CHAPTER 38
AKIRA
“Can I borrow your clothes?” mahinang tanong ni Rieuka
Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko na para bang nahihiya siya.
“Do you think that we’re that close?” mataray kong tanong sa kaniya.
Napayuko si Rieuka. Kinutkot niya ang kaniyang kuko.
Napabuntong hininga na lamang ako. “Fine, take whatever you like.”
Inangat niya ang kaniyang ulo. “Talaga ba?” hindi makapaniwala niyang tanong.
Nakita ko ang pagningning ng mga mata niya na kinairap ko na lamang.
“Yeah, whatever,” I simply said before returning to eat.
Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papasok sa kwarto ko. Sumiwang ang ulo niya sa pinto.
“Maliligo na rin pala ako Akira. Salamat!” sigaw niya sa ‘kin bago nagmamadaling isara ang pinto bago pa man ako makasagot.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Pambihirang babae ‘yun nakalimutan niya na ata ang problema namin sa isa’t isa. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil maging ako ay nakalimutan ko na rin ang nangyari dati.
For the past years that she was in a different country, I realized that she really felt guilty about what happened and didn’t mean to hurt my mother or me.
Until now, I sensed that she was still doing her best to slip away from the hold of her evil mother.
Nang lumabas siya ng kwarto ko ay napangiti ako. Nakalimutan ata niyang puro panghubaderang damit lang ang meron ako sa aking damitan.
She was wearing a white long sleeve with a low v neck neckline and a long skirt below the knee but with an eight-inch slit from the bottom.
“This is the least revealing clothes that I found in your dressing room,” sabi niya habang hinihila pababa ang suot niyang skirt at hinihila naman pataas ang suot niyang top.
Napangiti ako. “You look sexy, Rieuka. Sayang at wala si Damien ngayon, hindi ka niya makikita.”
“Really?” tanong niya na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.
So I’m really right that they were not on talking terms right now.
Tumango ako. “He’s supposed to be in the office for the whole day today,” paliwanag ko sa kaniya.
Muli kong binalik ang atensyon ko na sa kaniyang suot. “I really like your fashion today,” sabi ko habang tinitignan si Rieuka mula ulo hanggang paa.
“Hindi ba masiyadong revealing?” tanong niya.
Halatang-halata sa mukha at kilos niya ang pagkailang. Maya’t maya ay tinitignan niya ang kaniyang suot.
“I’ll wear the same clothes that you’re wearing but in a different color so that you’ll know that you’re not alone. Wait for me, I’ll just take a bath,” paalam ko sa kaniya bago ako naglakad papasok ng kwarto.
After taking a bath, I also wear a v neck long sleeve but black and a below-the-knee skirt with a slit on the left side.
“Let’s go,” aya ko kay Rieuka paglabas ko ng kwarto. “We’re going to be late.”
Nagmamadali kaming dalawa lumabas ng condo ko pababa sa parking lot. Nilibot ko ang paningin ko sa parking lot. Nang makita ko ang kotse ko ay sumakay na kami rito at pinaharurot ko na ito paalis.
Pagdating namin sa opisina sa may site ay wala pang kahit isang tao. Bakit kaya wala pa sila samantalang sampung minuto na kaming huli?
“Where is Roman and Danica? Don’t tell me that Danica was only here yesterday because of Roman,” inis kong sabi. Napairap na lang ako sa ere at umupo na sa upuan.
“At least it’s silent here,” sabi ng babaeng palaging positibo lamang ang nakikita.
“Tahimik nga wala naman yung boyfriend mo,” pang-aasar ko sa kaniya.
Napanguso siya at sinimangutan ako. Sa halip tuloy na sa ‘kin siya tumabi ay doon siya sa harapan ko umupo.
Inirapan niya pa ako ng pabiro na kinatawa ko lamang. As if I care if she didn’t sit beside me.
Napalingon kami sa pintuan ng iluwa nito si Roman.
“You’re late,” komento ni Rieuka habang ako naman ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa aking binabasa.
“Sorry. Napuyat kasi ako kagabi,” sabi ni Roman habang naglalakad paupo sa tabi ni Rieuka.
Tumikhim ako. “Roman, I need you to look at this,” sabi ko sa kaniya bago ipatong ang papel na hawak ko sa bandang kanan nang inuupuan ko.
Napabuntong hininga na lamang ito at wala nang nagawa pa kundi sumunod sa utos ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Rieuka. Nginitian niya ako pero nag-iwas lang ako nang tingin.
I knew that she was uncomfortable with what she was wearing right now, and Roman sitting beside her would make her more uncomfortable.
Nanlaki ang mata ko nang bumukas ulit ang pintuan at iluwa noon si Damien. Napatingin ako kay Rieuka at maging siya ay halatang nagulat.
Nestatwa siya sa kinauupuan niya. Nang magtama ang mga mata nila ni Damien ay nagmamadali itong umiwas nang tingin habang si Damien naman ay matalim ang mga titig na binibigay kay Rieuka.
Kumunot ang noo ko. Hinarap ko si Damien para magtanong. “Why are you here? Akala ko ba doon ka sa opisina sa metro ngayong araw?” tanong ko sa kaniya.
“I changed my mind,” simpleng sabi nito bago umupo sa tabi ni Rieuka.
Umusog naman agad si Rieuka palayo kay Damien at nagpanggap na abala sa kaniyang ginagawa. ‘Yan kasi hindi pa tumabi sa ‘kin kanina. Kung sino-sino tuloy ang tumatabi sa kaniya ngayon.
Tumaas ang kilay ko. “Why?”
“The one that I’m meeting today agreed to talk to me here instead,” he explained.
Kumunot ang noo ko nang matitigan ko siya. “Didn’t you sleep last night?” tanong ko sa kaniya nang mapansin ko ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mata.
“Do I look like I did,” matigas niyang sabi sa ‘kin.
Teka, bakit parang kasalanan ko samantalang wala naman akong ginagawang masama.
Sasagot pa sana ako kaso tinawag na ni Roman ang atensyon ko. Maging si Roman ay halatang bad trip at kulang na lang ay mag-isang linya na ang mga kilay nito nang makita niya si Damien.
Tinanong lang naman sa ‘kin ni Roman kung anong gusto kong tignan niya, at may pinaliwanag rin siya sa ‘kin tungkol sa pinagagawa ko sa kaniya.
Abalang-abala kami sa pag-uusap ni Roman nang marinig kong may pumasok sa pinto ng opisina. Hindi pa nga sana ako babati kundi lang tinawag ni Damien ang atensyon naming tatlo.
Napabuntong hinnga na lamang ako at napilitang tumayo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng hindi ko inaasahan ang makikita kong nakatayo sa tapat ng pinto.
A gorgeous guy with thick eyebrows and lips forming a thin line was standing in front of me.
“Good morning,” nag-aalinlangang bati ko rito.
“Let’s talk in a more private place,” aya sa kaniya ni Damien na ikinahinga ko ng maluwag.
Umupo ako at nagpanggap na abalang-abala ko sa ‘king ginagawa. Nagpapanggap ako na wala akong pake sa kaniya pero ang totoo ay sobrang bilis ng t***k ng aking puso.
What was he doing here anyway? Kelan pa siya napadpad sa kompanya namin o kaya nila Damien.
“No, I’m fine here. I would like it if there would be more professionals listening to us,” sabi ni Andrew at naglakad na nang tuluyan papasok sa opisina.
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang pagdausdos ng balat niya sa aking balat. Andami-dami naman kasing ibang araw bakit ba ngayon ko pa naisipang magsuot ng skirt na may slit.
Mabilis talaga ang karma. Kanina lang ay inaasar ko pa si Rieuka na kung tumabi siya sa ‘kin ay hindi kung sino-sino ang tatabi sa kaniya. Ngayon ay kung sino-sino naman ang sa ‘kin tumatabi.
Pasimple kong sinilip si Roman sa gilid ko at mukhang lalo lamang siyang nairita kaysa sa pagpasok ni Damien. I somehow felt guilty because of Andrew being here with Roman in one room.
“Mr. Earnhart, it’s too crowded in that sofa, would you like another chair?” tanong ng sekretarya ni Damien na nakasunod sa ‘min.
Umooo ka na Andrew utang na loob. Huwag mo nang pagsiksikan ang sarili mo dito sa sofa at sakto lang ‘to para sa ‘min ni Roman.
“Nah, I’m fine here. Thanks though. It’s actually what I’m good at, squeezing myself into places that I shouldn’t,” makabuluhang sabi nito.
Napairap na lang ako sa sinabi niya. How dare him to say that in front of different people.
“How about you Mr. Reign, do you want a different chair?” tanong naman ng sekretarya ni Damien kay Roman.
“No, I’m fine. I came here first so I’ll stay,” sagot ni Roman na parang may nais ding iparating.
Gusto kong umusog palayo sa kaniya dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan sa binti ko na walang damit na nakatakip. Kaso kung uusog naman ako kay Roman ay masiyado kaming magiging malapit.
I can’t do this. Kung ayaw umalis ni Andrew at kung hindi rin magpapatinag si Roman pwes ako na lang ang aalis.
Tatayo na sana ako paalis nang maramdaman ko ang pagpigil ni Andrew sa aking braso at ang pagkatanggal ng pagkakatali ng buhok ko na inipit ko pataas kanina.
Bumagsak ang mahaba kong buhok sa aking katawan. Sinamaan ko siya nang tingin, pero sa halip na sumagot siya ay inayos niya ang buhok ko na sapat na para takpan ang dibdib ko.
“We can start now. I’m too distracted earlier,” Andrew said to Damien with a smile on his handsome face.
I looked at his handsome face with disbelief. I just rolled my eyes in the air and glared at him.
Sumimangot ako at sumandal na lang ng ayos sa sofa. Nagtama ang mga mata namin ni Rieuka at mukhang aliw na aliw siya sa kaniyang nakikita. Sinimangutan ko lamang siya at inirapan.
Si Damien naman ay mukhang naguguluhan sa nangyayari. Paano ay wala rin naman siya dito ng iilang taon kaya maging siya ay walang kaalam-alam. He was giving me a ‘what the heck is happening’ look and I just gave a ‘you don’t care’ look.
Si Roman naman ay tahimik lang sa kinauupuan niya at hindi man lang ako tinatapunan nang tingin, dahil alam kong alam niya kung sino si Andrew sa buhay ko. Roman’s always like that keeping his silent even if things were not favoring him anymore…just like what happened years ago.
Napayuko na lang ako at nakagat ko ang aking labi. May mas ikaa-awkward pa ba ‘tong araw na ‘to?