CHAPTER 4
RIEUKA
“Hey, para kang baliw diyan. Kanina ka pa nakatulala.” Iniwas ko ang tingin ko kay Damien. Alam kaya niya yung mga nangyari bago ako umalis papuntang America. Nauna siyang magpunta sa akin sa America kaya maaring hindi niya alam. Pero nauna siyang bumalik sa akin dito sa Pilipinas kaya maaring may narinig na siyang mga usap-usapan tungkol sa akin.
Kung sakali man na malaman niya, ayokong sa iba manggaling. I want to be honest to him. He’s been with me since I was a teen, lahat ng katangahan kong nagawa ay alam niya. But I’m not sure if he knew the most stupid thing I’ve done in my whole life.
“Damien.” Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. I wonder if the tenderness in his eyes will change into despise after he learned what happened.
“Don’t. Don’t start it if you’re not yet ready.” Nginitian niya ako.
Sa tagal ko na siyang nakakasama alam ko na kung kelan totoo ang mga ngiti niya at kung kelan hindi. Habang tinititigan ko siya ngayon, nakikita ko ang Damien na tinanggap ako nang paulit-ulit. Paulit-ulit na muntik na siyang maubos sa pagbuo sa akin.
“Don’t rush yourself. I will always believe and take your side no matter what.” Muntik nang tumulo ang mga luha ko. Antagal kong itinago sa kaniya ang mga nangyari sa amin ni Akira. Kahit ni isang beses hindi niya man lang ako tinanong tungkol dito.
“Come on. Finish your food. Para makapagpahinga ka na, you had a rough day.” Tumango na lang ako at hindi na umalma pa. Kung may nakakakilala man sa totoong ako ay si Damien yun. Minsan ay mas kilala niya pa ako kesa sa sarili ko.
He knew my weakest part. He knew my despair, my pain, my everything. He knew me very well, and every day I wish to know him too.
Pero minsan may mga bagay tayong alam pero mas pinipili nating magbulagbulagan. Dalawa lang yan, ayaw nating masaktan o ayaw nating makasakit. With Damien I know that it’s the latter.
Nasa sasakyan na kami pauwi saka lamang siya nagsalitang muli.
“I won’t be here for two weeks. I need to go to Cebu, and tonight is my flight.”
“That’s good. I will be living peacefully for two weeks.” Pinilit ko munang ngumiti bago ako tumingin sa kaniya. I don’t want him to worry about me while he’s away.
“Oh come on. That will be your loneliest weeks.” Nahawa ako sa ibinigay niyang ngiti sa akin. He’s always been like that. Smiling at me that tells me to be calm, and showed me that everything will be okay in the right time. Ang mga ngiti niya na lagi kong pinanghahawakan.
“Is it about the project that Tito Fidel entrusted to you?”
“Yeah, dad is really giving me a hard time as soon as I came back from the US.” I smiled. Damien came a long way. Dati-rati lamang ayaw siyang bigyan ng posisyon ni Tito Fidel, but look at him now. He was working on the most significant project his dad could offer to him.
“Hindi sana gumuho ang resort na itatayo niyo.” I jokingly said.
“It wouldn’t, I have the best coach.” Nagkatinginan kami at sabay kaming napangiti. Lahat na ata nang natutunan ko ay nasabi ko na sa kaniya at ganoon din siya sa akin. For me, if one person failed, we both failed, and I knew that he thought the same way.
Dumating na kami sa building ng condo ko. Bumaba na agad ako ng sasakyan niya at kumaway tanda nang pagpapaalam.
Pumasok na ako sa entrance ng building ng may mahagip ang mga mata ko na poster sa bandang kaliwa ng hallway. I took a look at the poster and I smiled. She’s still as pretty as before. I couldn’t believe how she managed to do her passion while working in the field.
Kinabukasan ng umaga ay nagising ako sa pagri-ring ng cell phone ko. Napatingin ako sa orasan at napapikit ng mariin nang makita ko kung anong oras pa lang. It’s still 6:00 in the morning, why the heck is Abby calling me.
