Chapter 35

1700 Words
CHAPTER 35 RIEUKA Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Bukod sa kailangan kong pumasok sa trabaho ay natambakan din ako kahapon ng gawain. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Umangat ang gilid ng aking mga labi at nagmamadali akong pumasok sa kusina. Pagpasok ko roon ay may lalaking nakatalikod sa akin. He has a nice body and a very nice butt. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. Narinig ko ang munting tawa niya bago siya humarap sa akin at halikan ako sa noo. Niyakap niya ako pabalik. “Good morning, Zy!” bati niya sa ‘kin. “That’s not how you should say a good morning. Dapat ganito….” Humawak ako sa magkabilang balikat niya bilang suporta para maabot ang kaniyang labi. He hold my waist and deepen the kiss. “I really like you’re crazy little ways to kiss,” sabi niya habang naghahabol kami ng hininga bago niya muling pagdikitin ang aming mga labi. Binuhat niya ako at inupo sa may counter top. Inikot ko ang magkabila kong braso sa kaniyang leeg. I felt his one hand caressing my back while his other hand made circles at my waist. Napatigil kaming dalawa sa paghahalikan nang makarinig kami ng doorbell. “Sino namang nandito ng ganito kaaga?” dismayado kong sabi dahil naputol ang halikan namin. Ang aga-aga pa may nanggugulo na agad sa ‘min. Sino naman kaya ‘yun. “Are you expecting someone?” tanong sa ‘kin ni Damien. Umiling ako. “Wala naman—“ I lost my words again when his lips met mine, for I don’t know how many times already. I already lost count. He kissed my lips as if he missed its taste. He kissed me as if he was hungry for my lips. “Damien, wait,” bulong ko sa kaniya ng muling tumunog ang doorbell ng condo ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa may counter top. Inayos ko ang nagusot kong damit bago tinahak ang daan papunta sa pintuan. Nakasimangot namang nakasunod sa akin si Damien papunta sa pinto. Kumunot ang noo ko ng hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko sa may peep hole. Binuksan ko ang pinto. “Akira,” naguguluhan kong tawag sa pangalan niya. Wala pang limang segundo ay nakasilip na rin si Damien sa pintuan para makiusyoso. “Why are you here?” naguguluhang tanong ni Damien kay Akira. Tumaas ang kilay ni Akira nang makita niya kung sino ang nasa likod ko. “Why are you here?” balik na tanong ni Akira kay Damien na ikinasimangot ng huli. Napangiti ako. “Come in,” aya ko kay Akira. Walang sabi-sabi naman siyang pumasok sa loob at dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at hindi ganoon ka-wild ang halikan namin ni Damien kundi ay baka mahalata ni Akira kung anong ginagawa namin dahil sa magiging ayos ng kusina. “I know that you’ll have breakfast here,” masayang sabi nito habang nililibot ang paningin sa loob ng kusina. Nilingon ako ni Akira. “Can I eat here? Nagsawa na kasi ako sa mga pagkain sa labas,” tanong niya sa ‘kin. Nginitian ko siya. “Of course, you can always eat here.” Nginitian niya na naman ako pabalik bago siya kumuha ng mga plato at kutsara at inayos ito sa lamesa. “You can’t eat here,” angal naman ni Damien sa likuran ko. “Para kay Zy lang ‘yang mga niluto ko,” dagdag pa nito. Inirapan lang siya ni Akira. “I don’t care about your opinion, Cuz. You don’t even own this place,” pagtataray ni Akira kay Damien. Napailing na lang ako. Matagal na ba silang ganito na parang aso’t pusa sa tuwing nagkikita. Akala ko pa naman ay mas matimbang palagi ang kadugo mo. Hindi naman pala. “But seriously, Akira. Why are you here?” tanong ni Damien habang nagsasalin siya ng kanin at ulam sa magkahiwalay na lalagyan. “Wala lang.” Nagkibit balikat si Akira. “I got hungry. Alam kong palaging nag-uumagahan si Rieuka kaya ako nagpunta rito,” simpleng sabi nito na para bang hindi na siya naiilang sa presensya ko. “Wala ka bang pera?” pangasar na tanong sa kaniya ni Damien. “Ikaw, wala ka bang bahay?” ganti naman sa kaniya ni Akira. Humarang ako sa pagitan nila. “Hep, hep. Stop it, guys. Kumain muna tayo,” pigil ko sa kanilang dalawa. Baka mamaya ay magulat na lang ako at maging pisikalan na ang away. Hindi naman ako natatakot na lugi si Akira. Para kay Damien ako natatakot dahil alam kong hindi niya lalabanan si Akira at hahayaan niya lamang itong malamangan siya. Nang matapos kaming kaumain ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa na maliligo lang ako saglit. Nakakahiya at nakaligo at nakaayos na silang dalawa samantalang ako woke up like this lang. “I’ll just wash up.” Tinignan ko silang dalawa. “You two behave,” banta ko bago ‘ko