CHAPTER 5
RIUEKA
*FLASHBACK 5 YEARS AGO*
Kanina pa ako palakad-lakad sa library, dahil sa kakahanap ng libro na kailangan ko. Nasaan na ba ang libro na iyon? Mag-iisang oras na akong naghahanap pero hanggang ngayon hindi ko pa rin ito nakikita.
Nasa pinakadulo na akong parte ng library nang makita ko iyong libro ng Philippine History na nakapatong sa isang lamesa. Nasa ibabaw ito ng iba pang libro tungkol sa architecture, sa tabi ng isang babaeng nakayuko.
Siguro pareho kami ng department ng babae. Baka nga magka-batch pa kami dahil ang mga librong nakapatong sa lamesa, ay ang mga libro ring ginagamit namin sa kasalukuyang semester.
Kakalabitin ko na siya nang makarinig ako nang paghikbi. Napalingon ako sa ibang parte ng library at wala namang ibang tao. Pasado alas nwebe na kasi ng gabi, kaya naman halos lahat ng college student ay nag-uwian na. Bilang na bilang na lamang sa daliri ang mga studyante na hindi pa nakakauwi.
Kung hindi lang ako ang nabunot para mag-report sa klase namin bukas, malamang ay isa na ako sa mga studyanteng payapa nang nakahiga sa kama habang nagce-cellphone.
“Miss?” Unti-unti akong lumapit sa lamesa. Kinakabahan ako at baka mamaya ay multo lang pala itong nasa harapan ko.
Ganito pa naman kadalasan ang mga nasa horror film. Mayroong maputing babae na may mahabang buhok na nakayuko habang umiiyak sa pinakadulong parte ng mga kwarto.
Erase, erase, tinatakot ko na naman ang sarili ko. Wala naman akong nababalitaan na may multo dito sa library, at saka nandito pa naman yung librarian kaya wala dapat akong ikatakot.
“Miss?” Nagulat ako ng hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay bigla siyang nagtaas ng ulo.
“Hmmm?” Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla niya akong tignan habang papalapit ako.
“Sorry, I look like a mess right now. Natakot ba kita?”
Gusto kong sabihin na, ‘Ay hindi Ms., muntik na nga akong atakihin sa puso’, pero di na lamang ako nagsalita at baka ma-offend ko pa siya.
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Parang familiar siya sa akin. Siguro ay dahil parehas kami ng department.
“I’m…I just want to –“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ng nag-bell ang librarian. That bell signifies that we need to leave.
Nagulat ako nang hinawakan at hinila ako sa braso ng babae palabas ng library.
“Let’s go. Baka saraduhan tayo ng pinto ng librarian. Masungit pa naman iyang bago, hindi kagaya noong dati.” Napatingin ako sa kaniya, wala ng bakas ng luha sa mukha niya.
In fact, she looked as pretty as hell with that smiling face. She has a small face, long lashes, pinkish lips, small body frame, and she’s even taller than me.
“Ano nga ulit iyon?” At saka lamang ako natigil sa pag-admire sa kaniya nang magsalita siya.
“Hihiramin ko sana yung book ng Philippine History for our report tomorrow.” Tinignan ko ang mga librong hawak niya at wala roon ang book na kailangan ko.
“Kaso naiwan ata natin kakamadali.” Napakamot ako sa ulo ko.
Siguradong tatarayan na naman ako ni Mrs. Clemente nito bukas, I don’t even have any other source for my report tomorrow.
“Oh, report ba ng chapter VI?” Tumango naman agad ako sa naging tanong ng babae.
“Here, I’ve finished summarizing what’s written in the book before we go out.” Nilahad niya sa akin ang isang filler na hawak niya.
“Si Mrs. Clemente ang professor namin sa course na yan. I hope that it can help.”
“Really? Si Mrs. Clemente rin ang prof. namin.” Nginitian ko siya. Nagulat ako na pareho pala kami ng prof. Matanda na kasi si Mrs. Clemente kaya bilang na klase nalang ang tinuturuan niya. What is the probability na pareho kami ng prof. diba.
“That’s great. Sinulat ko na diyan yung mga key points and answer to the questions na pwede niyang tanungin sa iyo.”
“Thank yo-“ Naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang telepono niya.
“I need to go. Balik mo na lang sa akin iyan after your report. Next week ko pa naman kailangan iyan. Bye and good luck.” Nagmamadali siyang tumakbo papuntang gate habang kumakaway sa akin.
Kumaway ako sa kaniya pabalik ng mayroon akong maalala.
“Wait.” Sumigaw ako pero hindi niya na ako narinig kaya naman humabol ako sa kaniya. Sa kasamaang palad ay natapilok ako dahil sa suot kong sapatos na may 2 inches heel. Kung minamalas ka nga naman talaga.
I don’t even know her name. Paano ko naman ibabalik sa kaniya ito bukas.
“Knowing our past gives an individual sense of being, which later on may lead to our national identity.” Nagpalakpakan ang mga kaklase ko after kong mag-report.
Nagawi ang tingin ko kay Mrs. Clemente, there’s no emotion evident in her face. Pero kahit ganun masaya pa rin ako, dahil kadalasan ay nambabara si Mrs. After and during the reporting. Ngayon ko lamang na-realize na kahit isang beses ay hindi niya ako pinatigil sa pagsasalita habang nagre-report.
“That’s all for today. Class dismissed.” Tinanguan ko lamang si Mrs. Clemente habang dire-diretso siyang naglakad palabas ng pinto.
“Congrats!” Bati sa akin ng mga kaklase ko bago lumabas ng pintuan. Nginitian ko sila isa-isa, “Thank you!”
Sunod-sunod na ring naglabasan ang mga kaklase ko pagkaalis ni Mrs. Since it’s already our lunch break.
Lumabas na rin ako para maki-pila sa mga nagkakagulong studyante. Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng cafeteria at nagbabaka-sakaling makita ko muli ang babaeng nagpahiram sa akin ng notes niya sa reporting kagabi.
Kung hindi dahil sa kaniya ay malamang pinahiya na ako ni Mrs. Clemente sa harap ng mga kaklase ko kanina. Ang laking tulong ng notes niya, dahil kumpleto lahat ng nakasulat doon, even the slightest details about what happen in the past were written. Wala siyang nakaligtaang i-notes kahit isa.
Natapos na akong kumain pero hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan na kaya yun? Siguro magkaiba kami ng oras ng lunch break. Baka nauna na siyang kumain sa akin.
Bigo akong umalis ng cafeteria, dahil kailangan ko na ring pumasok sa susunod kong klase.
“Rieuka, nasagutan mo ba yung examples ni Ms. Visconde?” Kakapasok ko pa lamang ng classroom, pero iyon na agad ang bungad sa akin ng mga kaklase ko. Calculus na kasi namin kaya nagkakagulo na silang mangopya ng mga sagot.
“Here, just keep in mind the signs.” Iniabot ko na sa kaklase ko ang notebook ko. Kinuha ko ang headset ko sa bag bago ko ito sinuot at yumuko sa desk ko.
Antok na antok na ako dahil hanggang madaling araw ay nire-ready ko iyong report ko para sa Philippine History namin kanina.
Hihikab-hikab na akong lumabas ng classroom. Tatlong oras kaming nagca-calculus kaya naman drain na drain na ang utak ko.
Uuwi na sana ako nang maalala kong hindi ko pa naibabalik ang notebook na pinahiram sa akin kahapon ng babae sa library. Nakakahiya naman kung hindi ko agad ito ibabalik kahit tapos na yung reporting ko.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang library ay may narinig akong boses galing sa likod ng isang building. Pinakinggan kong mabuti at parang boses ng babae’t lalaki na nagsisigawan.
“Ayoko na nga sabi sayo. Anong akala mo tatanggapin pa ulit kita pagkatapos mo akong paulit-ulit na lokohin?” Lalo akong lumapit nang marinig ko na parang pamilyar sa akin ang boses ng babae.
“Wag ka ngang maarte. Anong akala mo, hindi ko alam na marami kang nilalanding lalaki.” Nakarinig ako ng mahihinang hikbi mula sa babae.
“Bitiwan mo ako, nasasaktan ako. Ano ba!” Nagulat ako nang pagsilip ko ay nakita ko iyong babaeng nagbigay ng notes sa akin kahapon. Nakaharap siya sa akin at kitang kita ko ang higpit ng hawak sa kaniya ng lalaking kausap niya.
Dali-dali kong sinugod iyong lalaki at pinagpapalo ng bag na dala ko.
“Oh my god.” Sinubukan akong pigilan noong babae, pero hindi ako nakapagpigil.
“Ang kapal naman ng mukha mo. Wag kang mamimilit ng babae lalo na ‘t kung ayaw na sayo.” Patuloy ako sa pagpalo sa lalaki at patuloy naman sa pagpigil sa akin noong babaeng nakilala ko sa library kagabi.
“Oh my god! Stop it! Wala siyang ginagawang masama sa akin.” Tinignan ko ng masama iyong babae. Parang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko.
“I didn’t know that you are this stupid. Akala ko pa naman matalino ka dahil sa pinahiram mong notes sa akin. My fault, I judge you by your notes.” Nagtataka lang silang dalawa habang nakatitig sa akin na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
“At wag mong pinagtatanggol sa akin iyang lalaki na iyan ha. Kitang-kita kong sinasaktan ka niya.” Nagtaka ako ng sabay silang tumawa pareho.
Why the heck are they laughing in this serious situation?
“Oh my, I like you na.” Niyakap niya pa ako habang tumatawa pa rin siya. Napatingin ako sa lalaking kasama niya at napailing-iling na lamang ito habang natatawang nakatingin pa rin sa akin.
“Can you explain to me first what is happening?” It took them minutes before being able to talk straight without laughing.
“This is my classmate, Jerome.” She pointed out the guy who was with her.
“Oh what is your name again?” At saka ko lamang naalala na hindi pa namin lubusang kilala ang isa’t isa, pero kahit ganoon ay walang pag-aalinlangan ko siyang tinulungan kanina.
“Rieuka.”
“I’m Akira, but you can call me Aki.” Akira, ulit ko sa isip ko.
“Jerome and I are actually practicing for his audition tomorrow. Sorry for making you worry, girl.” Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Practicing? Then that means I hurt an innocent person.
“Sorry.” Hindi ako makatingin sa kasama ni Akira. Ang lakas rin naman kasi ng loob kong mang-away kahit hindi ko naman alam yung nangyari. Lesson learned, don’t make your overflowing emotions affect your actions.
“It’s fine. It actually makes me laugh.” Napatingin ako kay Jerome at muling lumabas sa labi ko ang salitang sorry.
“I’ll go now. Looks like the both of you need to talk first,” sabi noong Jerome bago kumaway sa amin habang papalayo siya.
“Ingat,” Akira said.
Ngiti lamang ang binigay ko kay Jerome, nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa kong pang-aaway sa kaniya.
“So why are you here?” Panimula ni Akira nang umalis na si Jerome.
“I was about to go to the library to return your notes. Then I’ve heard both of you fighting. So…” Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.
Maging kay Akira ay nahihiya ako. Kahapon lang ay naggandang loob siya sa akin para ipahiram ang notes niya tapos ngayon nanakit pa ako ng kaibigan niya.
“It’s fine. Don’t dwell in it too much.” Hinila niya ako paalis sa likod ng building.
“Tara. I’m hungry,” hinimas-himas ni Akira ang tiyan niya. “Come with me. I know a good ice cream parlor nearby.” Hindi na ako umalma pa nang hinila niya ako hanggang sa makalabas kami ng university.
“Do you like ice cream?” Tumango lamang ako sa tanong niya.
Ngumiti siya sa akin, “Great, I’ll show you to my secret heaven.”
Manghang-mangha ako pagkarating namin sa ice cream parlor na sinasabi niya.
The place looked like what you saw on TV. The area has a combination of pink, white, brown, and red. There were two-seater, four, and sixth seater seats.
Sa left side may place for picture taking, at sa right side naman may place for unlimited toppings. Hindi ko akalain na may ganitong ka-high class na ice cream parlor nearby our school.
“Ang ganda dito no. Dagdag pa na masarap lahat ng flavors ng ice cream nila.” Tinuro ni Akira ang display ng ice cream sa counter. “This place is perfect,” dagdag niya.
“Yeah, I didn’t even know na may ice cream parlor pala near our school.”
“It’s because all of our classmates, batchmates, and schoolmates prefer to go to bars than here.” Sabay naman kaming natawa sa sinabi niya. “Their stress reliever is partying, while some just want to chill.” Well, that’s true, even my classmates prefer to jam than stay in a serene and quiet place to relax.
“This is my go-to place. Besides a library, of course.” Pabiro niyang sabi.
“This might be mine as well.” I smiled at her.
Sino ba naman ang hindi magbabalik-balik dito. This place will be made you feel like you were back in your childhood days. The vibe here was different from the other café I had been to.
Pinulupot ni Akira ang braso niya sa akin, “That’s good. Lagi na tayong magkikita dito for sure.”
“What flavor do you like? I’ll pay as a sign of my gratitude,” tanong ko sa kaniya habang tumitingin sa menu book.
“Yipeee libre. Galante,” sabi niya habang tinutulak-tulak ako ng pabiro. “ I like their magic flavor.”
Tinignan ko ang menu list pero hindi ko naman nakita ang flavor na tinutukoy niya.
“Silly, of course, it’s not on the menu. Only their loyal customers are knowledgeable about it.” Tumango-tango ako sa sinabi niya. It’s good to know that restaurants offer loyalty menus nowadays.
“I actually made my own set of flavors. You can try it if you want,” patuloy niya sa sinasabi niya.
“Is it on the menu?” Tinignan ko ang mga nakasulat sa menu, pero wala namang kakaibang flavor sa menu.
“Nope. It’s exclusive just for me,” sabi niya habang nakikisilip sa menu book na hawak-hawak ko.
“I always order the same flavors and portions that’s why they already take note of it.” Kung pagbabasihan ang sinabi niya mukhang lagi nga siyang nakatambay rito sa café na ito.
“It’s on me. I should be the one taking our order. As a gratitude of saving me earlier.” Tinaas-taas niya ang kilay niya sa akin na para bang nang-aasar. Maging ang tono niya ay nakakaasar.
Napangiti na lamang ako, at hindi ko na siya pinigilan sa pangbibiro niya. Because looking at her right now I can sense that stopping her would make her more excited of teasing me.
She’s kind of playful for someone famous. I remember now why she looked familiar. She’s Akira Auclair, the sole heir of their family’s architectural film. A known model of luxury brands and a great actress.
Siya lang naman ang babaeng pinagkakaguluhan ng karamihan ng mga lalaki sa university namin. She’s the true epitome of a person with beauty and brains. Besides, talking to her even in just a short period made me know that she’s also a person with a good heart, and she’s more than just a pretty face.
*END OF FLASHBACK*