Papagalitan niya ba ako dahil sa tambak na papeles na iniwan ko sa office ko. My ghad I can work on that later, she doesn’t have to remind me anymore.
Inilalim ko sa unan ang telepono ko para kahit papaano ay humina ang tunog nito. Pinipilit kong matulog pero hindi ako hinihila ng antok. Sino ba namang tao ang makakatulog habang nagva-vibrate at nagri-ring ang cell phone sa ilalim ng unan.
“Hello Abby?” Sinagot ko ang telepono habang pumupungas-pungas pa.
“Ar. Collin, did I wake you up?” Nagising na ata lahat ng pwedeng magising sa akin nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.
“No Tito. I was about to go to the office.” Tumayo agad ako at nagmamadaling maghanap ng masusuot. Natataranta ako sa paghahalungkat ng damitan ko.
Nakailang balibag na ako ng damit sa kama pero wala pa rin akong makitang pwedeng isuot. Paano ba naman ako makakapili, kung yung utak ko ay natutulog pa.
“Okay, I’ll be waiting in the meeting room. We will have a meeting after 30 minutes.”
“Yes Tito, I will be there in twenty minutes.” Twenty minutes my face. Twenty minutes ni hindi pa nga ako nakakalabas ng banyo nun.
15 minutes ang layo ng condo ko papuntang office. Ano naman kayang mahika ang kailangan ko para dumating doon sa office in thirty minutes.
Ito na ata ang pinaka-mabilis na pag-aayos ko sa sarili ko. Sa kotse na ako nag-make up at nag-ayos ng damit. Para na akong si Mr. Bean, kulang na lang pati pagsisipilyo ay sa kotse ko na ginawa.
I arrived in the office at exactly 28 minutes. I still have 2 minutes to go to the conference room.
“Excuse me, excuse me. Makikiraan lang po. Sorry.” Nagmamadali akong makatakbo pasakay ng elevator. I’m almost late my ghad. Nakakahiya, first week ko palang tapos mala-late na agad ako.
I shouldn’t have spent too much time last night thinking about that man I saw in the lobby last night. It would be better if I used my time to do something productive than to overthink.
“Ar. Collin. They are waiting for you inside. Here is your papers Architect.” Tinanguan ko lang si Abby and I mouthed thank you.
“I’m sorry, I’m late sir.” Nakayuko kong sabi sa tapat ng pintuan ng conference room. Muntik pa akong hindi makapagsalita dahil sa paghahabol ko sa aking hininga.
“It’s fine Ar. Collin. The one who will help you with your project just also artived.” Nakahinga naman ako ng maluwag doon.
“Ar. Collin, this is Ar. Auclair. You might already know her. She’s an actress and also a model. She’s also the face of our company.” Naestatwa ako sa kinakatayuan ko nang ipakilala nila sa akin ang taong makakasama ko sa bagong project na naka-assign sa akin.
“Architect Akira Auclair.” Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko siya. Kagabi lamang ay tinitignan ko ang posters niya malapit sa condominium ko at ngayon ay nasa harapan ko na siya.
“Architect Rieuka Zyair Collin. Nice to meet you.” Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. How come na ang dami-daming Architect sa mundo siya pa ang makakasama ko.
“Nice to meet you again. So we will be together for months.” Tanging tango lamang ang nasagot ko. How will I be able to work with her for months. Kakabalik ko lang sa Pinas pero ito na agad ang bumungad sa akin.
Ang mga dahilan nang pag-alis ko ang siyang unti-unting bumabalik sa buhay ko. Muli ko siyang tinignan. Nahuli ko siyang nakangiti sakin. Hindi peke ang mga ngiti niya sa akin. Sana magawa ko ring ngumiti muli ng totoo sa kaniya. Ngiting walang halong pagsisi, ngiting walang pait, ngiting binibigay ko sa kaniya dati…dati na ang isa’t isa lang ang masasandalan namin.