Samantha Napasinghap ako habang nagbabasa ako ng komento ng mga tao sa litrato nina Rafael at Sierra. Everyone is fond of them, kung hindi lang siya anak ni Eduardo, she could be a good use for Rafael’s political ambitions. Napailing ako nung napalingon ako kay Ziggy na abalang kumakain ng breakfast. “Ginagawa na ng anak mo ang gusto mo.” Mariin pero tipid kong sambit sa kaniya, patungkol ko do’n sa nangyari kahapon kina Rafael at Sierra na ni-report lang sa akin ng security ni Rafael. “Dapat lang.” Sarkastiko at may kompyinsang reaksyon ni Ziggy sa sinabi ko. “Kamusta ang pag uusap niyo ni Marina?” Mausisa at kunot noong tanong pa niya sa akin kaya napahinga ako ng malalim. “Sa nangyari noon sa kapatid niya, tingin mo ba hindi niya makukuha ang mensahe ng personal na pagbisita k

