CHAPTER 34
RIEUKA
Napatingin ako sa orasan nang mag-vibrate ang cellphone ko tanda na tapos na ang oras ng trabaho. It was five in the afternoon already and Damien didn’t come back yet.
Nabaling kay Akira ang atensyon ko nang tumayo siya at isinukbit ang bag niya sa kaniyang kanang balikat.
Tinaasan niya ako ng kilay nang magtama ang mga mata namin.
“Aren’t you going to leave?” nagtatakang tanong niya sa ‘kin.
Umiling ako. “Tatapusin ko muna ‘to,” palusot ko.
Ang totoo niyan ay hinihintay kong bumalik si Damien. Bukod kasi sa wala akong dalang kotse hindi ko rin alam kung paano ako makauuwi mag-isa mula dito sa site.
Lalong tumaas ang kilay ni Akira. “You can do that tomorrow, you don’t have to overwork yourself,” sabi niya sa iritang tono bago humakbang palapit sa ‘kin.
Humawak siya sa aking braso. “Let’s go have a dinner. I’m not in the mood to eat alone,” pang-aaya niya sa ‘kin.
“Huh? Bakit?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Let’s just go,” sabi niya bago ako hatakin ng malakas.
Wala na akong nagawa kundi magpahila sa kaniya, dahil kung hindi ay baka maputol ang braso ko sa pagpigil sa kaniya.
“Where’s your car?” kuryosong tanong niya sa ‘kin ng hindi niya makita ang kotse ko.
“Sumabay na kasi ako kanina kay Damien papasok…para…para makatipid. Tama, para makatipid,” awkward kong sabi sa kaniya.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay at hindi na nagtanong pa.
Walang nagsasalita sa amin buong byahe. Sa palagay ko ay maging siya ay naiilang sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
Paano ba naman ay ito pa lang ang unang beses naming lalabas ng magkasama. Bukod pa doon ay bago ako umalis ng Pilipinas ay nagkaroon pa kami ng alitan.
Huminto siya sa isang tanyag na kainan sa siyudad. Hindi pa ako nakapupunta rito. Palagi kasing mahaba ang pila rito at maging sa reservation ay pahirapan ding makakuha.
“Makapapasok ba kami diyan?” bulong ko sa aking sarili.
“Don’t worry. I eat here every day. I have a special place here….” She opened the door on the driver’s side. “…and I know the owner,” she added before going out of the car.
Sumunod na ako palabas sa kaniya. Pasimple kong kinapa ang cellpohone ko sa aking bulsa para sana i-message si Damien na kasama ko si Akira.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng wala akong makapa sa aking bulsa. Maging bag ko ay kinalkal ko na pero hindi ko pa rin nakita ang cellphone ko.
Nako, baka mamaya ay natataranta na si Damien kahahanap sa ‘kin.
Nakahihiya namang magpa-text kay Akira at baka mamaya ay ikapagtaka pa niya na ite-text ko si Damien.
Nakabuntot lamang ako kay Akira habang naglalakad siya. Grabe, kahit pala ang laki-laki ng loob nito ay punong-puno pa rin ng mga taong kumakain.
Ang yaman siguro ng may-ari nito. Yayamanin kasi ang disenyo ng restaurant.
The restaurant has a yellow tone that is soothing in the eyes. It has minimal lighting but enough to light up the space.
Mangha kong nillibot ang mata ko sa kabuuan ng restaurant.
“Is this your first time here?” tanong sa ‘kin ni Akira habang umaayos ng upo sa pwesto na tinuro sa ‘min noong isang tauhan sa loob. “You look so impressed with the place,” dagdag pa niya.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. “Kung alam ko lang na ganito kaganda sa loob ay baka nakipila na rin ako o di kaya’y nagpa-reserve kahit matagal,” masaya kong sabi.
“Wait until you taste their food. You might forget going to other restaurants than this,” sabi niya na para bang proud na proud siya sa restaurant na ‘to.
Napaangat ang tingin naming dalawa ni Akira ng mayroong tumikhim sa tabi namin.
“Good evening, ladies,” bati sa ‘min ng isang matangkad na lalaking pangmodelo ang datingan.
Teka, waiter ba ‘to? Bakit parang kung titignan siya ay mukhang kayang-kaya niya kaming bilhin ni Akira sa kaniyang porma.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Akira para sana kumpirmahin sa kaniya ang nasa isip ko. Cause it’s so impossible that this handsome man standing right besides us was a waiter.
Sa halip na makapagtanong ako kay Akira ay nakita ko ang pagrolyo ng mga mata niya. Inirapan niya lang naman ang lalaking lumapit at bumati sa ‘min.
“Why are you here?” tanong sa kaniya ni Akira nang hindi man lamang ito tinatapunan nang tingin.
“Why wouldn’t I be here? It’s my restaurant,” mayabang na sabi ng lalaki.
Pero kahit mayabang ang pagkasasabi niya ay hindi nakaka-offend, dahil isang tingin pa lang sa kaniya ay mukhang mayroon talaga siyang ibubuga.
“Sa dinami-dami ng restaurant mo sa buong mundo bakit dito ka pa nagpunta?” iritang tanong niya sa lalaki.
Teka nga. Magkakilala ba sila? Tinitigan ko ang lalaki. Parang medyo pamilyar nga sa akin ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?
Sa tagal kong nawala sa Pilipinas ay bilang na bilang na lang sa aking daliri ang mga nakikilala ko pa.
“Don’t be so stressed out with my presence. Food is supposed to calm you, not to irritate you,” he said jokingly.
Ibinaling niya ang tingin sa ‘kin. Nginitian niya ako. “You’re here to enjoy the food served in the restaurant…” Binalik niya kay Akira ang kaniyang atensyon. “…so I’ll personally cook for you,” seryoso niyang sabi habang titig na titig kay Akira.
Samantalang si Akira naman ay abalang-abala sa pagtingin sa menu. Hindi man lang niya tinapunan nang tingin ang lalaki na parang wala naman siyang pake rito.
Akira finally closed the menu and said her order without looking at the man waiting for our orders.
Tinignan ako ni Akira. “How about you? What do you want to eat?” tanong niya sa ‘kin.
Sa sobrang taranta ay sinabi ko na lang na kagaya na lang nang inorder niya ang akin. Sa halip kasi na tignan ko ang menu ay mas naging abala pa ‘ko sa pagmamasid sa kanilang dalawa.
Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki ay kating-kati akong magtanong kay Akira kung sino ‘yon.
Tinignan niya ako ng masama. “Don’t say anything connected to him,” matigas niyang sabi na para bang alam na alam na niya ang iniisip ko.
“Is he?” kuryoso kong tanong sa kaniya.
May ideya na kasi ako kung sino ‘yun pero gusto ko pa ring malaman kung tama nga ba ang nasa isip ko at baka mamaya ay nagkakamali lang ako.
She sighed. “Yeah, he is,” she simply said as if he was nothing to her.
“Hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil?” pang-uusisa ko pa.
Umiwas siya nang tingin sa ‘kin. “He already stopped…way long even before you left,” sabi niya habang sumisipsip sa inuming kabibigay lang sa ‘min.
Kumunot ang noo ko. “So nothing is going on between the two of you?”
Umiling si Akira. “Then why did he reached out to us…to you?” dagdag katanungan ko pa.
“Maybe to boast around.” Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Akira. “Or maybe because he wants to play around,” dagdag pa niya na maya halong pait ang boses.
Hindi na ako nagtanong pa pero gulong-gulo pa rin ako sa nangyayari. Andami ko pang gusto itanong pero ayoko namang pilitin siyang sabihin sa ‘kin.
Ang alam ko lang ay bago ako umalis ng Pilipinas ay matagal ng may gusto ang lalaking ‘yun kay Akira.
Sa sobrang paghanga niya nga kay Akira ay nagmodelo pa ito para lamang makatambal si Akira kahit doon man lang.
Na kahit mayroong karelasyon si Akira ay naghihintay pa rin siya para rito. Pero ngayon hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ganoon sila umasta sa isa’t isa.
Nang mapansing nakatitig pa rin ako sa kaniya ay bumuntong hininga si Akira.
“I really don’t know, Ri, what we have is way more complicated than what we had with Roman,” sabi niya habang tulalang nakatingin sa lugar kung saan ginagawa ang mga pagkain.
Ibinalik niya ang tingin niya sa ‘kin at nginitian ako. “I’ll…I’ll tell it to you when I’m ready.”
Umangat ang gilid ng labi ko. My heart felt happy that somehow, Akira was still trying to let me in in her heart again…just like how I invaded her heart years ago.
Habang kumakain kami ay napansin ko ang patingin-tingin ni Akira sa likuran ko. Nakatalikod kasi ako sa may kitchen ng restaurant.
Hindi ko alam kung guni-guni o gawa-gawa ko lamang ito pero pakiramdam ko ay hinahanap niya ang binata kaya pabalik-balik ang tingin niya dito.
“He’s a good cook,” komento ko nang matapos na kaming kumain.
Akira looked at our plate. “Yeah, he is,” she said with a bitter tone in her voice.
Tumayo si Akira. “I’ll just go to the restroom,” she said.
Tinanguan ko lamang siya. Tahimik akong naghihintay sa kaniya nang magulat ako ng nagmamadali siya sa pagkuha ng bag niya at paglabas ng pera.
Pinatong niya ito sa may lamesa at nagmamadali akong hinila. Magtatanong pa sana ako kung bakit siya nagmamadali. Pero sa halip na magsalita ay nagpatianod na lang ako sa kaniya ng may mahagip ako sa gilid ng aking mga mata.
I saw the guy laughing with a girl while they were both eating. Was this the reason why Akira was rushing to go home? Does she like him?
“Where do you stay?” Akira asked me when we got into the car as if nothing had happened inside the restaurant.
Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Wala siyang sinasabi pero alam kogn nasasaktan siya ngayon.
I know the feeling of jealousy because I already felt that when I see Damien talking with Danica before.
Nang sinabi ko sa kaniya kung nasaan ang condo ko ay nagtataka niya akong nilingon.
“Doon din ang condo ko,” naguguluhan niyang sabi. “…but I haven’t see you there,” dagdag nito sa pabulong na boses.
“Really?” masaya kong sabi.
After all this time I came back to the Philippines, I didn’t know that we lived in the same building.
Tinanguan niya lang ako at tahimik na nag-drive. Nang nasa may parking lot na kami ay nilingon ko siya ng hindi sya bumaba agad ng sasakyan.
“May iba ka pa bang pupuntahan?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
Nakatulala lang siya habang nakatitig sa head light ng kaniyang sasakyan.
“Can I stay at your condo for a while, even just for an hour…I just don’t like to be alone tonight,” she said while still looking straight at the front.
Nginitian ko siya kahit hindi niya ako nakikita. “Of course, you’re always welcome at my place.”
Nilingon niya ako at umukit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Nakangiti kaming dalawa habang papunta sa condo ko.
Huminto kami sa may pintuan ng condo ko. “This is where I lived.” Tinuro ko ang pinto sa tapat namin. “How about you?” tanong ko sa kaniya.
“My room’s located on the next floor,” she simply said.
Nginitian ko lamang siya at binuksan ang pintuan ng condo ko. Pumasok na kaming dalawa.
Kinabahan ako ng may mabibigat na hakbang akong narinig papalapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko ng may biglang yumakap sa akin ng mahigpit.
“Damn, Zy. Kanina pa kita hinahanap. I can’t even contact you cause you left your phone at the office. Where have you been?” Damien said while still hugging me tightly.
Tinapik ko sa balikat si Damien nang maalala kong kasama ko nga pala si Akira.
“Hey, I’m with Akira,” bulong ko sa kaniya.
Nagtataka naman niyang nilingon si Akira sa likod ko na ngayon ay nakapamewang sa ‘ming dalawa.
“Bakit magkasama kayong dalawa?” naguguluhang tanong ni Damien.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Akira. “Wala kang pake,” pagtataray niya kay Damien.
Akira rolled her eyes. “Such a sore in the eyes.” Hinawi kami ni Akira paalis sa daanan at dire-diretsong naglakad papasok ng condo ko.
“I can smell something delicious. I feel my tummy grumbling again,” sabi ni Akira bago pumasok ng kusina.
“Did you cook?” tanong ko kay Damien. Sunod-sunod ang pagtango niya bilang sagot.
I gave him a peck on the lips. “Thank you!”
Hinila ko na siya pasunod kay Akira bago pa may mangyaring kababalaghan sa ‘min dalawa sa may front door.
“Let’s eat,” aya sa ‘min ni Akira.
Nag-aayos si Akira ng lamesa na pagkakainan namin. Kung umasta siya ay para bang hindi lang namin katatapos kumain sa labas.
“So why are the two of you together?” kuryosong tanong ni Damien habang nagtataka pa rin itong pinagmamasdan si Akira na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita sa kaniyang harapan.
Tinaasan siya ng kilay ni Akira. “If you don’t want me to ask why you’re here, don’t ask me why we’re together,” mataray nitong sabi kay Akira na sapat na para patahimikin si Damien.
Napangti ako. Akira was still the same…the same friend that I had years ago.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na sa ‘kin si Akira para umuwi.
“Thanks for the meal. I have to go now. We still need to wake up early tomorrow,” she said while fixing herself.
“Ingat,” sabi ni Damien habang naghuhugas.
Kawawa naman si Damien. Siya na nga ang napagod magluto, siya rin ang naghugas ng pinagkainan namin.
Bibigyan ko na lang siya ng premyo mamaya pag-alis ni Akira. Para naman hindi siya mapagod sa pag-intindi sa ‘min.
“Anong ingat. Bilisan mo na diyan at sabay na tayong lumabas,” utos sa kaniya ni Akira.
“But—“
Aangal pa sana si Damien nang panlakihan siya ng mata ni Akira. Napanguso na lamang siya habang naghuhugas ng pinggan.
Nakasimangot tuloy na sumunod si Damien kay Akira. Halatang labag na labag sa kalooban ang paglabas niya dahil sa bigat ng kaniyang bawat paghakbang.
Nakangiti ako habang kumakaway sa kanilang dalawa. I can’t believe what happened today. It feels like everything finally fits into place, and I hope it will never get destroyed again.