Rafael “Totoo ba to o panaginip lang?” Wala sa sariling tanong ko habang sinusundan ng tingin si Sierra. “Rafael!” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko ang boses ni Lance at paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko siyang nakatayo at takang takang nakatitig sa akin. “Huh?” Kunot noong reaksyon ko. “Bakit tulala ka diyan? Para kang nakakita ng multo.” Sarkastikong tanong pa niya kaya napangisi ako at napailing. “Sierra is here.” Tipid kong sabi kaya nakita kong nagulat siya. “Oh, nakausap mo ba siya? Anong sabi?” Mausisa at sabik din niyang tanong kaya napailing ako. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Hindi niya pa din ako naaalala.” Sarkastikong sagot ko sa tanong niya. “Oh! Sorry-“ “No. Mas mabuti nang ganito.” Seryosong komento ko pa at saka ko siya

