CHAPTER 3
RIEUKA
Ala-una na pero hindi pa ako nag-uumagahan, late na kasi akong nagising dahil sa sobrang pagod ko kahapon. Hindi ko akalain na malalakad ko ang restaurant na pinanggalingan ko kagabi hanggang sa condo ko. Take note na naka-stiletto pa ako dahil nanggaling ako sa isang photo shoot kahapon bago dumiretso sa restaurant na sinabi ni Diane.
Pagdating ko sa school’s cafeteria ay sobrang haba na ng pila. Parang nagbago na ang isip ko na kumain. Mas magandang ideya yata kung titiisin ko na lang ang gutom ko hanggang sa mag-uwian na.
Nanghina ang mga tuhod ko nang makita ko na sobrang haba ng pila, kaya umupo na lang muna ako sa gilid. It would take me an hour standing, para lamang makabili ng pagkain. Ala-una na pero andami pa ring studyante na kakain pa lang. What to expect ‘di ba. College life’s gonna really mess up you’re eating and sleeping habits real bad.
My last class will start at exactly 2:00 P.M. for 3 hours. That means 5:00 P.M. pa ang labas ko and it will take me an hour to go home. Ang last na kain ko ay kagabi pa kasama sina Diane. Kaya ko kayang tiisin ang gutom ko?
Tiningnan ko ulit ang pila ng mga studyanteng nagkakagulo para makakain. I was about to stood up after massaging my feet for a little while, when someone placed a food tray in front of me.
“Here, you look like a mess right now.” Tiningnan ko kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Napairap ako nang makita ko kung sino ang naglapag ng food tray sa harapan ko.
“Muntik na kitang hindi makilala sa ayos mo ngayon.” Pagkatapos niyang nakawin ang wallet ko, ganiyan siya makapagsalita ngayon.
“Sino kayang nanguha na lang bigla ng wallet ko kahapon, that caused me to walk five kilometers wearing stilettos.” Take that you jerk.
“Sino ba ang nagsabi sa ‘yo na mag-stilettos ka? You shouldn’t show off during the first date.” The heck, I didn’t even prepare anything yesterday. I just go straight there after our shooting.
Kinuha ko ang food tray na dala niya at nagsimula nang kumain. Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi niya.
“I know Ivan. He just wants pretty girls as his girlfriend to show off to his friends. If he sees you in this state, he might dispatch you right away.” He blurted out while sitting beside me.
“After seeing everything that you can offer to him, he will just dispatch you.” Andami niyang sinasabi as if naman may pakialam ako sa mayabang niyang friend.
“Then, what does he like then? His type of girls?” Napatingin ako sa kaniya at nakita kong titig na titig siya sa akin.
“Do you like him?” Hindi niya tinanggal ang tingin niya sa akin. Parang nagtataka siya sa mga sinasabi ko, kaya nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy kumain.
“Matapos ng lahat ng sinabi ko gusto mo pa rin siya?” Hindi ko siya nilingon. I don’t even know what to say. I just blurted those words out of nowhere, dahil hindi ko ma-gets ang pinupunto niya. Hindi ko naman gusto si Ivan, I don’t even like any of his personality. Sapat na ang isang araw sa akin para malaman ko kung magugustuhan ko ang isang tao o hindi in a romantic way. Kahit nga yata bilang isang kaibigan hindi papasa ang ugali ni Ivan para sa akin. Ang sigurado lang ako ay napaka hangin niya para sa isang taong umaasa lang naman sa kaniyang mga magulang.
“Looks like you’re as stupid as your friend.” Parang nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.
“Excuse me, Akira is not stupid. She’s way better than anyone and way better than you and Ivan.” Tumaas ang boses ko dahil sa galit. Bakit ba lagi nilang sinasabi na stupid si Aki? She just doesn’t like what she’s studying. She loves acting and modeling, and not making designs to fulfill someone’s taste.
“I thought her name was Danica?” Napatigil ako sa sinabi niya. Doon lamang ako natauhan. Paano nga naman niya makikilala si Akira. Stupid me. Of course, si Diane ang tinutuoy niya, ang babaeng naka-date niya kagabi.
“Whatever, thanks for the food. And it’s not Danica, her name is Diane.” Tinalikuran ko na siya at nagpunta na sa next class ko. At least I know how to say thank you, unlike him na after kuhanin ang wallet ko nang walang pasabi hindi man lamang lumingon para magpasalamat. Wait ‘yong wallet ko, nakalimutan kong kunin sa kaniya.
Nagmamadali akong tumakbo pabalik sa cafeteria. Hindi ko na ininda ‘yong sakit ng paa ko. Pagkarating ko sa cafeteria ay wala na siya sa mesa namin kanina.
“Great.” Mukhang kailangan ko na namang mag-ready sa mahaba-habang lakaran mamaya. Or maybe makisabay na lang ako kay Aki pauwi.
I was about to go out of the canteen when I saw him in line with the students waiting for their turn to pick their food. Pumila pala ulit siya. Lalapitan ko na sana siya nang may humila sa braso ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Akira na ngiting-ngiti sa akin.
“Riri, you’re already late for your next class.” Hinihila niya ko pero hindi ako nagpahila agad. Nilingon ko muna si Damien na umo-order na ng pagkain niya. Ang loko, sumingit pa sa pila para lamang mauna siyang um-order. At ito namang mga babae sa likuran niya ay hinayaan lang siya.
“Come on. Terror pa naman si Mrs. Teodoro.” Nagpahila na ko sa kaniya. Pero bago iyon ay tiningnan ko muna si Damien. My wallet, damn it. Tiningnan ko ang in-order niyang pagkain, parehong-pareho iyon sa laman kanina ng food tray na binigay niya.
Siguro ay para sa kaniya talaga ang binigay niyang pagkain sa akin kanina. At bakit naman niya ibibigay sa akin iyon, aber? Siguro busog na siya kanina kaya binigay niya sa akin ‘yong pagkain niya, at ngayon ay nakaramdam na ulit siya ng gutom? Siguro nga, hindi ba.
*END OF FLASHBACK*
That’s how we started to become friends. Lagi kaming nagkakasalubong ng landas. Simula noon ay itinuring ko na siyang kaibigan kahit pa puro bangayan lamang ang alam naming gawin. Kahit lagi kaming nagtatalo alam ko sa sarili ko kung gaano siya kahalaga para sa akin.
“Ar. Collin, tumawag na po ang secretary ni Sir Damien. On the way na raw po si Sir dito.” Napatingin ako sa orasan magaalas-siete napala. Hindi ko man lang napansin ang oras sa dami ng ginagawa ko at sa kakaisip.
“Okay, you may go now. Thank you.” Nginitian ko si Abby.
“Ingat po kayo sa pag-uwi, Architect.” Ilang araw pa lang kaming nagkakasama ni Abby pero magaan na agad ang loob ko sa kaniya. Siguro ay dahil na rin sa bagong empleyado pa lang siya rito, at hindi niya pa alam ang mga nangyari bago ako lumipad papuntang US.
Nagsara na ang pinto tanda ng pag-alis ni Abby. Napatingin ako sa mga papeles na nasa harapan ko. Ang dami ko pang dapat gawin, pero parating na si Damien. Si Damien pa naman ang tipo ng tao na ayaw pinaghihintay, siguradong lalong magtatampo iyon kapag mas inuna ko ang trabaho kaysa sa kaniya.
Bumuntong hininga na lang ako at tumayo na. Sasalubungin ko na lang siya sa baba para hindi na siya mapagod pang umakyat sa office ko. Sinimulan ko nang ayusin ang gamit ko nang mag-ring ang phone ko.
“Hello.” Sagot ko habang nilalagay ang lahat ng gamit ko sa loob ng aking Chanel na bag.
“Nandito na ako sa building n'yo. I’m just parking my car.”
“No need. Pababa na rin naman ako. Sa ground floor na lang tayo magkita.” Lalo kong binilisan ang pag-aayos ng gamit ko, nakakahiya naman kung baba pa siya ng sasakyan niya. Pinatay ko na ang mga ilaw at dumiretso na ako sa elevator.
Pinindot ko na ang ground floor sa elevator pagkatapos kong ibaba ang tawag. Sa pakiramdam ko napakabagal bumaba ng elevator. Halos nasa pinaka mataas kasi ang office ko. Binigyan nila ako ng mataas na posisyon pagkabalik na pagkabalik ko galing U.S. Nakakahiya man ay hindi na ako tumanggi pa, sa halip ang ginawa ko na lang ay mas magpursigi pa sa trabaho ko.
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay nagmamadali akong lumabas. Tuloy tuloy ako papunta sa entrance ng building nang may nakabangga ako.
Muntik nang tumilapon ang mga gamit ko. My gosh my Chanel bag! Galing pa naman ‘to sa friend ko sa U.S.
Handa na sana akong magreklamo nang nagkatinginan kami ng nakabangga sa akin. Napatigil ako nang magtagpo ang aming mga mata. Ito ang mga mata na nakabighani sa bata kong puso tatlong taon na ang nakakalipas.
“Roman.” Bulong ko sa aking sarili. Sobrang hina na ako lang halos ang makakarinig. Nagbalik lamang ako sa wisyo nang tinawag ako ni Damien.
“Ang tagal mong bumaba. Hanggang ngayon ba naman mabagal ka pa rin kumilos.” Hinila ko agad ang kamay ni Damien paalis roon.
“Let’s go.”
Sumakay na kami sa sasakyan niya nang walang imikan. I don’t even know if he knew the guy I’ve bumped into.
It’s been three years pero hindi pa rin nagbabago ang kaniyang hitsura. Honestly, it did change, he became more manly and more matured. More composed, he looks at me as if he doesn’t remember me. But that’s a good thing, right. ‘Yong magpanggap kaming hindi kami magkakilala para hindi na kami makasakit pa ng iba.
He changed, and I changed. I hope that this time I won’t make the same mistakes as before. Mistakes that broke me apart. It took me so long to rebuilt my broken pieces and came back to the Philippines, hindi na ako papayag na dumaan ulit ako sa pagkaligaw at pagkatakot.