CHAPTER 2
RIEUKA
*FLASBACK 5 YEARS AGO*
Naghuhugas ako ng kamay nang may biglang tumunog na cellphone malapit sa akin.
“Dad, c’mon, why do you have to cut it now?” Akala ko naman ringtone ko, we have the same ringtone that only rings when my Mom and Aki is calling.
“I’m about to pay for our food, Dad.” Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila. I must be invading their privacy, right? Pero kung gusto niya ng privacy, why don’t he go to a place that there are no people that can hear them talk then.
Pabalik na sana ako sa table namin matapos kong mag-comfort room nang may humila sa akin. Galing sa malapit na pintuan ng comfort room ng lalaki. Magpa-panic na sana ako kung hindi ko nakita ang hitsura ng humila sa akin. He’s the guy na ka-date ni Diane.
“Hey, ikaw ‘yong ka-date ni Ivan, right?” Sino naman si Ivan aber? Oh, it might be the guy that he came with. ‘Yong mahangin na lalaking kasama ba niya ‘yong tinutukoy niya.
“Diane’s friend, right?” Si Diane lang naman ang babaeng kasama ko papunta rito. Sumama lang naman ako kay Diane para hindi niya tanggalin si Aki sa grupo nila. Malay ko ba na sa double date niya ako isasama. I should have known in the first place noong nakita kong excited na excited siyang ng nanghingi ako ng tulong. Knowing her na maraming nali-link na lalaki, I should have expected the worst.
Tinango ko lang ang ulo ko dahil tinatamad na akong magsalita. Na-consume ko na ang maximum word count na kaya kong sabihin sa isang araw. Ang tagal ko ba namang nakikisama sa ka-date ko kanina, which is si Ivan daw, para lamang tumagal na magkasama si Diane at itong lalaki na nasa harapan ko ngayon.
“Good timing. Can you lend me some money?” What the heck. Napilitan na nga akong sumama rito, tapos ngayon hihingan niya pa ako ng pera. Pinaglihi ba siya sa semento? Sobrang tigas kasi ng mukha.
“Excuse me?” I can’t even comprehend anything. Tama ba ang naririnig ko? Bakit kaya hindi siya doon manghiram sa mayabang niyang kaibigan, na lahat yata ng nabili niya na galing sa pera ng magulang niya ay pinagyabang na niya.
“I’ll pay you back in school, trust me.” Nag-cross finger pa ang loko, as if naman mauuto niya ako.
“C’mon pretty, I can also pay you in a different way if you want.” May pakindat-kindat pa siya sa akin. Akala ko si Ivan lang ang pinakamayabang na nakilala ko, nagkakamali pala ako. No one can beat this person in front of me, huh, the audacity. Si Diane lang ‘yong madadala niya sa pakindat-kindat niya ‘no.
“Gusto mo?” Pinakita ko sa kaniya ang credit card na dala ko, sabay hila sa kwelyo niya palapit sa akin. Konting tulak na lang magkakadikit na ang labi naming dalawa.
“Luh, asa ka.” Sabay talikod ko sa kaniya. He looks dumbfounded, akala niya siguro lahat ng babae maloloko niya, then I beg to disagree.
Nagulat ako nang akmang ibabalik ko na ang card ko sa wallet ko ay may biglang humablot ng wallet ko. Mumurahin ko na sana kung sinong walanghiya ‘yong nanghila sa wallet ko nang makita ko na si mayabang number two lang pala.
“Thank you for lending me some money, promise ibabalik ko sa ‘yo when we see each other again in school.” Gusto ko siyang batuhin ng bag ko kung hindi ko lang nakita na may babae akong kasunod. Ayoko namang mag-eskandalo sa isang sosyal na lugar ‘no, at baka magmukha pa akong outcast. Well, outcast naman talaga ako, pero at least hindi halata ‘di ba. Tumikhim lamang ako, at naglakad papunta sa table namin.
“What took you so long?” Hindi ko man lang sinagot si Ivan kahit na tinanong niya ako. Bakit kaya hindi niya itanong sa magnanakaw niyang kaibigan at baka sakaling magkaintindihan sila.
Nakakainis na lalaking ‘yon, napaka mautak dahil sa halip na ang card ko ang kunin ‘yong wallet ko ang kinuha niya. Naisip rin siguro ng loko na need niya pa ng passcode bago magamit ang card.
“I’m done paying, we can go now.” Ibalik ko kaya siya sa grade school, ang tanda-tanda niya na kulang-kulang pa siya gumawa ng sentence. It should be ‘I’m done paying using Rieuka’s money, the heck.
“Hatid na kita, Rieuka.” Muntik na akong pumayag na magpahatid kay Ivan kaso nagbago ang isip ko. I don’t want him to know where I live, because I don’t want to see him again. Mahihirapan akong magdahilan sa susunod na makita ko siya. Lalo na kung malalaman niya kung saan ako tumutuloy.
“Nope, I’m okay. Magco-commute na lang ako, may dadaanan pa kasi ako bago umuwi.” Ngumiti lang ako sa kaniya at pinagpe-pray na hindi sana siya manhid. Sana naman ma-realize niya na hindi ako nakipag-double date sa kanila sa kadahilanang gusto kong makahanap ng jowa. No thanks, I’m fine by myself. Ayoko nang magdagdag pa ng panibagong problema na dadagdag sa buhay ko.
“But it’s dark already. It would be safer to drive you home.” Hindi siya tinalaban ng prayers ko, dalawa lang ‘yan. Manhid siya o kaya sinukuan na siya ng mga bathala dahil sa kayabangan niya. Malamang sa malamang sinukuan na siya, mas bagay iyon sa ugali niya.
“Pumayag ka na Rieuka.” Hinawakan ni Diane ang braso ko para pilitin ako, pero hindi pa rin nila ako mapipilit. Ayoko nga at baka ibang drive at lugar pa ang mapuntahan namin. Judgemental na kung judgemental, pero mas okay na ako sa sigurado.
“Fine then, bye Rieuka. See you in school.” May pa beso pa siya sa ‘kin. Asa siyang magkikita ulit kami. I mean, sure na makikita ko siya pero never niya akong makikita. Dahil pagnakita ko siya magtatago na agad ako.
“See you.” Labag sa kalooban pero sinabi ko pa rin naman. I don’t want them to think that I’m rude, kahit totoo naman.
“I’ll just get my car then.”
“Kahit ‘wag ka nang bumalik,” bulong-bulong ko pagkaalis ni mayabang number two.
“Oh my God. Thankful talaga ako na sumama ka sa ‘kin ngayon.” Sinusundan ng tingin ni Diane ‘yong ka-date niya. Nang nawala lang ito sa paningin niya ay saka niya ako tinignan.
“He’s friend likes you; you know. Hindi nga dapat papayag na makipag-date sa akin si Damien kung hindi ka makaka-date ng friend niya.” Oh Damien, what a nice name for a person with a damn attitude.
“I feel like I’m dreaming. Thank you talaga.” Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Hindi ako makapaniwala na ganito siya ka-thankful sa akin. Ano kayang nakikita ng mga babae sa lalaking iyon? I admit na he’s physically handsome, but that’s it. Nothing special with him.
Napatalon ako sa gulat nang may biglang bumusina sa tapat namin. Masiyado pa naman akong sensitive sa sounds kaya mabilis akong magulat.
“Hop in.” Pagkabukas ng bintana ng mamahaling kotse sa harap naming ay bumungad ang mukha ni Damien. Mamahalin ‘yong kotse pero walang perang pambayad sa restaurant, tsss.
“Bye, Rieuka. See you sa school.” Bumeso pa sa akin si Diane. Plastik, samantalang kapag nasa school ay hindi naman kami nagpapansinan. Dapat ba talagang magpanggap kang mabait sa harap ng taong gusto mo?
Humarurot na ang kotse nila paalis. Sasakay na sana ako ng taxi nang ma-realize ko na nawawala ang wallet ko. Shet! Sheet! Shete! Ninakaw nga pala ng Damien na ‘yon ang wallet ko. Paano ko uuwi nito? Lintek na lalaking iyon, kainis. Dapat pala nagpahatid na akong pauwi kay Ivan.