Sierra
Katahimikan ang nabalot sa buong paligid pagkatapos umalis ni Isabel. Kung kanina ay masaya kami ni Rafael, ngayon ay ramdam ko ang tensyon sa pagkitan namin. Sa narinig at nakita ko ay hindi ko na alam kung tama pa ba ang desisyon ko.
Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal, mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niyang bumitaw kahit na pilit ko iyong inaalis ay ayaw niya.
“Sierra-“ Napabuntong hininga ako dahil sa malalim na emosyong nararamdaman ko.
“Magtapat ka..”
“Gusto mo ba ako dahil mahal mo ako o gusto mo lang ako dahil mong makuha ang pagka-“
“Sierra, mahal kita..” Mariing giit ni Rafael at ramdam ko ang malalim niyang paghinga at paghigpit pa lalo ng kaniyang yakap sa akin.
“Sierra, alam kong may nabubuong pagdududa sa’yo dahil kay Isabel. Pero please, paniwalaan mo ako.” Halos maluha luha pa niyang pakiusap pero tahimik lang akong nakikinig sa kaniya at hindi ako nagsasalita. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang mga luha ko para pakalmahin ang sarili ko.
“Sige, susubukan kong kalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Panghahawakan ko ang salita mo.” Walang emosyong sambit ko sa kaniya tapos ay hinarap ko siya ko at niyakap.
Ramdam ko na kahit paano ay napanatag ang loob niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. “Mauna na ‘ko.” Kaswal kong sabi sa kaniya bago ko siya talinuhan. Pero nagulat ako nung hilahin niya akong muli pabalik.
“Please, ihahatid na kita-“
“Alam mong hindi puwede, hindi ba?” Paalala ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis. Sinubukan niya akong pigilan muli pero hindi ako nagpapigil.
Wala ako sa ulirat na naglalakad sa hallway ng unit niya. “Sierra!! Ang tanga mo!!” Naiirita at naguguluhang sabi ko sa sarili ko. Naghihintay ako ng elevator nung biglang bumukas yo’n, sumakay ako at pipindutin ko na sana ang button nung biglang may humarang do’n. Nakita ko si Isabel at natulala ako.
“Hi, you are Rafa’s friend?” Nakangiting tanong niya sa akin kaya nag aalangan at di ako kumportableng tumango.
“A-ah, may kailangan ka ba?” Kunot noong tanong ko sa kaniya pero ngumiti siya at umiling. “Na’ko, wala naman. Kakalipat ko lang kasi eh, magpapatulong sana ako kay Rafael kaso.. nando’n ka pala.” Nakangiting sabi niya habang ako ay seryoso lang siyang pinagmamasdan. So, lumipat siya para makita at makasama si Rafael?? Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong bag. Parang ngayong pa lang ay pinagsisisihan ko na ang naging desisyon ko pero gusto kong magtiwala kay Rafael.
“Nice, at peast di ba? Mayroon kang malalapitan in case of emergency.” Nakangiting sabi ko pa sa kaniya tapos siya namang bukas ng elevator kaya hindi na ako nagpaalam at dali dali na akong bumaba.
Habang naglalakad ako sa lobby ay nataranta ako nung matanaw ko si Ms. Samantha, ang first lady at nanay ni Rafael. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong pinagpapawisan ng malamig nung makita ko siya.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at nagpanggap na nag-c-cellphone nung mapadaan ako sa kaniya pero napahinto ako nung tawagin niya ang pangalan ko. “Sierra?!” Malambing na sabi nito kaya naman nanlaki ang mata ko at nag aalangan akong lumingon sa kaniya.
“Ms. Samantha?! Hello po!” Nakangiting bungad ko sa kaniya tapos no’n ay lunapit siya sa akin at nakipagbeso.
“Nagagalak akong makita ka dito, anong ginagawa mo dito? Dito ka din ba nakatira?” Sunod sunod niyang tanong sa akin kaya mas lalo akong ni-nerbyus.
Umiling ako at ngumiti. “M-may d-dinalaw lang po.” Nauutal at nagdadalawang isip kong sagot sa kaniya.
“Tita Sam!!” Sabay kaming napalingon ni Ms. Samantha nung narinig namin ang sigaw ni Isabel. Lumapit siya sa amin at nakipagbeso kay Ms. Samantha.
“Hija, I’m glad you’re here.” Nagagalak na sabi ni Ms. Samantha.
“I already arranged everything, Tita. Nakalipat na po ako.” Nakangiting sabi naman ni Isabel sa kaniya. Hindi ko alam pero para akong natulala sa harapan nilang dalawa.
“Ah, Isabel. I want you to meet Sierra, you know what? She’s a famous writer.” Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Ms. Samantha. Bigla akong kinabahan, sana ay hindi niya mabanggit na nakita niya ako sa unit ni Rafael.
“I’ve actually met her on the elevator, Tita.” Nakangiting sabi nito habang nakangising nakatingin sa akin.
“Nagagalak po akong makita kayo dito, Ma’am. Mauna na ho ako, may lakad pa ho kasi ako.” Nakangiting paalam ko sa kanila tapos ay tinalikuran ko na sila. Nasa tapat na ako ng entrance nung mapahinto ako dahil narinig ko ang boses ni Rafael.
Paglingon ko ay nakita ko si Rafael na sinalubong ang mama niya. Nagulat siya nung magawi ang tingin niya sa akin habang pinagmamasdan ko sila sa malayo.
Agad akong umiwas ng tingin at nagmamadali akong lumabas. Parang naninikip ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag.
Napahinga ako ng malalim matapos kong makalayo. “Sierra.”
“Sierra, wait!” Mariing tawag niya pa sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nung hindi ako huminto ay hinigit niya ang pulso ko.
“Sierra.” Mariin niyang sabi kaya hinarap ko siya at hinawi ko ang kamay niya.
“IHahatid na kita-“
“Hindi ba sabi ko sa’yo na huwag mo akong susundan?!” Mariin at galit kong sabi sa kaniya pero umiling lang siya at napayuko.
“I’m just worried about you.” Mahina niyang sabi kaya napahalakhak ako ng mahina.
“Worried about me or worried that I might see your mother here togther with that Isabel?!”
“Alam mo bang bagong lipat siya sa tabi lang din ng unit mo?!” Mariin at nagngangalit ko pang sabi sa kaniya kaya natahimik siya at kita sa mga mata niya na naguguluhan siya.
“Sie, hindi ko alam yo’n, wala akong alam do’n!” Deseperado pa niyang katwiran sa akin.
“Okay, sabi mo eh.” Sarkastikong sabi ko sa kaniya tapos ay tinalikuran ko na siya.
Hanngang parehas kami napahinto nung may kotseng bilang huminto sa harapan namin. Diego?!
Napatingin ako kay Rafael na nasa likuran ko at bakas sa kaniya ang gulat nung makita si Diego.
“S-Sierra? A-anong g-ginagawa mo dito?” Nag tatakang tanong ni Diego sa akin at mas lalo pang kumunot ang noo niya nung makita niya si Rafael sa likuran ko. Ang alam kasi niya ay nasa bahay ako at originally, wala naman akong kilala sa lugar na ‘to.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Diego, sa halip ay sumakay ako sa passenger seat niya dahil sa inis ko kay Rafael. Dali dali namang sumunod sa akin si Diego sa loob. “Ano bang msron bakit kayo magkasama ni Sir Rafael?!” Mausisa niyang tanong nung pareho kaming makasakay sa kotse. May dinaanan lang ako tapos nakasalubong ko siya.” Mariin at malakas kong katwiran kay Diego na batid ko na narinig ni Rafael dahil kita ang pagkairita sa ekspresyon niya.
Habang marahang sumasara ang bintana ng passenger seat ay nakikita o sa peripheral vision ko ang matatalim niyang tingin sa amin ni Diego.
“Tara na.” Malamig kong sabi kay Diego bqgo niya muling paandarin ang sasakyan.
Ano bang akala ni Rafael? Na hindi ko siya kayang bitawan? Wala pang isang araw simula nung maging kami pero nakikita ko na agad kung ano ang mga klaseng problema ang kakaharapin namin in the future. Nag iisip nga ako kung tama pa bang hindi ko agad tinapos. Baka mamaya ako lang ang talo sa dulo.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid habang nasa biyahe kami ni Diego at nagulat ako nung bigla siyang magsalita.
“Nagsinungaling ka kanina, hindi ka umuwi sainyo kagabi, pumunta ako pero walang tao.” Natahimik ako sa sinabi ni Diego.
“Ha?”
“Huwag mo nang subukan mag deny. Kilala kita, Sie.” Mariin pang suway ni Diego kaya napabuntong hininga na lang ako.
“Wala ka sa bahay niyo kagabi. Don’t tell me.. magkasama kayo ni Rafael buong magdamag?”