Chapter 15

1584 Words
Sierra Weekend ngayon kaya wala kaming pasok pero kanina pa ako nakatulala sa screen ng laptop ko habang nagluluto ako ng umagahan dahil nanonood ako ng tutorial paano magluto, hindi kasi ako marunong. Nagulat ako nung biglang may yumakap mula sa likuran ko. “Good Morning, Love.” Malambing na bungad ni Rafael sa akin. Nakiliti ako sa paghalik niya sa balikat ko kaya humarap ako sa kaniya. “Love ka diyan!” Singhal ko sa kaniya pero ngumuso siya sa akin at tinasaan niya ako kilay. “Bakit? Hindi ba tayo na?!” Kunot noong tanong niya sa akin pero tumawa ako umiling. “May sinabi ba akong gano’n kagabi?!” Nagmamaang maangang biro ko pa sa kaniya. “Iyong nangyari kagabi! Kailangan mo akong panagutan!” Nakangusong reklamo pa niya kaya natawa ako. “Ay sus, anong nangyari kagabi?! Nalasing ka lang naman at nagsuka! Ang bigat bigat mo! Buti na lang ay nakontak ko si Lance para magpatulong sa pagdala sa’yo dito.” Reklamo ko pa sa kaniya kaya bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Inalagaan mo ako buong magdamag?” Nakangiting tanong niya. “So, ibig mong sabihin.. walang nangyari sa atin?” Curious niyang tanong sa akin kaya ngumuso ako sa kaniya at umiling. “Ewan ko.” Sarkastikong sabi ko sa kaniya tapos ay binalik ko ang atensyon ko do’n sa niluluto. “Hindi ko talaga maalala!” Dismayado niyang komento habang bakas sa itsura niya na nag iisip siya at pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nagulat ako nung hawakan niya ang braso ko at marahan niya akong hinarap sa kaniya tapos pinatay niya ‘yung kalan. “Seryoso ako, Sierra. May nangyari man o wala sa atin kagabi, wala na akong pake do’n. Gusto ko lanh malanan ang sagot mo sa tanong ko kagabi.” Mariin at malalim ang boses niya. Ramdam no ang marahan niyang paghimas sa braso ko tapos ay nagulat ako nung hilahin niya ako papalapit sa kaniya kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. “Can you be mine?” Mapang akit nitong bulong sa tenga ko kaya naman hindi ko maiwasang hindi lumingon sa kaniya. Marahan akong tumango kaya nabigla ako nung sunggaban niya ako ng isang mainit na halik. Sandali siyang huminto at marahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko. “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Sierra.” Hiningal niyang sabi kaya ngumiti ako sa kaniya at hinaplos at inayos ko ang buhok niya. “Hindi ka magsisisi sa desisyon mo.” Nagagalak na bulong niya sa akin bago ako yakapin ng mahigpit. “May hihilingin lang sana ako sa’yo.” Malambing kong sabi sa kaniya nung bumitaw siya sa pagkakayakap. “Ano yo’n?” Nagtatakang tanong niya sa akin habang nakapulupot pa din ang kamay niya sa bewang ko. “Sana, wala munang makaka-alam.” Mahina at nahihiyang pakiusap ko sa kaniya kaya nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya pero sandali siyang napahinto na para bang may malalim siyang iniisip. “Kung.. kung yan ang g-gusto mo.” Nag aalngan niyang pagpayag kaya niyakap ko siya. “Alam mo naman kung bakit ko yo’n hinihiling, hindi ba?” Malungkot kong tanong sa kaniya tapos niyakap niya ako. “Handa akong ipaglaban ka sa kanila, Sierra. Sa tamang panahon.” Malambing niyang bulong sa akin habang marahang hinahaplos ang buhok ko. “Tama na nga ang kaka-drama! Kumain na tayo, nagluto ako.” Pag iiba ko sa usapan tayo ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Nilagyan ko ang isang mangkok ng tinolang manok na niluto ko at hinain ko yo’n sa kaniya. “Baka naman matunaw ako dito ah!” Pabirong hirit ko pa nung makita ko sa peripheral vision ko si Rafael na nakatulala at nakangiti habang sinusundan ako ng tingin. “You’re so gorgeous, Sierra.” Nakangiting sabi niya kaya sandali kong binaling ang tingin ko sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa sinabi niya. “Binubula mo na ako niyan ah!” Nakangiting biro ko sa kaniya tapos ay lumapit ako sa harapan niya at nilapag ang kain at tubig niya. “Tikman mo kung masarap.” Utos ko sa kaniya pero nginisihan niya lang ako kaya tinasaan ko siya ng kilay. “Ano? Bat ganiyan ka makatingin?” Kunot noong tanong ko pa sa kaniya. “Puwede bang ikaw na lang tikman-“ “Aba, Rafael! Loko ka ah!” Singhal ko sa kaniya tapos ay hinagis ko sa kaniya ‘yung Potholder na hawak hawak ko. “Biro lang!” Masaya pa niyang sabi kaya inirapan ko siya. “Ang sarap naman ng nilagang manok mo.” Nakangiting sabi niya pa pagkatapos humigop ng sabaw kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Tinolang manok yan!” Mariin kong pagtatama sa kaniya kaya muntik na niyang maibuga ‘yung sabaw na hinihigop niya. “Ang importante masarap!” Nakangusong sabi niya tapos ay nginitian niya ako kaya napahalukipkip ako at sinamaan ko siya ng tingin. “Sorry na!” Natatawang sabi pa niya tapos ay tumayo siya at niyakap ako mula sa likuran ko. “Masarap naman ang nilaga mo eh-“ Lumingon ako at ngumuso sa kaniya. “Tinola yan!” Nagtatampong sabi ko pa kaya humalakhak siya at pinisil ang pisngi ko. “Kahit ano pa yan, basta luto mo.” Nakangiting sabi pa niya tapos hi balikan niya ako sa pisngi at bumalik sa kinauupuan niya kanina. Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako at kinuha ko yo’n sa ibabaw ng kitchen counter. “Who’s that?” Mausisang tanong ni Rafael kaya napa angat ako ng fingin sa kaniya. “Diego.” Tipid kong sagot tapos ay bumalik ako sa upuan ko pero tinasan niya lang ako kilay. “And?” Sarkastikong tanong niya. “Niyaya niya akong kumain sa labas.” Sambit ko pa sa kaniya kaya kita ko na nag iba ang awra ni Rafael. Napailing ako at natawa sa itsura niya. “Nagseselos ka?” Natatawa at kunot noong tanong ko sa kaniya. “Ako? Magseselos? Eh mas gwapo naman ako do’n sa BFF mo!” Mayabang at may kompiyansa pa niyang sabi kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapahalakhak. Maya maya pa ay sabay kaming napalingon sa pintuan nung may marinig kaming nag-doorbell. Tumayo si Rafael para buksan yo’n. Pagbukas niya no’n ay may isang babaing pumasok at niyakap siya. “Rafael, I miss you.” Nakangiti at sabik na sabi nung babae sa kaniya. “Isabel, ano pa bang ginagawa mo dito?!” Mariing tanong ni Rafael doon sa babae at saka niya ito tinulak papalayo. “Bakit? Lagi naman kitang binibisita, ano naman kung pumunta ako ngayon-“ Napahinto ‘yung babae sa pagsasalita nung magawi ang tingin niya sa akin. “Oh, may bisita ka pala.” Nakangiting sabi niya sabay lapit sa akin. “Who are you?” Nakangiti pero mariin niyang tanong sa akin. “She’s my girl-“ “Sierra, kaibigan ni Rafael.” Nakangiting pagpapakilala ko pa at hindi ko maiwasang hindi siya tignan mula ulo hanggang paa. She look so gorgeous, close to a model. “Oh, nìce to meet you, Sierra.” Nagagalak pa niyang sabi. “I’m Isabel, his girlfriend.” Nakangiti at pagmamalaki pa niyang pakilala sa sarili. “Isabel, enough. Get out here.” Mariin at iritang pigil sa kaniya ni Rafael tapos ay hinila niya ito palabas. Rinig ko ang pag alma ni Isabel pero hinila na siya ni Rafael palabas ng unit niya. Para akong nanghina at napaupo na lang ako matapos makalabas ni Isabel. “Girlfriend.” Sarkastikong ulit ko pa sa sinabi ni Isabel. “Sierra, I’m sorry about that, hayaan mo akong magpaliwanag.” Napa angat ako ng tingin nung marinig ko si Rafael na magsalita. Napahinga ako ng malalim at lingon ko ang buong paligid para hanapin kung nasaan ang bag kong nakalapag sa couch tapos ay tumayo ako at kinuha ko yo’n “Bagay kayo.” Sarkastikong komento ko pa at akmang aalis na sana ako nung biglang lumapit siya sa akin hinigit ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya. “Mali ka nang iniisip. Isabel is an..” Natigilan siya sa pagsasalita na para bang nag aalangan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. “She’s an ex f-fubu, pero wala na kami.” “Matagal na kaming hindi nag uusap o nagkikita kahit nung hindi pa tayo nagkakakilala..” “She’s a fling, nothing serious.” Desperado pa niyang paliwanag. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa lahat ng sinabi niya. Nanginginig ako, gusto kong maluha dahil pakiramdam ko ang bilis bilis kong bumigay sa kaniya. Paano kung hindi din siya seryoso sa akin at iwan niya lang din ako kapag nasawa na siya. Napapikit ako sandali at naramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran ko. Parang akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. “Huwag ka nang magselos o mag isip..” Malambing na bulong pa niya sa akin kaya parang tumaas ang mga balahibo ko at gusto kong itulak siya papalayo sa akin pero hindi ko magawa. “Eh, ako? Ano tayo? Seryoso ka ba talaga sa akin?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya kaya naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin. “Sierra-“ “Gusto mo ba ako dahil mahal mo ako o gusto mo lang ako dahil mong makuha ang pagka-“ “Sierra, mahal kita..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD