindi naman kasi mahigpit ang pagkahahawak niya sa ‘kin kaya hindi ako nasasaktan. Sa totoo nga ay parang walang nakahawak sa ‘kin, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makawala mula rito.
Dali-dali naman niya akong hinarap at ininspeksyon ang kamay ko. Seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa palapulsuhan kong walang bakas na pula.
“I’m sorry, Zy…I didn’t mean to,” he said guiltily.
Hindi niya magawang alisin ang atensyon niya sa kamay ko at minasahe niya pa ito.
Na-guilty naman ako dahil hindi naman talaga niya ako nasaktan nag-iinarte lang ako kanina para makawala sa kaniya.
Hinila ko mula sa pagkahahawak niya ang kamay ko at tinago ito sa aking likuran.
Tumikhim ako at inayos ko ang aking postura. “I’m fine now.”
Napayuko ako. Hindi ko siya magawang tignan sa mata kaya sa halip na siya ang tignan ako ay sa mamahalin niyang sapatos na lang ako tumingin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Where did you go yesterday? Why didn’t you go home? Why aren’t you answering my calls?” sunod-sunod niyang tanong ko sa ‘kin.
Hindi ako sumagot. Hindi ko rin siya tinignan. Natatakot ako na baka kapag nakita ko ang nagsusumamo niyang mukha ay matunaw ang galit na napakapalibot sa aking puso.
“Zy,” tawag niya sa ‘kin sa malambot na boses na may halong pagbabanta.
Itinaas niya ang baba ko, at pinagtama niya ang mga mata namin.
“Zy, please answer me. I’m getting crazy because of you since yesterday,” pagmamakaawa niya sa akin.
“It’s none of your business.” Iniwas ko muli ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa may bandang gilid niya.
Bumuntong hininga siya. “It is, Zy. Cause we’re more than friends now, and I think I deserve an explanation after your sudden disappearance yesterday,” seryoso niyang sabi sa ‘kin.
Nanatili pa ring magkadikit ang mga labi ko. Walang ni isang salita ang lumalabas mula rito.
He sighed before he pulled me into a tight hug.
“I’m sorry, Zy. What did I do wrong?” he murmured at my ear. “Please, say something.”
I sensed the sadness in his voice as if he had been longing for me for so long.
“What did I do, Zy? I’ll promise I won’t do it again, and I’ll make up to you,” dagdag pa niya.
Bumuntong hininga ako. Paano ko naman sa kaniya sasabihin ang dahilan ng pagiging ganto ko kung maging ako ay hindi ko rin alam ang nararamdaman ko.
Paano ko sasabihin sa kaniya kung kahit sa sarili ko ay takot akong aminin kung ano ang naramdaman ko kahapon.
No one breaks the silence between us. The two of us remained silent and felt the hug we were sharing.
We stayed like that for more than five minutes. Kundi pa umulan ay baka mas nanatili pa kami roon ng matagal.
Wala na tuloy akong nagawa kundi sumakay sa passenger seat ng kotse niya. Mabuti na lamang at ambon lang ‘yun kundi ay baka nabasa na kaming dalawa.
Nagtataka kong nilingon si Damien ng may kinuha siya sa likod ng kotse. He handed me a plain white shirt and a towel.
“Here, dry yourself up. You might get sick,” sabi niya bago pinaharurut ng mabagal ang kaniyang sasakyan.
“How about you?” wala sa sarili kong sabi.
Huli na nang ma-realize kong medyo galit nga pala ako sa kaniya. Mas nangingibabaw kasi ang pag-aalalang nararamdaman ko kesa sa pag-iinarte ko.
“It’s fine…I’m already okay to know that you’re still concerned about me?” sabi niya habang nakatutok pa rin ang kaniyang atensyon sa daan.
Namula ako at tinago ko ito sa pamamagitan nang pagtatago ng mukha ko sa towel at kunwaring nagtutuyo ng mukha.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil hindi naman ako ganoon kabasa. Sa totoo nga lang ay mas basa pa siya sa ‘kin.
Paano ay para ko siyang naging payong kanina dahil sa yakapan namin. Mas matangkad kasi si Damien sa ‘kin at di hamak na mas malaki ang kaniyang katawan kaysa sa ‘kin.
Tumikhim ako at pinunasan ko ang tumutulong tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang mukha at leeg.
Nanigas siya sa kaniyang pwesto. Kitang-kita ko ang unti-unting pag-angat ng gilid ng kaniyang mga labi.
Tumikhim ako. “I don’t want to take care of a sick person after this.” Pinilit kong sabihin ang mga salitang ‘yon sa malamig na boses. Nagpapanggap na walang pakealam sa kaniya kahit na ang totoo ay nag-aalala ako sa kaniya.
Nagtataka ako ng sa halip na dumiretso pa siya papunta sa may building ng condo ko ay lumiko na kami papasok sa isang parking lot.
“Where are we?” tanong ko nang makahanap agad siya ng pwesto na mapagpaparkingan at pumarada.
Hininto niya na ang sasakyan. Kinuha niya ang towel na hawak-hawak ko at lumabas ng sasakyan.
Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. “Magpapalit lang ako ng damit bago kita ihatid,” sabi niya bago ako inalalayang lumabas.
Gulong-gulo ako. Magpapalit muna siya ng damit? Samatalang halos isang tawid na lang naman ang pagitan ng building ng condo ko ng sa kaniya.
Why did he have to change now when he could do it after dropping me in front of the building?
Kahit maraming tanong ang umiikot sa ulo ko ay hindi na ako nagtanong, baka kasi mamaya ay giniginaw na pala siya kaya gusto niyang umuwi muna. Hindi na rin ako umangal dahil ayokong magkasakit siya.
Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta ako rito. Nakapunta na ako rito noong nalasing siya at sinundo ko siya sa isang bar at hinatid pauwi.
“I’ll just change. Make yourself feel at home,” paalam niya sa ‘kin.
Inabot niya sa ‘kin ang remote control ng kaniyang TV bago nagmamadaling lumakad papasok sa kaniyang kwarto.
Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo rito.
Nang ma-bored ako ay binuksan ko ang TV. Hindi ko alam na napakabagal pa lang kumilos ni Damien at lagpas sampung minuto na siyang nagpapalit ng damit.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko ng may yumakap sa akin mula sa aking likuran at ipinatong ang baba sa aking balikat.
“I called Akira. I’m sorry, but I can’t help but ask her why you’re acting like this. I’m sorry if I made you mad because of Danica,” he said softly to my ear.
Para akong hinehele ng boses niya sa sobrang lambot nito at hinahon.
“I promised, I will always keep a five feet distance between us,” he continued when I didn’t say anything.
“Please forgive me, Zy. I missed my baby Zy,” bulong niya sa ‘kin habang inaamoy ang buhok ko.
“Its fine, you don’t have to be sorry. I’m sorry if I get angry over a childish matter,” sabi ko sa wakas matapos nang pananahimik ko simula pa kanina.
Nakatulong na rin siguro na hindi ko siya nakikita ngayon kaya malakas ang loob kong aminin ang totoo.
Naramdaman ko ang pag-iling niya. “Jealousy is not childish, Zy. It only means that you really like the person for you to feel that way,” sabi niya bago putulin ang pagyayakapan namin at umupo sa tabi ko.
“…but as much as I want to know that you like me. I didn’t want to know it in this way, Zy. I’m really sorry,” he said while playing with my fingers.
Hinarap ko siya. Nakita kong serysong-seryoso siyang nilalaro ang mga daliri ko habang nakayuko rito.
Umangat ang magkabilang gilid ng mga labi ko bago ko siya niyakap ng mahigpit.
“I’m also sorry for not telling you about my whereabouts. I was with Akira yesterday, and I slept in her condo. I didn’t mean to make you worry.”
Yumakap siya sa ‘kin pabalik. “I’m relieve to know that you’re with her,” sabi niya sa mahinang boses.
“Damien,” tawag ko sa atensyon niya nang maramdaman ko ang pagbigat ng kaniyang ulo na nakapatong sa balikat ko.
Tinapik ko ang likod niya. “Damien?”
Unti-unti akong bumitaw sa pagkakayakap namin ng hindi siya sumagot.
Napangiti ako nang makita kong nakapikit na siya at mukhang payapa ng natutulog. Umupo ako ng maayos at inalalayan ko siya para makahiga sa may hita ko.
Mukhang napuyat talaga siya kagabi kahahanap sa ‘kin. I’m guilty of what I did, but I’m also glad that Damien didn’t disregard what I felt yesterday.
Nakangiti lang akong pinagmamasdan ang payapa niyang mukha habang dahan-dahan rin akong hinila ng antok.