CHAPTER 36
RIEUKA
Simula kanina hanggang ngayon na malapit nang mag-uwian ay walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na rin kinayang makipagplastikan kay Danica kaya maging siya ay hindi ko kinakausap.
“At last we can finally go home,” sabi ni Danica habang nag-iinat-inat pa.
Napairap na lamang ako sa ere habang nakayuko. Kung makapag-inat siya diyan ay akala mo namang napakarami niyang nagawa. Pero ang totoo ay buong araw lang niyang kinukulit si Damien.
“I’m hungry. Tara, let’s eat outside,” aya sa ‘min ni Danica. “My treat,” dagdag niya ng walang sumagot sa ‘min.
Gusto kong matawa ng kahit na manlilibre na siya ay walang sumagot sa ‘min. Nakalimutan niya atang lahat kami dito ay mga propesyonal na at may malaki nang kinikita.
Hindi kami kagaya ng mga alipores niya noong kolehiyo na ginagawa siyang pitaka o di kaya’y bangko.
“I’m sorry, but Rieuka and I already made plans,” sabi ni Akira.
Tinupi nito ang mga papeles na kaniyang hawak at tumayo. Nagtataka naman akong nakamasid sa kaniya.
Parang wala naman akong naaalala na may napag-usapan kami kahapon. Meron ba?
Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo siya at hawakan ako sa palapulusuhan.
Pinanlakihan niya ako ng mata. “Let’s go,” sabi niya habang tinuturo ang pinto gamit ang mga mata.
Tutal naiinis rin naman ako dito sa opisina ay wala na akong nagawa kundi magpahila sa kaniya.
“I’ll go with you,” sabay na sabi ni Damien at Roman.
Tumayo si Danica at nagmamadaling lumapit sa ‘min at kumapit sa ‘king braso.
“I’ll go too,” masayang sabi nito.
“Hep hep,” pigil ni Akira sa kanilang tatlo. “Boys are not allowed,” dagdag niya pa.
Nilingon niya si Danica na nakakapit sa braso ko. Tinanggal niya ito at nginitian si Danica ng napakatamis na pekeng ngiti.
“Rieuka and I are friend and you? You’re not invited,” mapang-asar nitong sabi kay Danica.
Diniinan pa ni Akira ang salitang ‘friend’ at ‘not’. Nagtangis ang bagang ni Danica na siya namang kinagalak ng puso ko.
Alam kong napakasama noon pakiramdam, pero ayos lang kasi masama rin naman ang pnaramdam niya sa ‘kin.
Nakangiti akong nakasunod kay Akira. “Paano tayo aalis niyan? Wala tayong dalang kotse?” tanong ko sa kaniya ng maalala kong nakisabay lang kaming dalawa kay Damien kanina.
“Let’s just call a cab I guess,” simpleng sabi nito habang may kinakalikot sa telepono.
Wala pang limang minuto ay may huminto ng sasakyan sa harapan namin. Sumakay na kami dito.
Nilabas ko sa aking bag ang telepono ko nang makaramdam ako ng pagvi-vibrate nito.
‘Where are you, Zy.’
‘Are you angry at me?’
‘I’ll follow you there.’
“Is the two of you already official?” kuryosong tanong sa ‘kin ni Akira. “Oops, sorry if I gossip too much,” dagdag pa niya.
Pakiramdam ko naman ay wala na dapat akong itago sa kaniya. Dati naman na kaming magkaibigan at ngayon ay unti-unti na ring naayos ang relasyon namin.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya at yumuko. Nakagat ko ang aking labi, medyo kabado ako dahil ito ang unang beses na sinabi ko ito sa ibang tao.
“Don’t let my Mom know this,” sabi ko sa mahinang boses.
“Then my cousin is a jerk,” sabi niya sa mapait na boses. “Especially if he’s letting that Danica thinks that he is free and single,” seryosong sabi nito.
May binulong siya sa driver na hindi ko narinig na-realize ko na lang na iba na ang pupuntahan namin ng mag-u turn ang kotseng sinasakyan namin.
Huminto na ang sasakyan namin sa isang hindi ko kilalang lugar.
“Where are we? Are we in a bar?” naguguluhan kong tanong ng may makita ‘kong grupo ng mga kabataan na papasok sa lugar. Mayroon ding iba na pasuray-suray habang lumalabas mula rito.
“Yup, we’re going to drown ourselves in alcohol today,” she proudly said.
Hinila niya ako papasok sa maingay na bar. In fairness at mukhang mamahalin dito. Kahit kasi maingay ay hindi nagkakagulo ang mga tao kagaya sa ibang bar.
Pagkaupong-pagkaupo namin ay hinarap ko siya. “We can’t get drunk. Paano tayo makakauwi kapag nalasing tayo?”
Inirapan niya ako. “Mamaya mo na isipin ang pag-uwi. Magugulat ka na lang, bukas ng umaga nakahiga ka na sa kama mo,” sabi niya habang sinasalinan ng alak ang baso ko.
“Cheers!” Pinagtama niya ang mga baso namin at inisang tungga ito.
Sa kaka-cheers namin at sa kakadagdag niya sa laman ng baso ko ay hindi ko na namalayan na tumama na sa ‘kin ang alak. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko pa namang tumayo.
“Let’s dance at the dance floor,” aya niya sa ‘kin.
Maging si Akira ay halatang tinamaan na rin ng alak. Namumula-mula na kasi ang pisngi niya at hindi na rin diretso ang kaniyang paglalakad.
Hindi ko alam kung dala ba ito ng kalasingan o dala ng hapdi sa puso ko at gustong-gusto kong sumayaw ngayon sa dance floor at magwala.
Inabot ko ang kamay ni Akira at nagmamadali kaming dalawa na tumakbo papuntang dance floor.
Nagsasayawan kaming dalawa. Pinagtatama namin ang mga balakang namin. Iniikot namin ang isa’t isa. Nagpapagalingan kaming sumayaw nang mapatigil ako nang matulala si Akira.
Tinignan ko kung anong tinititigan niya. Nakita ko ang lalaking nasa restaurant kahapon na may kasamang babae. Pero iba na ‘to sa babaeng kasama niya kahapon.
Nagsasayaw silang dalawa habang dikit na dikit ang katawan sa isa’t isa. Maya-maya pa ay nakita ko ang unti-unting paglapit ng labi nila sa isa’t isa.
Dali-dali kong hinila si Akira paalis doon bago pa niya masubaybayan ang paghahalikan ng dalawa.
Pag-upo namin sa pwesto namin ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
“Are you fine?” tanong ko sa kaniya.
Tinungga niya ang isang basong alak na nasa lamesa namin. “Of course, I’m f*****g fine…” sabi niya kahit naman halatang hindi siya okay.
“Bakit naman hindi ako magiging okay, eh…hindi naman kami…” she paused to wipe the tears that were able to go out from her eyes. “Hindi ko naman siya gusto,” dagdag pa nito.
Hindi ko alam kung para sa akin pa ba ang mga sinasabi niya o sinasabi niya lamang ito para kumbinsihin ang kaniyang sarili.
Hindi na ako uminom pa ng alak. Tinabihan ko na lang siya at pinakinggan ang pagra-rant niya tungkol sa lalaki kanina.
Nang tumigil na siya sa pag-inom ay inakay ko na si Akira pauwi. Mabuti na lamang at kahit lasing na lasing na siya ay nakalalakad pa siya.
Paglabas ko ng bar ay naghintay ako ng matatawag na taxi. Nabigla ako ng may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko.
Nang magbukas ito ng bintana ay naaninag ko ang mukha ng lalaking dahilan kung bakit nagpakalunod si Akira sa alak.
“Hop in,” sabi niya sa ‘kin pero hindi ko siya pinansin.
Matapos niyang makipaghalikan sa ibang babae pasasakayin niya kami sa sasakyan niya. Baka mamaya ay may ginawa pa silang milagro sa kotse.
Bumaba ang lalaki ng sasakyan at sinubukang alalayan si Akira.
“Ano ba?” singhal ko sa kaniya. “Sino ka ba?” naiinis kong tanong sa kaniya habang binabawi ang braso ni Akira na hawak niya.
Bumuntong hininga siya. “I’ll take the two of you home. It’s not safe for two girls to go home drunk at this late at night,” paliwanag nito.
Inirapan ko siya. “I think you’re more harmful than your reason,” pagtataray ko sa kaniya.
Dahil ata sa kasasama ko kay Akira ay maging ako ay natuto nang magtaray. Masama ‘to at baka maging kasing sungit niya na ako.
Magsasalita pa sana siya kaso ay nakita niya ang paglapit ni Roman sa direksyon namin.
“Roman,” hindi makapaniwala kong tawag sa pangalan niya. “Why are you here?”
Wala naman akong naalala na sinabihan namin siya kung saan kami papunta. Imposible namang si Akira ang nagsabi dahil kanina pa mainit ang ulo niya para rito.
“I follow you earlier when you left,” sabi niya bago lumapit kay Akira at tulungan akong alalayan ito.
“Really? You’ll trust his cheater ex-boyfriend more than me?” hindi makapaniwalang sabi ng lalaki.
Ano nga bang pangalan niya? Sa sobrang tagal na ay hindi ko na maalala.
“At least sila mayroong pinagsamahan…kayo wala,” sabi ko bago ko siya tinalikuran at hindi na muling nilingon pa.
Wala na akong pakealam kung maging masama ang tingin niya sa ‘kin. Mas may pakealam ako sa mararamdaman ni Akira kapag hinayaan kong makalapit sa kaniya ang bwisit na lalaking ‘yun.