Sierra Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. “Enough with your little games, Sierra. You’re not good at pretending.” Sarkastiko at nakangising sambit ni Rafael habang mahigpit siya nakahawak sa pulso ko. Natulala ako sa harapan niya hanggang sa kumulog at kumidlat ulit ng malakas kaya nagulat ako at napayuko ako dahil takot ako sa malakas na ulan. “R-Rafael..” Natatakot kong sambit kaya nagulat ako nung niyakap niya. “Nandito lang ako, Sierra. Huwag kang matakot.” Pagpapakalma niya sa akin. Sabi ko na nga ba at mali ang desisyon ko na pumayag na magpahatid sa kaniya. Ngayon, paano ko sasagutin ang mga tanong niya?! Pagkatapos no’n ay katahimikan ang muling namayani sa buong paligid. Habang nakahinto pa din ang sasakyan namin sa tabing kalsd

