Chapter 17

1144 Words
Rafael Napahinga ako ng mallim matapos makaalis nina Sierra at nung Diego na yo’n. Gumaganti ba siya sa akin dahil nakita niya si Isabel dito?! “Rafael, saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?!” Rinig kong reklamo ni Mommy kaya hinarap ko siya. “Hindi ba dapat ako ang magtanong sa inyo, Ma? Ano hong ginagawa niyo dito? May alam ho ba kayo sa paglipat ni Isabel dito?” Mariin pero kalmado kong kuwestyon sa kaniya. Mahina siyang humalakhak at umiling. “Bakit parang galit ka? Come on, tinulungan ko lang naman si Isabel dahil humingi siya ng tulong sa akin-“ “Ma, matagal na kaming wala. Bakit ho ba pinipilit niyo pa din siya sa akin?!” Mariin kong giit sa kaniya kaya nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. “Bakit, hindi? She’s a good choice..” “Not unless, may.. bago ka na.” Sarkastikong sabi niya sabay silip sa likuran ko na para bang may hinahanap. “Yes, Ma. Meron na.” Mataas ang kompiyansa kong sagot kaya nakita ko ang matatalim niyang tingin sa akin. “Kung hindi niyo babawiin ang unit na binigay niyo kay Isabel, ako na lang ang aalis at lilipat ng ibang unit.” Mariin ko pang banta sa kaniya tapos ay tinalikuran ko siya. “Siya ba? Kayo na ba nung Sierra na yo’n?!” Mariing tanong niya kaya napahinto ako. “Oh My God, Rafael!” Dismayadong pag taas niya pa ng boses sa akin pero hindi ko yo’n pinansin at dumiretso ako ng parking lot kung nasaan ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung susundan ko pa ba sina Sierra para kausapin siya. Napapikit ako at napahingang malalim pagsakay ko ng kotse tapos ay mabilis kong inandar ang kotse ko. Habang nasa highway ay naipit pa ako sa kalagitnaan ng traffic. Pagminalas-malas ka nga naman! Napailing ako at napangisi nung magawi ang tingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang sasakyan nung Diego na nakahinto din dahil sa traffic. Nakasarado ang bintana at tinted ang sasakyan niya kaya hindi ko nakita si Sierra sa loob. Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig kong may bumusina ng malakas ang kotseng kasunod ko. Nakita kong mabilis na umandar ang sasakyan ni Diego nung umusad ang traffic kaya dali dali ko silang sinundan. Maya maya pa ay huminto sila sa isang restaurant. Hindi ako bumaba agad dahil hinintay ko muna silang makapasok. Napailing ako nung makita kong maraming tao sa loob ng restaurant kung saan sila pumasok pero wala akong pakielam, gusto kong bantay si Sierra dahil hindi ako mapakaling hindi kami okay at kasama niya ‘yung Diego naman. Halata naman na gusto siya no’n eh! Maaaring kaibigan lang nga ang tingin sa kaniya ni Sierra pero hindi ‘yung Diego na yo’n. Muli kong sinilip ang buong paligid bago bumaba. Bahala na kung may makakilala man sa akin. Pagpasok ko sa loob ay halos wala na vacant seat sa sobrang dami ng tao pero may natanaw akong upuan na katabi lang din ng table nila Sierra kaya sinuot ko ang shades at cap ko tapos ay umupo ako do’n. Kinuha ko ang menu at nagkunwari akong namimili ng order nung makita kong nagawi ang tingin sa akin ni Diego. Siya ang kaharap ko at nakatalikod naman sa akin si Sierra. Hindi ko sigurado kung nakilala niya ko pero hindi ako nag iwas ng tingin sa kaniya hanggang siya na mismo ang bumitaw sa titigan naming dalawa. Napalingon ako sa gilid ko nung marinig kong may mga babaing nagbubulungan. “Siya ba yo’n?” Rinig kong sabi ng isang babae. “Hmm, baka hindi? Baka kamukha lang.” Haka haka pa nung isa sa sa kanilla. “At saka kung siya yo’n. Eh bakit walang kasamang body guard?!” Kunot na sambit pa nila kaya napailing ako at hindi ko na lang sila pinansin. Napasinghap ako nung dumating na ang order nila at makita ko si Sierra na pinagsasalin niya si Diego ng pagkain sa plato nito habang si Diego ay nakangising nakatingin sa akin na para bang nang aasar. Huminga ako ng malalim at inis kong tinaggal ang shade at cap na suot ko. Rinig ko ang muling bulungan ng mga tao sa paligid lalo na nung mga babaing kanina pa nakatingin sa akin. “Sabi sa’yo, siya yo’n eh!” Rinig kong sabi nila pero hindi ko pinansin yo’n at lalapit sana ako kina Sierra nung bigla nila akong harangin. “Hi, Sir Rafael. Puwede po bang magpa-picture?” Nakangiting tanong nila sa akin kaya napahinto ako. “Sure.” Tipid kong sagot pero hindi mawala ang atensyon ko kay Sierra na sa pagkakataong ito ay nakatingin na din sa akin. Nakita ko ang matatalim niyang tingin sa akin kaya ngumisi ako sa kaniya. “Thank you.” Tipid kong sabi do’n sa babae tapos ay nakita ko si Sieera na padabog na bumalik sa pagkakaupo niya kaya napailing ako at napangisi. “Diego, puwede ba tayong lumapit? Masyado na kasing maraming tao dito eh. It’s suffocating.” Rinig kong malakas na sabi ni Sierra kay Diego habang papalapit ako sa table nila. Nung nasa tapat na nila ako ay siya namang tayo ni Sierra kaya hinarangan ko siya. “Let’s go.” Mariing kong sabi sa kaniya tapos ay hinawakan ko ang kamay pero hinawi niya lang ang kamay ko tapos eto namang epal na si Diego ay pumagitna sa amin. “Umalis ka diyan.” Mariin kong utos sa kaniya pero hindi siya umalis. “Hinawi niya ang kamay mo meaning, hindi niya gustong sumama. Learn to comprehend that.” Mariin at sarkastiko niyang sabi sa akin kaya napahalakhak ako. “Sino ka ba para mangielam sa amin?!” Sarkastiko kong kuwestyon sa kaniya. “Kaibigan niya-“ “Kaibigan ka lang, boyfriend niya ako.” Sarkastiko at may kompiyansa kong sabi pero wala akong nakitang reaksyon sa mata niya, sa tingin ko ay sinabi na sa kaniya ni Sierra. “So? Kabago bago niyo pa lang makamando ka, Sierra akala mo asawa mo na.” Mariin at mayabang nitong sabi. “Puwede ba tama na.” Mariing suway sa amin ni Sierra. “Hindi ako aalis hangga’t hindi kita nakakausap, Sierra. Wala akong pakielam sa mga taong nagbubulungan at pinagtitinginan tayo.” Mariin at sarkastikong banta ko sa kaniya kaya napalingon si Sierra kay Diego. “Diego, susunod na lang ako.” Sige. Mauna ka na.” Mahinahong utos niya kay Diego. Kitang kita sa mukha niya ang pag aalinlangang iwan si Sierra. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at hinila ko na si Sierra papalabas sa restaurant. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Sierra habang naglalakad kami palabas at ang daming nakatingin sa amin. “OMG! Sino ‘yung girl? Iyon ba ‘yung rumored gf niya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD