Sierra
Limang buwan na ang nakakalipas simula nung nag umpisa akong magtrabaho dito sa Santa Devilla Corp. Maayos at maganda naman ang experience, madali at magaan din katrabaho si Sir Lance at ang iba pang nasa team namin kaya hindi ako nahirapan mag adjust.
Kanina pa ako nakatayo dito sa tapat ng opisina ni Sir Lance dahil may ipapasa akong proposal pero nakita ko si Rafael sa loob kaya nagdadalawang isip akong pumasok. Hanggang ngayon kasi ay kinukulit pa din ako ni Rafael na gusto niya akong ligawan pero iniiwasan ko siya dahil ayokong mapalapit sa gulo at intriga.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nung biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Lance at nakita ko si Rafael na nakatayo sa harapan ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko at napahawak ako ng mahigpit doon sa folder na bitbit ko. Tignan lang ako ni Rafael at hindi siya nagsalita, sa halip ay nilampasan niya lang ako kaya sinundan ko siya ng tingin. “May problema kaya siya? Mukha kasi siyang malungkot at wala sa sarili, himala din na hindi niya ako pinansin at binati man lang. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako sa loob ng opisina ni Lance para ipasa ang proposal na hinihingi niya sa akin at nang makauwi na din.
“Sir?” Tumawag ko kay Lance kaya napaangat siya ng tingin sa akin.
“Iyong proposal po.” Kaswal kong sabi kaya kinuha naman niya yo’n.
“Rafael is not well right now.” Rinig kong sabi niya kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
“A-ako po ba ang kausap niyo, Sir?” Nauutal kong tanong kaya tinasaan niya ako ng kilay.
“Tayo lang naman ang nandito, Sierra.” Sarkastikong sagot niya tapos ay nilapag niya ‘yung binabasa niyang proposal sa table.
“Mukha naman hong matatag si Sir Rafael. Sigurado ho akong malalampasan niya rin ho kung anuman ang problema-“
“Alam ko, pero kailangan niya ng tao na makakaintindi sa kaniya. At sana, huwag mo siyang itaboy Sierra. Alam kong nararamdam mo na sincere siya. Alam kong nakikita mo yo’n.” Seryoso niyang sambit kaya natahimik ako.
Totoo maman, ramdam ko ang sincerity at consistency ni Rafael sa loob ng tatlong buwan pero natatakot kasi ako na sumugal lalo na sa kagaya niya. Na appreciate ko din ang paghanga niya sa akin, ni minsan hindi ko inisip na mayroon akong magiging manliligaw pero sa ngayon, malabo ang maging kami. Baka maging komplikado ang sitwasyon namin.
“Mauna na ho ako, Sir.” Paalam ko pa sa kaniya, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dali dali akong lumabas sa opisina niya.
Habang nag aayos ng gamit ay nakatanggap ako ng text muna kay Diego na mauuna na raw siyang umuwi dahil may emergency daw sa bahay nila kaya napahinga ako ng malalim at napailing. Hay, mag isa na naman akong b-biyahe pa uwi.
Kahit natatakot ay sumakay ako ng elevator mag isa, halos wala na din kasing tao dahil gabi na at lagpas na ng oras ng uwian. Nag overtime lang kasi talaga ako dahil tinapos ko ang mga dapat kong tapusin ngayong linggo.
Napapikit na lang ako hanggang sa bumukas ang elevator at nasa lobby na ako nung makatanggap ako ng text message mula kay Tita na baka hindi raw siya makauwi ngayong gabi dahil na-extend ang out of the town ng boss niya kasama siya dahil personal assistant siya nito. Tinatamad akong magluto ng kakain ko paguwi kaya naisipan kong dumaan muna sa convenient store na katabi lang din ng building para bumili ng makakain.
Dumiretso ako sa mga ready meals at namili ako ng drinks at saka ako pumili sa cashier pero para akong natulala nung makita ko kung sino ‘yung nagbabayad sa cashier. Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko, aalis ba o tatalikod. Napaatras ako ng konti mula sa likuran niya pero natanaw ko kung ano ‘yung mga binili niya. Puro canned beers yo’n, halos bente piraso din.
Nagulat ako nung bigla siyang humarap sa akin, para akong nanlamig at napako ako sa kinatatayuan ko nung nagtama ang mga mata naming dalawa. “R-Rafael.” Bulong kong tawag sa pangalan niya. Gaya kanina ay hindi niya ako kinibo at nagpatuloy lang siya sa paglalakad na para bang wala siyang nakita, nilampasan niya lang ako ulit.
Naalala ko ang sinabi ni Lance kanina kaya napalingon akong muli kay Rafael na papalabas na ng store. Dali dali kong nilapag ang mga bibilhin ko sana sa cashier at tumakbo ako para habulin si Rafael.
“RAFAEL!” Mariin kong sigaw sa kaniya mula sa tapat ng convenient store kaya napalingon siya sa akin nung akmang sasakyan na sana siya sa sasakyan niya.
“Ano bang problema mo?! Kanina ka pa ha! Hindi mo ako pinapansin.“ Mariin kong sumbat sa kaniya pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.
“So?” Kunot noong tanong niya kaya natahimik ako.
“Anong problema kung hindi kita pansinin? Sa nakalipas na tatlong buwan, ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang lumayo ako sa’yo.” Mariin at sarkastiko niyang sabi.
“Oo.. pero-“
“Sierra, umuwi ka na, gabi na.” Malamig niyang sambit sa akin tapos ay akmang sasakay na muli siya sa kotse niya pero pinigilan ko siya.
“Saan ka pupunta?” Emosyonal kong tanong.
“Unwind.” Tipid niyang sambit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit ako sa kaniya at hinampas ko ang balikat niya.
“Sasamahan kita, nandito lang ako kung kailangan mo ng kasama, kung kailangan mo nang kausap. Hindi na kita itataboy. Huwag mo akong iwasan!” Emosyonal ko pang sambit sa kaniya kaya mamaya hinawakan niya ang mga kamay ko para pigilan ako.
“Let’s go.” Mariin at seryosong niyang sabi tapos ay hinila niya ako papunta sa passenger seat.
“Sigurado ka bang gusto mong sumama sa akin?” Paninigurong tanong pa niya bago bumuksan ang pintuan ng passenger seat.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya at saka niya binuksan ang passenger seat kaya agad naman akong sumakay.
Sumonod siya at dumiretso sa driver seat tapos ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero bahala na! “Thank you.” Basag niya sa katahimikan naming dalawa pero nakapako pa din ang tingin niya sa daan.
Hindi ako umimik ang binaling ko na lang ang tingin ko sa harapan ko. Wala akong makita sa bintana dahil tinted ang sasakyan niya. Makalipas ang bente minuto ay narating na din namin ang destinasyon namin.
Natulala ako sa ganda ng lugar kung nasaan kami ngayon. “Ang ganda naman dito, napakatahimik at sariwa ang simoy ng hangin.” Nakangiting komento ko matapos kong pagmasdan ang buong paligid.
“Kita ang city lights pero natahimik, malayo sa ingay.” Rinig kong komento pa ni Rafael.
“Lagi ka ba dito?” Kunot noong tanong ko sa kaniya pero napailing ako nung lingunin ko siyang muli dahil bukod sa canned beers na bitbit niya ay may dala din siyang picnic blanket.
“Obviously ba?” Nakangiting tanong niya nung makita niyang nakatingin ako do’n sa blanket na bitbit niya. Inayos niya yo’n at nilapag ang mga inumin na binili niya.
“You better drink too, it’s cold here, isn’t?” Sarkastiko suhestyon at tanong niya sa akin tapos ay inabutan niya ako ng isang bukas na canned beer kaya naupo ako sa tabi niya.
“Bakit ka nga pala, umiinom mag isa dito? Mqy problema-“
“Marami, you know what? Being the president’s son is not easy. It has a lot of consequences, we cannot have a normal life.” Sarkastikong pagbabahagi niya pa habang ako tahimik lang na nakikinig sa kaniya.
Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Napansin niya yata na nilalamig ako kaya hinubad niya ang suot niyang jacket at pinatong yo’n sa balikat ko. I lean my head in to his shoulders at hinayaan niya lang ako.
“Bakit sa dinami dami, ako pa ang gusto mong i-pursue kahit na alam mong hindi naman ako galing sa mayamang pamilya at higit sa lahat ayaw sa akin ng parents mo. Pero ito ka pa din..” Mahinang tanong ko sa kaniya at wala akong ibang narinig kundi ang mahinang paghalakhak niya lang.
“I don’t know. The moment I see you, I just know.”
“Alam mo ba kung bakit kita niligawan agad?” Nakangiting tanong niya.
“Hhmm.”
“Dahil alam kong wala yo’n sa tagal, ayokong mag aksaya ng oras.” Mahinang bulong pa niya sa akin kaya umayos ako ng upo at nag angat ako ng tingin sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko namalayan na unti unti nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Gusto ko siyang itulak papalayo pero napako ang tingin ko sa malalambot niyang labi. Hanggang sa marahan niya akong hinalikan. Gustuhin ko mang bumitaw at itulak siya papalayo pero hindi ko magawa.
“Be mine, Sierra. Akin ka na lang.” Mapang-akit niyang bulong sa tenga ko kaya hinila ko pa siya papalapit sa akin at marahan ko siyang hinalikan at ni hindi man lang niya ako pinigilan.
Ramdam ko ang kamay niyang marahang humahaplos sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit pero panatag ang loob kong kasama siya.
“R-Rafael.” I whispered while his kisses went down to my neck. Para akong nababaliw at nawawala sa katinuan. “Can you be my girlfriend?” Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at nung nag baba ako ng tingin sa kaniya ay kita ko ang mata niyang nangunusap. Marahan niya akong hinalikan muli sa labi kya pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya.
“Let’s just forget everything tonight, R-Rafael..”