Sierra Para akong tangang nakaupo habang humahagulgol dito sa may waiting shed. Tinawagan ko kasi si Diego at nakiusap ako sa kaniya kung puwede niya akong sunduin kaya heto ako ngayon at naghihintay sa pagdating niya. “Ang tanga tanga mo, Sierra!!” Mariin at inis kong bulong sa sarili ko. Kaslanan ko naman kung bakit ako nagkakaganito ngayon eh. Kung sana nakinig at naniwala lang ako kay Tita, hindi sana ako luhaan ngayon. Ang tanga ko kasing maniwala na ang isang kagaya ni Rafael ay kayang mamahalin at seryosohin ako. “Sierra, Sierra, ayos ka lang ba?!” Napa angat ako ng tingin nung marinig ko nag aalalang boses ni Diego. “Diego, niloko niya ako..” Humahagulgol kong sabi sa kaniya tapos ay nagulat ako nung yakapin niya ako at pakalmahin. “Ang tanga tanga ko..” Dagdag ko habang