nagmamadaling pumasok sa kwarto. Nang matapos akong maligo ay naabutan ko silang dalawa na seryosong nag-uusap sa may sofa. “What did Tito tell you yesterday?”tanong ni Akira kay Damien. “You should’ve shown up yesterday to know,” sarkastikong tugon ni Damien. Umiwas nang tingin si Akira. “You know I can’t right…I’m not ready to see them yet,” sabi nito sa mahinang boses. Napayuko ako. Hindi ko alam kung sinong pinag-uusapan nilang dalawa pero bakit parang may ideya na ako. Hinanda ko na ang malaki kong ngiti sa labi bago ako naglakad palapit sa kanilang dalawa. Tumayo ako sa harapan nilang dalawa. “I’m done.” Tinanguan lang nilang kong dalawa at walang imik kaming naglakad papunta sa parking lot. “Akira, where’s your car,” nagtatakang tanong ni Damien nang nakasunod lang sa ‘min si Akira sa may parking lot at hindi naglalabas ng susi ng kotse. Nagkibit balikat si Akira. “I don’t like to drive. Makiki-carpool muna ako,” simpleng sabi niya. Wala naman ng nagawa si Damien kundi bumuntong hininga at isabay na papunta si Akira sa site. “Papasok na daw ba si Roman?” tanong sa ‘kin ni Akira. Nagkibit balikat ako. “Sabi niya kahapon papasok daw siya ngayon,” ulit ko sa sinabi ni Roman noong tinawagan ko siya kahapon. “You should’ve asked him again this morning. Baka mamaya ay naglasing na naman ‘yun,” Akira commented while browsing her iPad. “Why would he?” kuryosong tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ni Akira. “Cause he has money to spend on alcohol?” sarkastikong sagot nito sa ‘kin. Napailing na lang ako. Minsan talaga ay matinong kausap si Akira pero mas madalas ang hindi. Nang makarating na kami sa site ay bumaba na kami ng kotse at naglakad papasok sa opisina. Nauna nang maglakad sa amin si Akira. Napatingin ako sa kaniya nang matigil siya sa may pinto. “Why—“ Naestatwa ako sa pwesto ko nang makita kong nasa loob ng opisina si Roman at sa tabi niya ay ang isa sa mga kinaiinisan kong tao sa buong mundo. “Good morning mga Sissy!” bati sa ‘min ni Danica. Lumapit siya sa ‘min at yinakap kami pareho ni Akira. Si Akira ay tinulak lamang siya palayo habang ako naman ay nagpanggap na gusto ko rin siyang yakapin. “Why are you here?” mataray na tanong sa kaniya ni Akira. “I thought you’ll stay in the office at the metro and not in the site,” dagdag pa nito. Umasim ang mukha ko nang makita ko ang pagliwanag ng mukha niya nang makita niyang naglalakad na palapit si Damien sa kinaroroonan namin. Tinawanan niya si Akira. “I wasn’t planning to go here, but Roman invited me to help so…here am I.” Tinuro niya ang kaniyang sarili. “As if you can help,” inis ni Akirang sabi kay Danica. Umirap si Akira sa ere at mabibigat ang hakbang ang ginawa niya papunta sa sofa. Sinamaan niya lamang nang tingin si Roman at hindi na nagsalita pa. “Wait lang,” sabi sa ‘kin ni Danica. Tinulak niya ako paalis sa pinto para makadaan siya. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila ni Damien nang batiin niya ito ng yakap at halik sa pisngi. Nakita ko naman ang pag-iwas ni Damien pero kahit ganoon ay kumukulo pa rin ang dugo ko hindi lamang kay Danica kundi pati kay Damien at Roman. Damay-damay na ‘to ano. Ang ganda na ng araw ko kanina, nasira pa ng bruhildang Danica na ‘to. Padabog akong naglakad at umupo sa tabi ni Akira na kaharap naman ni Roman. “Why did you invite her here?” irita kong tanong kay Roman sa mahinang boses. “She can lend a hand so I let her,” sagot ni Roman sa akin ng hindi man lang ako tinatapunan nang tingin. “Sa tingin mo ba makatutulong talaga siya? Baka nga mas trabahuhin niya pa si Damien kaysa sa mga kailangang gawin,” inis na sabat ni Akira. “Are you even thinking, Roman?” dagdag pa ni Akira sa galit na tono ng boses. “Ano naman ngayon? Danica is single. Roman is single. The two of them are both single so there’s nothing wrong of it,” aniya sa matigas na boses. Sasagot na sana ako kundi ko naalala na gusto ko munang isikreto ang relasyon namin. I would probably tell him everything if there was nothing holding me back. Nakita ko ang papalapit na bulto ni Danica at Damien na malapit na sa ‘min. Nakasalubong ko ang mga mapaghanap na mata ni Damien. Pero sa halip na siguraduhin sa kaniyang ayos lang ako ay hindi ko magawa. Umiwas na lang ako nang tignin at tahimik na ginawa ang tambak kong trabaho. I’m hurt right now, but at the same time, I don’t want to risk our relationship just because of my overflowing emotions. My Mom knew my relationship with Damien was the last thing I wanted right now. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD