Chapter 33

1203 Words
CHAPTER 33 RIEUKA Tahimik kaming tatlo nina Akira at Damien sa loob ng office habang abala kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Inangat ko ang tingin ko kay Damien nang bigla siyang tumayo bitbit ang mga gamit niya. “I need to go. Dad wants to see me,” paalam niya sa ‘min ni Akira. Tinanguan siya ni Akira. “Kindly tell Tito that I can’t make it tomorrow, Damien. Thanks!” walang lingon-lingon na sabi ni Akira. Hindi ko alam na grabe pala magseryoso si Akira sa trabaho. Kanina niya pa hindi inaalis ang tingin niya sa mga papeles. Kung mayroong lang sigurong laser ang mata niya ay baka kanina panagkandapunit-punit ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa. Akmang lalapit na sa ‘kin si Damien para yumakap at magpaalam nang pigilan ko siya. I secretly pointed at Akira to signal him that we can’t do sweet stuff at this moment. Bumakas sa mukha niya ang pagkalito at pagtataka. Pero bandang huli ay nagbuntong hininga na lamang siya at bagsak ang balikat na lumabas ng opisina. Wala pang isang minuto mula nang lumabas si Damien ay tumayo na ako. Medyo na-guilty kasi ako dahil bakas sa mukha niya ang pagkadismaya bago siya lumabas ng opisina. Kakausapin ko muna si Damien bago siya umalis. Mahirap na at baka magkaroon na naman kami ng hindi pagkakaintindihan dahil dito. “I’ll just go to the bathroom,” paalam ko kay Akira. Tinanguan niya lang ako. Hindi man lang siya nag-abalang tapunan ako nang tingin. Buong atensyon niya ay nasa mga papeles sa kaniyang harapan. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at nagmamadali akong humabol kay Damien. Napangiti ako ng hindi pa nakaaalis ang kotse niya. Nagmamadali akong pumasok sa kaniyang kotse. Takot na baka may makakita sa ‘king pasakay rito. “Hey,” bati ko sa kaniya pagkasakay ko ng sasakyan. He smiled at me. “Hey!” Iniwas niya ang tingin sa ‘kin at tumingin ng diretso sa labas. “I’m sorry about earlier,” panimula ko. Yumuko ako. “I just want to keep our relationship between us for now.” “You mean you want to keep us a secret,” he stated with a sense of bitterness in his tone. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakahawak ng mahigpit sa manubela. “No, Damien. It’s not like that,” sabi ko sa mahinang boses. Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung paano ko i-eexplain sa kaniya ang gusto kong mangyari. Pero siguro naman ay maiintindihan niya ako kapag narining niya na ang pinanggagalingan ko.   “We won’t keep it a secret. Gusto ko lang na maging pribado muna kung anong meron tayo ngayon,” pagpapaliwanag ko sa kaniya. “Pinaganda mo pa. Pareho lang naman ‘yun,” sarkastiko niyang sabi. Inabot ko ang kamay ni Damien at hinawakan ko ito ng mahigpit. “Gusto ko sanang maayos muna ‘yung gulo sa pamilya namin ni Akira… I can’t let my Mom use our relationship for her own gains,” dagdag ko pa. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. He reached for me and embrace me into a hug. “What can I do? You know I’m a servant for your requests.” I felt him kiss the top of my head. “As long as you promise that you’ll stay with me, Zy, I will willingly do everything for you,” he added. I smile crept into my lips. Yinakap ko siya pabalik. Inangat ko ang ulo ko para tignan siya. “Ayaw mo ba noon? Mae-experience nating magkaroon ng secret office romance?” pabiro kong tanong sa kaniya. Sumimangot siya. “I hate secrets,” sabi niya habang nakanguso. Natawa ako sa reaksyon niya. Pinindot ko ang magkabilang pisngi niya dahil sa panggigigil sa ka-cutetan niya. “You’re so cute, Damien. You look like a damn spoiled child,” biro ko sa kaniya. Lalong humaba ang nguso niya na ikinatawa ko. I looked at his pouted lips and slightly gave it a peck. I felt his hands move at the back of my neck and stop me from moving away from him. It was supposed to be a peck, but it became a mind-blowing kiss because of this thirsty guy. I tapped Damien’s shoulder when I heard a phone ringtone coming inside the car, but instead of cutting our lips, he caressed my nape, which made me lose my sanity and forget the ringing phone. I know kissing in broad daylight inside a car was not a proper thing to do. But what can I do when I also yearn for his kisses. I encircled my hand around his neck. I was about to sit on his lap when I heard another ringtone that woke up my right mind. Ginamit ko lahat ng lakas ko para matulak si Damien palayo sa ‘kin. Nang tuluyan na akong makawala sa kaniya ay narinig ko ang mumunti niyang pagmumura. Ngingiti-ngiti akong inabot sa kaniya ang kaniyang telepono. He sighed heavily and answered the call. “Dad.” Sinabunutan niya ang kaniyang sarili at magkasalubong ang mga kilay habang kausap ang nasa kabilang linya. “Why do you keep calling?” iritang tanong nito kay Tito Fidel. “How can I go there if you keep calling me,” sabi nito sa galit na tono. “Relax,” mahinang bulong ko sa kaniya habang tinatapik-tapik siya sa hita. Hinuli niya ang kamay kong nasa hita niya at dinala ito sa kaniyang labi. He showered my hand with kisses. I felt his lips curve into a smile when I didn’t budge to get my hand out from his hold. “Yeah, Dad. You’ll never notice that I’m already there sitting beside you,” he said before he hung up the phone. “What did Tito Fidel told you?” pang-uusisa ko. “He wants me to attend a meeting with his business partners today,” malungkot niyang sabi. “I don’t want to go,” dagdag pa niya. “Just go, maybe Tito really needs you there,” pilit ko sa kaniya. Bumuntong hininga lamang siya at sinandal ang ulo sa head rest ng upuan. Lumapit ako sa kaniya. “Don’t worry we’ll continue where we stop when you come back,” bulong ko sa kaniyang tenga bago nagmamadaling lumabas ng kaniyang kotse bago niya seryosohin ang sinabi ko. I waved my hands at him before I rushed to get inside the office again. Pagpasok ko sa opisina ay kinuha ko agad ang cellphone ko para i-message siya. “Take care,” simpleng mensahe ko sa kaniya na sinamahan ko ng mga emoji na puso. “Why are you smiling like an idiot?” sita sa ‘kin ni Akira. Tumikhim ako at tumuwid ako nang pagkakaupo. Muntik ko nang makalimutan na hindi na nga pala ako nag-iisa sa opisina ko. Masyado akong nasanay na walang nakakikita ng kalokohan ko. Ayan tuloy nasita ako. Kahit na pinaseryso ko na ang mukha ko. Pinipigilan ko pa ring tuluyang mapangiti dahil sa hiyang nararamdaman ko. I hope that this is not a dream, and if it is, I badly hope it won’t end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD