CHAPTER 37
AKIRA
“s**t!” sigaw ko nang magising ako dahil sa ingay ng alarm ko.
“Ang aga-aga nanggigising ka,” reklamo ko sa ‘king telepono kahit hindi naman ‘to nagsasalita.
“Aww!” Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang pagpintig nito.
I think my head’s going to explode any moment now. ‘Yan inom pa kasi Akira, kasalanan mo naman ‘yan.
Anong magagawa ko? Sa nasaktan ako nang makita ko siyang may kasamang iba…samantalang dati habol siya nang habol sa ‘kin.
Handa pa nga siyang samahan ako at iwan ang mga kaibigan niya.
*FLASHBACK 4 YEARS AGO*
Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan sa school. Sa ilalim ng lilim ng puno na malapit sa library.
Nagbabasa ako ng libro habang hinihintay matapos ang klase ni Rieuka. Magpapaturo kasi ako ngayon sa kaniya sa hindi ko maintindihang subject.
Paano ba naman ay napakapangit magturo ng professor namin. Para siyang laging tinatamad at inaantok. Dagdag pa na nakahehele rin ang boses niya kaya minsan ay nakatutulog ako sa klase.
Kung inaakala niyong nagbabasa ako ng libro para maintindihan ko ang lektura namin, diyan kayo nagkakamali.
Sa halip na ‘yun ang basahin ko ay nagbabasa ako ng libro tungkol sa pagluluto. Gusto ko kasing matututong magluto para kay Roman.
Iniimagine ko kasi kung anong mangyayari sa ‘min kapag nagsama na kami kung pareho kaming hindi marunong magluto. Kaya eto at pinagtyatyagaan kong basahin ‘tong libro na ‘to.
“Hi, Akira!”
Inangat ko ang ulo ko ng mayroong bumati sa ‘kin. Napairap na lang ako sa ere nang bumungad sa ‘kin ang mukha ni Andrew.
Hay nako, si Andrew na naman pala. Si Andrew na mukhang walang ibang ginagawa at palaging nakasunod sa ‘kin. Si Andrew na kala mo’y stalker at alam ang lahat nang pinupuntahan ko.
“What is it this time?” pagtataray ko sa kaniya.
Wala namang mali kay Andrew. Gwapo, maskulado, matangkad, matalino, at mayaman. Marami ngang babaeng naghahabol sa kaniya. Ang kaso ay mayroon na akong kasintahan.
Ilang beses ko na rin naman sinabi sa kaniya na hindi ako single, pero pilit niya pa rin akong hinahabol. Hindi naman daw kasi siya nanlilgaw o di kaya’y mang-aagaw, pero willing to wait daw siya sa ‘kin.
Sapat na raw sa kaniya ang maging kaibigan ako, makausap, at makita ako araw-araw.
O diba ang gulo? Hindi mo alam kung umaasa ba siya na maging kami o hindi. Ni hindi ko nga alam kung gusto niya talaga ako, baka mamaya ay nanggu-good time lang siya.
Ikipinagtataka ko lang talaga na ang dami-dami namang babaeng naghahabol sa kaniya, bakit ba sa ‘kin siya laging nakasunod.
Minsan nga ay parang mas madami pang naghahabol sa kaniya kaysa kay Damien.
“I took a break from practice. What are you doing here?” paliwanag niya sa ‘kin.
Umupo siya sa tabi ko na naging dahilan nang pag-usog ko palayo sa kaniya. Hindi naman sa nandidiri ako sa kaniya, pero mayroon kasi siyang aura na parang nakakakaba kapag malapit siya sa ‘yo.
“Reading,” simple kong sagot sa kaniya.
“My First Cook Book: For Beginners,” basa niya sa pamagat ng librong binabasa ko.
“Ano ba?” sita ko sa kaniya.
Binaba ko ang librong binabasa ko. Nakakainis at nakikiusyoso pa siya sa binabasa ko.
Natigilan ako nang ‘yung libro na lang pala ang dahilan kaya may pagitan sa ‘ming dalawa. Napalunok ako. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa, kaunti na lang ay baka magdikit na ang mga labi namin.
Hindi ko alam kung bakit pero ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nginitian niya ako ng napakatamis. ‘Yung tipong halos mawalan na siya ng mata dahil sa pagngiti.
Tinapik niya ang ilong ko. “You’re pretty,” he simply said before moving away from me.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumayo na siya sa ‘kin at sumandal sa puno.
“Why are you reading that?” kuryosong tanong niya sa ‘kin.
“I want to learn to cook,” simpleng sabi ko sa kaniya habang tinatago ko na sa aking bag ang cook book.
“For what?....” Huminto siya. “…For him?”
Tumango ako. “Yeah, wala kasing marunong magluto sa ‘ming dalawa. So…so I want to learn to cook. Wala kasi siyang interes sa pagluluto,” paliwanag ko.
Teka nga, bakit nga pala ako nagpapaliwanag sa kaniya. Napakatalino ko talaga.
