CHAPTER 54 RIEUKA Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Roman. Pareho kasi kaming mayroong pasok sa trabaho at kakailanganin pa naming umuwi para makapag-ayos bago pumasok. Pagbaba ko sa may kusina ay nandoon na si Roman kasama si Manang. Nagluluto si Manang habang tinutulungan naman siya ni Roman. Ano kayang meron bakit andami nang niluluto nila. Kung titignan mo ay para bang may handaan sa dami ng iba’t ibang klaseng putahe. “Good morning,” masigla kong bati sa kanilang dalawa. Roman looked up at me and gave a soft smile. Nginitian ko rin siya pabalik. Naglakad ako palapit kay Manang. “Ano po ‘yang niluluto niyo, Manang?” Nilingon ako ni Manang. “Mga pagkain mo, Iha. Para sa ‘yo ang mga ito. Diba’t na-miss mo kamo ang mga luto ko,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko. Inilibot ko

