Chapter 13

1859 Words
Sierra Kakatapos ko lang mag ayos dahil ngayong araw ang first day ko sa trabaho. Napahinga ako ng malalim matapos kong pagmasdan ang naka-flash sa screen ko. Blind item yo’n tungkol kay Rafael at sa isang mystery girl, base sa litrato alam kong ako yo’n dahil litrato namin yo’n nung gabing pumunta kami sa club. Napalingon ako sa may pintuan ng kuwarto ko na iwan kong nakabukas nung marinig kong bumukas ang main door namin at nakita ko si Tita na dumaan lang sa kuwarto ko. Ilang araw na siyang gano’n, hindi niya ako pinapansin dahil kay Rafael. Masama ang loob niya dahil iniisip niya nakikipagmabutihan ako sa anak ng presidente kaya heto, hindi niya ako pinapansin. Sana lang ay hindi niya makita ang article online dahil may ibang kuha na kita ang mukha ko kahit na malabo ay halatang ako yo’n. Dali dali kong kinuha ang bag ko at saka lumabas ng kuwarto, dahan dahan pa akong naglakad para hindi ako mapansin ni Tita pero nagulat ako nung bigla siyang magsalita. “Kumain ka na ba?” Kunot noong tanong niya sa akin. Huminto ako at lumingon sa kaniya tapos ay umiling ako. “S-sa opisina na po.” Nauutal kong sagot sa kaniya. Hindi siya kumibo sa halip ay nilapag niya lang sa harapan niyang ang isang lunch box at tumbler. Pagdabog niyang nilapag yo’n sa table at saka umalis. “Baon mo.” Walang emosyong sambit niya tapos ay dumiretso na siya sa kuwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag nung makaalis siya, hindi ako sanay na ganito kami ni Tita. Nagi-guilty ako dahil alam kong kasalanan ko din naman. Kinuha ko ‘yung baonan at tumbler tapos ay umalis na ako. Hindi ako puwedeng ma-late dahil first day ko ngayon, nakakahiya. Habang nag aabng ng jeep na masasakyan ay nagulat ako nung may bumusina sa likuran ko at nakita ko si Hannah. “Teh, sakay na.” Sambit niya sa akin kaya napangiti ako at agad naman akong dumiretso sa passenger seat. “First day mo ngayon?” Mausisang tanong niya nung makasakay ako sa tabi niya tapos ay muli niya nang pinaandar ang sasakyan niya. “Oo.” Tipid kong sagot at natahimik na lang ako bigla dahil iniisip ko si Tita. “Hulaan ko, hindi pa din kayo okay ni Tita?!” Sambit na hula ni Hannah kaya mapalingon akong muli sa kaniya. “Oo eh, galit pa din siya.” Malungkot kong sabi sa kaniya kaya nakita kong napailing siya. “Eh paano yan? Mas lalo siyang magagalit ka ba nakita niya ‘yung blind item? Everyone is curious about you right now.” Sarkastikong komento pa ni Hannah kaya napasinghap na lang ako. “Baka mas lalo niyang ma-misinterpret ang sitwasyon. Kung bakit ba naman kasi laging nak-krus ang landas namin ni Rafael eh.” Walang ganang sabi ko sa kaniya at napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, nagsisisi ako na umattend pa ako sa curtesy call na yo’n eh.” May halong pagsisising sabi ko sa kaniya. “Ano ka ba, may maganda namang nangyari di ba? You got accepted sa work kahit wala ka pang months graduate and that’s a good thing.” Nakangiting pag paalala naman sa akin ni Hannah. Tama siya, pero naman kasi, bakit ba simula na lang nung curtesy call ay madalas ko na nang nakakasalamuha si Rafael. Sa kakachika namin ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng workplace ko. “Oh, paano? Good luck sa first day mo ah!” Sambit at paalam ni Hannah sa akin bago niya ako iwan mag isa. Napatingala ako habang pinagmamasdan ang buong building. “Kaya ko ‘to, sana maging maayos ang first day ko.” Cheer up ko pang bulong sa sarili ko. Nasa lobby lang ako ay kita ko na kung gaano ka abala ang mga tao sa umagang ito. “Ms. Valencia!” Rinig kong may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko ay nakita ko ‘yung babaing nakausap ko during interview. “Hi po, Good Morning!” Nakangiting bati ko sa kaniya. “Hi, I’m Rain, nice to meet you.” Nakangiting pakilala niya sa akin tapos ay nakipagkamay siya. “Oo nga pala, natanggap mo ba ‘yung email ko?” Kunot noong tanong niya kaya tumango naman ako. “Instead na sa HR department, sa marketing team ka pinapalipat ni Sir Renzo.” Pagbibigay alam niya pa sa akin kaya naman ngumiti ako at tumango. “Natanggap ko po, medyo kinakabahan lang.” Nakangiti pero nag aalangang sabi ko pa. “Don’t worry, t-train ka naman daw ni Chief.” Nakangiting sabi kaya hindi ko maiwasang hindi ma-curious. “Sino ba ‘yung chief marketing officer? Mabait ba siya oh-“ “So Sir Lance, kapatid ni Sir Renzo.” Nanlaki ang mata ko at medyo kinabahan ako. s**t! I mean, alam kong mabait naman si Lance pero nakakahiya! What if I didn’t perform well and I couldn’t reach their expectations?! “Mabait naman si Sir Lance, approachable. Same sila ni Sir Renzo kaso syempre kapag work eh strict talaga sila.” Kuwento pa no Rain sa akin tapos ay sabay na kaming sumakay sa elevator pero hindi pa man sumasara ‘yung elevator ay biglang may humabol. Si Diego!! “Ui, Late ka na!” Pabirong hirit ko nung makita ko siya pagsakay niya ng elevator. “Oo nga, kaltas na naman yan sa sahod mo!” Pabirong komento naman ni Rain sa tabi ko. “Deadma, trafficking eh.” Natatawang sabi naman ni Diego. “Ready ka na ba, Sie?” Rinig kong kunot noong tanong ni Diego. “Hindi kayo under ng same team, nalipat siya sa Marketing Department.” Singit naman na sabi ni Rain kay Diego. “Huh? Bakit?” Mausisang tanong pa niya pero parehas lang kaming umiling ni Ms. Rain dahil maging siya hindi niya din alam ang sagot. “I don’t know, una na ako. Sierra, 9th floor ka ah. Exclusive yo’n for marketing team and as well as for the COO which is Sir Renzo.” Nagmamadaling bilin ni Rain bago siya bumaba sa 4th floor. “Diba under kay Sir Renzo so dapat same floor tayo, bakit dito ka baba?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. “May pinapaasikaso si Sir sa’kin, wala pa siya si Sir Lance palang ang nandiyan.” Nagmamadaling sabi pa niya bago siya tuluyang bumababa. Sandaling nabalot ng katahimikan ang kapaligiran namin ni Diego nung maiwan kaming dalawa. “Ikaw ba ‘yung nasa news na mystery girl kasama ni Mr. Hernandez sa club?” Mausisang tanong niya at basag niya sa katahimikan naming dalawa. “Oo. Pero mali ‘yung nakalagay sa blind item dahil wala naman namamagitan sa amin.” Pag amin ko pa pero napailing siya at napasinghap. “Now you understand why Tita Marina is acting like that, Sie. Remember, being close the president son’s will bring no good for you.” Mariin at seryoso niyang sabi sabay buntong hininga niya. “Alam ko yo’n, Diego. Hindi ko din naman ginusto na mapalapit sa kaniya, sadyang may mga pangyayari lang na naglalapit sa amin.” Nakangusong sambit ko pa na may halong pagkadismaya. “But you can choose to avoid.” Seryosong sambit ni Diego. Kaya napailing ako, ngayon pa ba? Ngayon pa ba? Eh, ang may ari ng kompanya kung na saan kami ngayon ay best friend ni Rafael. “I’ll do my best.” Pabulong ko pang sabi sa kaniya at sabay no’n ang muling pagbukas ng elevator. Bumaba siya sa 7th floor kaya naiwan akong mag isa dito. Napahinga ako ng malalim nung maiwan ako mag isa, maya maya pa ay bukas na din ang elevator kaya dali dali akong bumaba. Muntik na ako mapatalon sa gulat nung narinig kong may tumawag ng pangalan ko. “Sierra, welcome to the team!!” Nung napalingon ako sa katabi elevator nung binabaan ko na elevator ay nakita ko si Lance. “Good Morning, Sir.” Nakangiting bati ko sa kaniya. “Kamusta ka na?” Kunot noong tanong pa niya. “Nakita ko din ‘yung blind item.” Pabirong bulong pa niya sa akin kaya nahiya ako. “Anyways, lilipas din yo’n. Huwag kang masyadong mag alala.” May kasiguraduhang sabi niya pa sa akin. “Siya nga pala, since this is your first day. Observe ka lang muna sa mesting later and I’ll give you some documents to review.” Pagbibilin pa niya sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Lance ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko na nag message si Rafael sa akin. s**t! Oo nga pala, naibigay ko nga pala sa kaniya ang number ko. “Good Morning, Ms. Author.” “Can we talk? I just want to apologize for that blind item..” Sabi niya sa text message niya sa akin. “Sierra?” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig kong tawagin ako ni Sir Lance kaya agad ko siyang sinundan. “Here.” Abot niya sa akin ng ilang dokumento. “Aralin mo muna yan, just text me if you have questions. I’ll be out early kasi.” Bilin niya sa akin habang inaayos ang mga papel na nasa table niya. Sabay kaming napalingon sa pintuan nung biglang bumukas yo’n at nakita namin si Rafael. “Hi.” Nakangiting bungad niya sa akin habang si Lance eh tinasaan lang siya ng kilay. “Ang aga mo naman, pre.” Sarkastiko sabi ni Sir Lance sa kaniya. “I wanted to talk to your new employee, can I?” Seryosong tanong niya habang sa akin nakapako ang tingin niya. “If’s up to her.” Kaswal na sabi ni Lance sabay tingin sa akin. “Ms. Sierra?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Mauna na ako, hintayin na lang kita sa lobby. Rafael.” Sambit ni Sir Lance bago kami iwan dito. “I just want to apologize-“ “Kung talagang gusto mong makabawi, lalayuan mo na ako.” Mariin at seryosong sabi ko sa kaniya. “Lilipas din ho ang bali-balita lalo na kung wala namang katotoohanan.” Katwiran ko pa sa kaniya pero nabalot lang ng katahimikan ang buong paligid. “Paano kung ayoko.” Walang emosyong sabi niya kaya tinasaan ko siya ng kilay. “Ayaw mo na ano?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. “Na layuan ka.” Parang nangungusap ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin ng diretso kaya naman agad akong umiwas ng tingin. “Hindi ko ho alam kung anong rason niyo pero pakiusap lang. Kung talagang sa maikling panahon na pagkakilala natin sa isa’t isa ay tinuring mo na ako na kong kaibigan ay gagawin mo ang mas nararapat at mas nakakabuti.” “Ang totoo, ayoko hong ma-involve sa magulong mundo ng pulitika.” Mariing giit ko pa sa kaniya bago ko siya talikuran. Aalis na sana ako nung magsalita siyang muli. “Gusto kitang kilalanin at gusto kong mapalapit sa’yo dahil gusto kita, Sierra.” Gusto niya ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD