Sierra
Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakalma ko ang sarili ko at hinayaan ko si Rafael na hilahin ako paalis do’n sa restaurant kung nasaan kami. Madami nang tao at marami na din bulong bulungan kaya binilisan ni Rafael ang lakad at napayuko na lang ako.
Nung makarating kami sa parking lot ay hindi na ako nagsalita pa at nagreklamo, sumakay ako agad sa passenger seat nung buksan ni Rafael ang pintuan no’n.
Huminga ako ng malalim at hinintay ko siyang makasakay sa driver seat. “Ano sa tingin mong ginagawa mo, Rafael.” Mariin kong kuwestyon sa kaniya nung pareho na kaming nasa loob ng sasakyan pero nanatili akong nakatingin sa harap at hindi ko siya nililingon.
“Getting you out of that damn lunch with that-“
“Nagpausapan na natin ‘to, hindi ba? Alam mo na magkikita kami bago pa man tayo magkaroon Ng misundersting.” Mariin kong paalala sa kaniya pero isang mahinang halakhak ang narinig.
“Nakita mo ba kung paano siya makatingin sa akin? Habang inaasikaso mo siya?! It’s clear that he’s provoking me and pissing me off.” Mariin at dismayado niyang pagpapahayag.
“Ang punto ko, bakit ka pa dito?! You are not supposed to be here. Bakit mo ako sinundan?! Tignan mo! Ang daming nakakita sa’yo, sa atin?!” Dismayado at emosyonal kong saad sa kaniya dahil naiinis ako sa ginawa niya.
Huminga siyang malalim at umiling. “Sorry.” Mahina niyang sabi kasabay no’n ang sandaling katahimikang namamayani sa aming dalawa.
“Mauna na ako.” Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin tapos ay bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse niya pero pinigilan niya akong muli.
“Please, huwag ka nang bumalik do’n.” Mahinang pakiusap niya pero hindi ako nagpapigil. Nung ipipihit ko na sana pa bukas ay nilock niya yo’n kaya nilingon ko siya at tinignan ng masama.
“Anong ginagawa mo? Buksan mo ‘to!!” Mariin kong singhal at utos pero hindi niya sinunod yo’n.
“Nakita na nilang magkasama tayo. Sa tingin mo hindi ka dudumugin ng mga tao kapag nakita ka nilang bumalik doon?” Mariin niyang kuwestyon sa akin kaya napahinto ako at napaisip. May punto siya, pero pagod na akong makipagtalo sa kaniya. Wala akong magawa kundi sumandal muli sa kinauupuan ko.
“Just go text your FRIEND.” Mariin niyang utos bago paandarin ang sssakyan.
“Saan tayo pupunt-“
“Somewhere.” Tipid niyang sagot habang nakatutok pa din ang atensyon niya sa kalsada.
Habang nasa biyahe kami ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid. “Saan ba talaga tayo pupunta, Rafael? Saan dadalhin?” Mariin at mausisa kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako kinikibo.
“In a place where I felt the happiest.” Walang emosyon niyang sabi sa akin kaya natahamik ako. Nararamdaman ko na ang maaliwalas na simoy ng hangin dahil halos palabas na din kami ng maynila kaya napalingon ako kay Rafael.
“Pupunta tayo sa ancestral house namin sa cavite.” Ngumiti siya at sandaling lumingon sa akin. Maya maya pa ay nagulat ako nung biglang nag-ring ‘yung cellphone ko at nakita ko si Tita Marina na tumatawag. Nanginginig kong sinagot yo’n.
“Sierra! Nasaan ka? Nakauwi na ako pero wala ka dito, hindi ka ba umuwi?” Nag aalalang bungad sa akin ni Tita mula sa kabilang linya kaya natahimik ako at sandaling napalingon kay Rafael.
“U-umuwi po.. pero nag aya po kasing k-kumain sa labas si D-Diego eh.” Nag aalangan at kinakabahan kong sabi sa kaniya.
“Gano’n ba? Sige mag ingat kayo.” Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag nung hindi na siya nagtanong pa.
“She trusts him so much, isn’t she?” Sarkastikong komento ni Rafael matapos kong ibaba ang tawag.
“He’s a friend, you are my boyfriend. Stop being jealous over a friend.” Mariin kong sambit at paalala sa kaniya.
“Dahil kung talagang may gusto siya sa akin ay sana matagal na niyang sinabi yo’n sa akin.” Dugtong ko pa habang tahimik lang siya.
Hindi siya sumagot tapos ay huminto lang siya. “Nandito na tayo.” Malamig niyang sabi tapos ay siya ang naunang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
Hindi maiwasang hindi mamangha nung makita ko ang sinasabi ni Rafael na ancestral house nila. Malaki ito, mansyon at vintage ang design.
“This is our original home.” Sambit niya habang papasok kami sa loob at ninilibot ko ang tingin sa buong paligid.
“Sir Rafael?!” Rinig kong gulat na salubong nung isang lalaki sa amin na palagay ko ay hardinero nila base sa kasuotan nila.
“Na’ko, Good Morning po, Sir! Pero.. bakit po kayo nandito-“
“Manong, puwede ho bang ipahanda niyo kuwarto ko pati ang isa sa mga guest room. And please, call manang Carol.” Nakangiting utos niya do’n kay Manong na agad naman siyang sinunod. Lumingon siya sa akin at nilahad niya ang kamay niya. “Tara na sa loob.” Nakangiting aya niya sa akin.
“Rafael! Anak, anong ginagawa mo dito?” Nagagalak na salubong ng isang babaing sa palagay ko ay nasa 50’s or 60’s na.
“To unwind, I’m so overwhelmed with everything in manila, Manang.” Seryosong ngunit may malalim na pinaghuhugutang sabi nito kay Manang.
“Manang, siya nga po pala, this is Sierra.” Magiliw na pakilala niya sa skin kaya nahihiya akong nakipagkamay do’n sa babae.
“Oh, ako si Manang Carol, hija. Kinagagalak kong makilala ka.” Nakangiti at nagagalak ngang sambit ni Manang Carol sa akin.
“Ang ganda mo naman, Hija.” Nakangiting papuri niya sa akin. “Girlfriend mo siya?” Nagagalak na tanong at baling nito kay Rafael.
Ngumiti lang si Rafael tapos tumango. “Manang, puwede ho habang huwag niyo po sanang sabihin kina Mom and Dad na nandito ako especially na may kasama ako.” Pakiusap nito kay Manang Carol. Napahalakhak naman si Manang at tinapik siya sa balikat.
“Kung yan ang gusto mo.” Nakangiting sabi niya maya maya pa ay nagpaalam si Manang na babalik sa kusina para kumuha ng maiinom namin ni Rafael.
Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at napukaw ng atensyon ko ang mga picture frame na naka-display.
“I have mixed emotions being an only child. Minsan masaya, madalas malungkot.” Napalingon ako sa sinabi ni Rafael.
Muli kong nilapag ang picture niyang hawak hawak ko at saka ko siya nilapitan. “Nandito naman ako ah.” Malambing kong sabi tapos ay niyakap ko siya mula sa likuran niya.
“At nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko. Sierra, alam kong hindi magiging madali ‘to pero sana-“
“I willing put myself into this situation. Handa ako, kaya sana huwag kang mag isip at mag aalala. Naniniwala ako sa’yo kaya sana gano’n ka din.” Emosyonal ngunit mahinahon kong paniniguro sa kaniya kaya humarap siya sa akin at niyakap niya ako.
“Ang suwerte ko sa’yo.” Malambing at pabulong niyang sabi habang magkayakap pa din kaming dalawa at marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Maya maya pa ay nag-ring ang cellphone niya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap at sandali munang sinagot ang tawag.
Lumabas siya ng bahay kaya pinagpatuloy ko ang lilibot sa buong mansyon. Napukaw ng atensyon ko sa isang ni Rafael nung bata pa siya kasama ang parents niya. Mukhang ang saya saya nila nung mga panahon na ‘to. Napangiti ako habang pinagmamasdan yo’n.
“Rafael-“ Napalingon ako at dali dali kong binalik ‘yung picture frame sa kinalalagyan no’n nung marinig ko ang boses ni Manang.
“Ay, Ma’am Sierra! Naghanda po ako ng maiinom.” Nakangiting sambit niya pa sabay lapag nung tray na may nakalagay na pitsel na may lamang orange juice at baso.
“Nasa labas po si Rafael, may kausap lang po sa cellphone.” Sabi ko naman sa kaniya at saka ako na upo do’n sa sala.
“Manang, matagal na ho ba kayo kina Rafael?” Mausisa kong tanong sa kaniya kaya mgumiti siya tumango.
“Simula baby pa siya, nasubaybayan ko ang paglaki niya at nasubaybayan ko siya.” Nakangiting kuwento nito tapos ay naupo siya sa tabi ko.
“Alam niyo ho bang ngayon ko lang nakitang ngumiti ng gano’n si Rafael, kanina nung pinapakilala niya ho kayo sa akin ay abot langit ang ngiti niya.”
“Matagal ko nang hindi nakita ang mga ngiting yo’n.” Paliwanag pa ni Manang kaya napakunot ako ng noo.
“Ano hong ibig niyong sabihin?” Kunot noong tanong ko sa kaniya kaya umiling siya at huminga muna ng malalim bago sagutin ang tanong ko.
“Alam mo ba? Na muntik nang iwan noon ni Ma’am Samantha sina Sir Ziggy at Rafael?” Seryosong sanbit nito kaya napakunot ako noo.
“B-bakit po?” Mausisa ko pang tanong.
“Para sa iba. Kaya nga takot si Rafael na maiwan.”
“Dahil muntik na silang iwan ng mama niya.” Para akong nakatulala habang pinapakinggan ang kuwento ni Manang. Now, I know why he’s acting like that.
“Manang.” Sabay kaming nagulat at napalingon nung marinig namin ang boses ni Rafael.
“R-Rafael, p-pasensya-“
“Ayos lang ho, pero puwede niyo ho ba muna kaming iwan?” Mariin at seryosong tanong ni Rafael sa kaniya kaya naman tumango si Manang at dali daling umalis.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid nung muli kaming maiwang dalawa ni Rafael.
“Hindi ko sinasadyang tanungin ang tungkol sa bagay na-“
“It’s okay..”
“Everyone knew that my parents didn’t love each other but my dad is trying his best for my mom. I was deeply hurt when my dad told me that my mom is planning to leave us for another man, she literally going to left her husband and own son for that damn Eduardo.” Sarkastiko at gigil na sambit ni Rafael sa kaniya.
“Napatawad ko na siya, Sie.. pero masakit pa ding isipin at hindi niya alam na alam ko yo’n. All I know is the name and that and I hate that man for almost ruining our family.” Mariin at may puot na sambit ni Rafael habang kita ko sa mga mata niya ang galit.
Napayuko ako at napailing, that was so sad and traumatic experience for Rafael. The name was so ironic. Naaalala ko noon ang sinabi sa akin ni Tita noon na Eduardo daw ang pangalan ng pangalan ng tatay ko. Impossible naman sigurong magiging iisa at parehas ang Eduardo na tatay ko at ang tinutukoy ni Rafael na lover ng mommy niya..
“May problema ba, Sierra?” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig kong muli si Rafael. Umiling ako at ngumiti. “Basta ako, nandito lanv ako para sa’yo.” Nakangiting sabi ko pa sa kaniya at sako marahang hinaplos ang pisngi niya.
Bahagya akong nagulat nung sunggaban niya ako ng isang mainit na halik. Bagay na hindi ko naman makuhang tanggihan.
Hindi ko alam pero nadadala ako sa mga halik niya. Pinupulot niya ang kamay niya sa bewang ko at kulang na lang ay pumaibabaw siya sa akin habang palalim ng palalim ang bawat halik niya.
“R-Rafael.. Aahh..t-teka lang..” Ungol ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Tapos ay bahagya ko siyang tinulak papalayo.
“N-nakakahiya.. b-baka may m-makakita sa atin..”