CHAPTER 39
AKIRA
Buong durasyon na nag-uusap si Damien at si Andrew ay ginawa ko na ang lahat nang makakaya ko para di kami magdikit.
Kulang na nga lang ay kumandong na ako kay Roman makalayo lang kay Andrew. Na-realize ko na mas ayos na pala sa ‘king madikit kay Roman kaysa naman dito sa mahanging Andrew na ‘to.
“So, can you recommend me an architect that can do what I want,” tanong ni Andrew kay Roman nang matapos na nilang pag-usapan ang pinunta dito ni Andrew.
Andrew wants to open another restaurant in line with his first other restaurants with a different vibe.
Hindi ko nga lang alam kung ano ang spesipikong gusto niya dahil sa halip na makinig ay mas naging abala ko sa espasyo sa pagitan namin.
“Well, the one sitting beside you is an architect,” pahayag namin ni Damien na ikinasimangot ko.
Tinignan ko si Damien ng masama pero ipinagkibit balikat niya lamang ang matatalim na titig ko sa kaniya. He mouthed ‘what’ at me.
“I don’t think that she’ll like to change the designs of my new restaurants, she likes to eat at my restaurant. She actually ate there every day,” mayabang na sabi nito na ikinairap ko.
Kung makapagsalita siya ay para namang napakasarap kumain sa restaurant niya, sabagay, masarap naman talaga.
Nginitian ko si Andrew. “Good news, namimili rin kasi ako ng mga gusto kong makatrabaho,” matamis kong sabi sa kaniya kahit na ang totoo ay gusto ko siyang batukan ngayon din mismo.
“Rieuka’s also an architect,” singit ni Roman habang nakaturo kay Rieuka na nasa tapat niya.
Nagtataka ko siyang nilingon. Simula kasi nang dumating si Andrew ay wala ng kahit isang salitang lulabas sa bibig niya. Muntik ko na ngang makalimutan na andito nga pala siya.
Pero hindi na ako aangal, pabor naman kasi sa akin ang rekomendasyon niya.
“I’m sure Rieuka will also like to take this project. Right, Rieuka?” aniya ko.
Pinanlakihan ko ng mata si Rieuka. Utang na loob, Rieuka makisama ka naman kahit ngayon lang.
“Nah, my hands are full right now, and for sure Akira would like to experience designing a restaurant,” sabi nito sa mapang-inis na tono.
Sinamaan ko si Rieuka nang tingin at sinimangutan. Kung alam ko lang na hindi niya ako ipagtatanggol sa mga oras na kailangan ko siya ay hindi ko na siya pinagtanggol ng ilang beses.
Sasagot pa sana ako na ayaw lang niyang makasama si Damien sa isang proyekto dahil hindi sila ayos, kaso naalala ko na katabi ko si Roman.
Hindi naman ako ganoon ka sadista kahit naiipit na ako para sabihin ‘yun ng harap-harapan kay Rieuka habang may katabi akong mayroong nararamdaman para sa kaniya hanggang ngayon.
Hinarap ako ni Andrew. “It’s settled then, you’re the one who’s going to design my restaurant,” nakangiti niyang sabi sa ‘kin.
Napaatras agad ako ng ulo nang humarap siya sa ‘kin. Sa sobrang lapit kasi namin ay iilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa.
Umusog naman ako ng kaunti pagilid nang ma-realize kong sobrang lapit pala namin sa isa’t isa.
“She’ll still have to consult her secretary if she can fit another project in her schedule,” singit ni Roman sa gilid ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na palaging sumisingit si Roman at pabor sa akin ang mga sinasabi niya. O magi-guilty na baka ayaw lang niya kaming maging magkatrabaho ni Andrew dahil sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas.
“We didn’t even last a week here in the site. She finished all her works before this one, so I’m sure she’ll have a slot in her schedule for Mr. Earnhart,” singit naman ni Damien na ikinasama na naman ng loob ko.
Pinsan ko ba talaga ‘tong lalaking ‘to. Bakit parang wala na siyang nasabing magiging pabor sa ‘kin. Damien should learn how to read between the lines.
“I’ll see about it,” simpleng komento ko para matapos na ang napakahabang pag-uusap na ‘to.
Nang umalis na si Andrew, lahat kami ay naiwang tahimik. May namumuong tensyon sa paligid namin na hindi ko alam kung saan nagmula. Dahil ba ‘to sa pagdating ni Danica kahapon o dahil sa pagdating ngayon ni Andrew.
Nang inayos ko na ang gamit ko ay nagmamadaling tumabi sa ‘kin si Rieuka at bumulong.
“Sabay ulit ako sayo,” diretsong sabi niya habang nagmamadali ring ligpitin ang mga gamit niya.
Inirapan ko siya. Aba, ayoko nga. Matapos niya akong hindi ipagtanggol kanina. Ngayon gusto niyang makisabay sa akin pauwi.
“Ayoko nga,” mataray na sabi ko sa kaniya at pabiro ko siyang inirapan.
Pero nang magbitiw siya ng limang salita ay napaoo niya agad ako na makisabay siya sa ‘kin.
“Ako nang bahala kay Andrew.” ‘Yang mga salita lang na ‘yan ang katapat ko.
Wala si Roman at Damien, lumabas kasi sila kanina dahil mayroon silang tawag na natanggap mula kay Tito Fidel. Hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik kaya kaming dalawa pa lang si Rieuka ang nasa office.
Paglabas namin ng opisina ni Rieuka ay may nahagip ang mata ko na magarang kotse. Sino naman kayang nagdala ng ganiyang kamahal na sasakyan dito sa site?
Napairap ako nang lumabas mula sa driver’s seat si Andrew at lumapit sa ‘min ni Rieuka.
“Hatid ko na kayo,” pagprepresenta niya sa ‘min ni Rieuka.
“No thanks. May kotse ako,” mataray kong sabi sa kaniya bago naglakad patungo sa sasakyan ko.
Nagtataka ako nang malapit na ako sa sasakyan ko ay nawala na si Rieuka sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin ko sa site at nakita ko sila ni Damien na nagtatalo habang pinapasakay siya nito sa kotse.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil alam ko namang kahit buong araw silang magtalo ay hindi magagawang saktan ni Damien si Rieuka.
Kumunot ang noo ko nang nagmamadaling pumasok si Andrew sa may passenger’s seat ng kotse ko.
“Get out!” I shouted at him. “May sarili ka namang sasakyan bakit ka sumakay diyan?” inis kong sabi sa kaniya habang hinihila siya palabas ng sasakyan. Pero gawa ata siya sa bakal at bato dahil hindi man lang siya gumalaw kahit kaunti habang hinihila ko.
“Come on. Sa restaurant ka rin naman pupunta kaya isabay mo na ko. That’s even better for our environment,” sabi niya bago ako mahinang itulak at i-lock ang passenger’s seat.
Naiwan akong nakanganga sa labas ng kotse dahil sa sobrang pagkagulat. At kelan pa kami naging close para makisabay siya sa ‘kin?