“He would try to learn if he really wants to,” seryosong sabi niya.
“Ayaw niya magluto, walang pakialaman ng trip. Bakit ikaw ba marunong ka bang magluto?” panghahamon ko sa kaniya.
“Nope, but I can learn to cook for my girlfriend…especially if it’s you,” he said before standing up.
“Your friend is already coming.” Tinuro niya si Rieuka na kumakaway habang naglalakad palapit sa ‘min. “Pumunta lang ako dito para samahan ka. I’ll go now,” sabi niya bago nag-jog paalis.
“Who’s that? Andrew?” tanong ni Rieuka pagkalapit na pagkalapit niya sa kinauupuan ko.
“Yeah, let’s go,” aya ko sa kaniya papuntang library bago pa siya magtanong ng ibang bagay at mang-asar.
Hindi na siya nagtanong pa at nagpahila na lang sa ‘kin. Pero halata pa ring may gusto siyang itanong sa ‘kin.
Nilingon ko si Andrew at nakita kong kasama niya na ulit ang mga kaibigan niya. Lumingon rin siya sa ‘kin na naging dahilan nang pagtatama ng mga mata namin.
Parang nakikipaghabulan ang puso ko at sobrang bilis ng pagtibok nito. Napaiwas ako nang tingin. Masama na ‘to. Why am I feeling like this?
*END OF FLASHBACK*
Nakalulungkot…pero hindi naman ako makaangal, dahil alam ko sa sarili ko na ako talaga ang mali. He loved me for real, but I only played with his feelings.
Hayst, antagal-tagal na noon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nakasimangot akong bumangon palabas ng kwarto. Nagugutom na ako, makikain kaya ulit ako kay Rieuka?
Paglabas ko ng kwarto ay may naamoy akong amoy ng pagkain.
Nagtataka kong sinundan ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Kelan pa naging mabango ang kusina ko, samantalang hindi ko naman ito nagagamit.
“Good morning!” bati sa ‘kin ni Rieuka.
Kumunot ang noo ko. Why was she here? Teka, nasa condo ko ba siya o ako ang nasa condo niya?
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng condo. Disenyo naman ‘to ng condo ko, bakit siya nandito?
“Dito na ako natulog kagabi, tinatamad na kasi akong bumaba papunta sa condo ko,” sabi niya kahit na hindi naman ako nagtanong.
Nag-iwas siya nang tingin. Why do I feel like she was hiding the truth?
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at naglakad palapit sa kaniya.
“How did you learn to cook?” pang-uusisa ko habang umuupo sa harap niya.
Inilagay niya sa harapan ko ang isang mainit na sabaw at kape. Humigop naman ako agad sa kape, para kahit papaano ay umayos ang pakiramdam ko.
Andrew was really bad for my heart and as well as for my liver. Dahil sa kaniya ay napainom ako ng marami kagabi.
Nagkibit balikat siya. “Hindi ko rin alam. Na-realize ko na lang na marunong na akong magluto habang kasama ko si Damien. Hindi naman ako nag-aral magluto, natuto na lang ako,” simpleng sabi niya.
“How about Damien?”
“Pinag-aralan niyang magluto. He said that he also wants to cook for me,” paliwanag nito.
Napayuko ako. Mayroon rin akong kilalang handang mag-aral magluto para sa akin, pero sa palagay ko ay noon ‘yun hindi na ngayon.
“Nakausap mo na si Damien?” kuryoso kong tanong sa kaniya.
Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at napayuko. Kahit hindi niya ako sagutin ay alam ko na ang sagot sa tanong ko. Reaksyon niya pa lang ay sapat na para maintindihan ko kung bakit talaga siya dito natulog sa ‘kin.
“Paano tayo nakauwi?” pag-iiba ko sa usapan.
“Roman followed us from the site to the bar. Nilapitan niya tayo nang makita niyang akay-akay kita sa labas,” aniya.
“Told you, we can go home even after some drinks,” biro ko sa kaniya kahit na hindi ko alam kung paano talaga kami nakauwi.
Napailing na lang si Rieuka sa sinabi ko. “Yeah, mabuti na lang at hindi ako nakisama sa pagpakalulunod mo kagabi, kundi ay baka hindi talaga tayo nakauwi,” reklamo ni Rieuka.
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko rin naman ginustong magpakalasing, mayroon lang talagang nagtulak sa akin.
“That guy also reached out to me. Hahatid niya sana tayo pero tumanggi ako,” sabi ni Rieuka habang titig na titig sa akin na parnag hinihintay niya ang magiging reaksyon ko.
“Really? Andrew did?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at naghintay ng sagot. Nginitian niya lang ako at tumango.
Did he really reach out to us again? For real? But why…Why would he reach out to us that night when he was with someone else?
I felt my heart rushing again, and it made me so scared. Cause I didn’t know that it can still beat after all the pain I’ve been through…, and that’s what scares me, being able to feel again.