CHAPTER 49 RIEUKA Kinapa ko ang telepono ko sa aking bulsa nang tumunog ito. Senyales na may natanggap akong mensahe. Mayroon palang isang mensahe sa ‘kin si Akira isang minuto na ang nakalilipas. Binuksan ko ito. ‘See you at the parking lot.’ Inangat ko ang aking ulo at tinignan ang wall clock na nakasabit sa itaas ng pintuan. Mag-aala singko na pala kaya naman pala pinaalahanan na ako ni Akira. Limang minuto na lang bago mag-ala singko pero mas pinili kong gamitin ang limang minutong ‘yun sa pagtratrabaho kaysa sa pag-aayos. Saktong ala singko ay lumabas na ako ng opisina ko. Nagmamadali ako at hindi na ako nakapag-ayos. Baka mamaya ay mainip si Akira na maghintay sa ‘kin. “Abby, I’ll go home now. Pwede ka na ring umuwi,” sabi ko kay Abby bago dire-diretsong lumabas ng opisina.

