CHAPTER 55 RIEUKA “What’s your order, Ma’am?” “One Americano and Vanilla Buttercream Cupcakes,” tugon ko. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa office. Wala akong ganang magluto at wala rin akong ganang pumasok. Kaya naman mas pinili kong manatili rito sa coffee shop. Wala akong ganang manatili sa bahay. Takot na baka pumunta na naman doon si Damien at magmakaawa. Ayoko rin namang pumasok sa opisina ko dahil baka bwisitin na naman ako ni Danica. Nagbaon lang ako ng isang putahe na niluto ni Manang para mamayang tanghalian ay may makakain ako. Nang maka-order na ako ay naghanap ako ng isang upuan na malayo sa tao at umupo rito. Tumayo akong muli nang mag-vibrate na ang pager, senyales na nakahanda na ang mga inorder ko. “Here you go, Ma’am.” Inabot sa akin ng waiter an

