Chapter 12

1166 Words
Samantha I took a deep sigh and shook my head while looking at the headline written on the news about Rafael and that a mystery girl which I include to be that Sierra. “So, he was with her in the club the other night.” Sarkastikong komento ko habang pinagmamasdan ang litrato nilang dalawa. Napalingon ako nung biglang bumukas ang pintuan ng silid kung nasaan ako at nakita ko si Ziggy na mukhang galit na galit. I guess he saw the news too. “Have you seen the news?!” Mariing tanong niya sa akin kaya napangisi na lang ako at saka ko hinigop ang mainit na kape na nasa harapan ko. “May alam ka ba do’n?” Ulit pang tanong ni Ziggy kaya huminga akong malalim at nag angat ako ng tingin sa kaniya. “Of course not.” Mariin at sarkastikong tanggi ko. “It was that Sierra, siya ‘yung babaing kasama ng anak mo diyan sa litrato.” Mariing pahayag niya kaya naman napangisi ako na para bang kunwari eh nagulat ako sa sinabi niya. “You better stop your son from being close with that girl, Samantha.” Mariin niyang banta sa akin kaya napahalakhak ako. “And why? She seems nice, you seemed so fond of her when she had curtesy call here.” Sarkastikong paalala ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Just like how you are very fond of her father?!”Mariin at sarkastikong paalala ni Ziggy sa akin kaya unti unting nawala ang ngiti sa lani ko at matalim ko siyang tinignan. “Bakit mo ko tinitignan ng ganiyan? You think I didn’t know that he was his daughter?!” Mariin at sarkastikong bunyag niya sa akin. So, he did a background check of that Sierra without telling me?! “Ziggy!” I shouted at him, warning him to stop speaking. “I’m warning you, Samantha. Never let our son to be close with that girl or else-“ “Or else, what?” I firmly asked. “Alam mo ang sagot sa tanong mo, Samantha.” Sarkastikong paalala ni Ziggy sa akin bago niya ako talikuran. “I can’t stop our son from doing such things. We cannot teach him who to like-“ “Stop acting like a concern and good mother, Samantha. We all know, you are not that good mother like how you portray yourself in public.” Sarkastiko at mariin niyang sambit sa akin. Habang matatalim ang tingin niya sa akin kaya diretsahan ko din siyang tinignan. “Bakit, Samantha?!” “Hindi mo na ba naalala? How you attempted to leave us for another man before.” Mariin niyang sumbat sa akin kaya napayuko ako. “But it didn’t happened.” Mahinang giit ko pa sa kanila at kita kong napayukom siya ng kamao dahil sa sinabi ko. “Because I take action immediately.” Mariin at sarkastiko niyang paalala. “Matagal ko nang pinagsisihan ang bagay na yo’n, hanggang ngayon ba, hindi mo pa din ako napapatawad?” Emosyonal kong tanong sa kaniya. “Meeting that girl brought back everything, seeing her being close with our son is unacceptable for me, Samantha.” Mariing giit niya pa sa akin kaya natahimik. “Huwag kang mag aalala, parang hindi mo naman kilala ang anak mo. He’s just enjoying his life. I don’t think he would take that girl seriously.” Walang kasiguraduhang pag paalala ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at sa halip ay nilayasan niya ako. Para akong nanghina makaalis siya. It’s been 22 years and yet, the past is still hunting me. Kasalanan ‘to ni Eduardo, kung sana nagtagumpay kami noon sa plano namin edi sana wala na ako ngayon sa ganitong sitwasyon. Napabuntong hininga ako at pinunasan ko ang mga luha ko, napaangat ako ng tingin nung makita kong biglang bumukas muli ang pintuan at doon ko nakita si Rafael. “Ma?!” “Are you crying?” Mausisang tanong niya tapos ay lumapit siya sa akin para makipag beso. Umiling ako at ngumiti. “No.” Tipid kong sagot. “May kailangan ka ba?” Mausisa kong tamong sa kaniya tapos ay lumapit ako sa kaniya para ayusin ang kuwelyo ng damit niya. “Wala naman po, Ma. Punta ako kasi tinawagan ako ni Dad.” Nakangiting sagot niya sa akin. “About what?” “Have you seen him?” Kunot noong tanong ko pero umiling lang siya. “Ma, come on, may problema ka ba? Nag away ba kayo ni Dad?” Mausisang niyang tanong sa akin kaya mapait akong ngumiti. “About the news, anak.” Bakas sa mukha niya ang bahagyang gulat nung marinig ang sinabi ko. “You fought over a silly rumor?” Sarkastikong tanong niya sa akin tapos ay mahina siyang humalakhak. “Anak, be honest with me.” “Are you seeing that Sierra?” Mariin kong tanong sa kaniya kaya sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid na para bang nagdadalawang isip siyang sagutin ang napaka simple kong tanong. “Ma..” Mahina at nag aalangang sambit niya. “Anak, don’t you dare lie to me. Kilala kita.” Mariin kong paalala sa kaniya pero napayuko lang siya at humingang malalim. “Ang totoo…” “I think I like her.” Nakangiti ngunit nahihiyang bulong ni Rafael at bakas sa mga mata niya ang saya. Napasinghap ako at napailing dahil sa narinig ko. Of all peoples bakit siya pa ang pinili ng anak kong gustuhin?! I never seen him this way, he seems so genuine. I felt so guilty for taking that happiness and excitement away from him. “Tumawag ang daddy mo sa’yo dahil sa balitang kumakalat, about you and that Sierra, anak. He’s.. he’s furious about that.” Mariin kong pagtatapat sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at pagkalito. “Ma, hindi ko maintindihan.” Naguguluhan niyang sabi. “Bakit ganiyan na lang ang reaksyon niyo kapag pinag uusapan si Sierra. She’s just-“ “Anak, puwede bang makinig ka na lang sa amin ng daddy mo.” Mariin kong pakiusap sa kaniya. “Makinig? Hindi, hangga’t wala kayong rason. Nakakadismaya na pinalalayo niyo ako sa kanila ng hindi niyo masabi ang rason niyo. Kahit ang tita ni Sierra ay ganiyang din ang reaksyon kaya hindi mo ko masisi kung magtanong ako. Dahil gusto kong malaman ang totoo.” Mariin at dismayado pa niyang kuwestyon sa akin. “Anak, wala akong ibang gusto kundi ang makakabuti sa’yo, pinoprotektahan lang kita-“ “No, you’re not protecting me.” Sarkastiko sambit pa niya. “You are protecting yourselves.” Mariin pa niyang sabi habang pinagmamasdan ko lang siya. Kung puwede ko lang ipaliwanag sa kaniya at sabihin ang lahat, ginawa ko na. Pero ayokong kamuhian niya ako kapag nalaman niya ang totoo at ang mga nangyari noon. “Ma, ako naman ang magtatanong. May tinatago ba kayo sa amin? Mayroon ba akong kailangang malaman, Ma?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD