Chapter 11

1378 Words
Rafael “Sir, ayos lang ho ba talaga kayo?” Napalingon ako sa tanong ni Ryan. Nandito kami ngayon sa hospital dahil nawalan ng malay si Sierra nung na-locked up kami sa elevator. “Sir, 100,000 po.” Rinig kong sabi nung cashier na kausap ko tungkol do’n sa bill ni Sierra at agad kong inabot sa kaniya ‘yung card. Napahinto ako nung mapansom ko si Diego na papalapit sa amin. “Sir, ayos na ho ba kayo?” Mausisang tanong nito sa akin. “Yeah, how’s Sierra?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. Napansin kong napailing siya at napabuntong hininga. “Stable naman na daw po siya sabi nung doctor pero hindi pa ho siya nagigising.” Nanlulumong paliwanag nito. Napalingon ako sa cashier nung iabot niya sa akin ang receipt tapos ay bumaling ako kay Diego at inabot yo’n sa kaniya. I saw the surprised reaction on his face when I handed him the receipt. “Binayaran niyo na ho?” Gulat niyang tanong at napatingin siya sà receipt na hawak ko. “It’s just nothing, Sierra is like a great acquaintance to me so, I don’t want her to think about it later on.” Nakangiting sabi ko sa kaniya. “Can I see her?” Tanong ko pa sa kaniya pero biglang sumingit si Ryan sa usapan namin. “Sir, Mommy niyo po, tumatawag.” Natatarantang sabi niya sa akin kaya kinuha ko ang cellphone mula sa kaniya para sagutin ang tawag. Hindi ko pa man natatapat ang cellphone ko sa tenga eh rinig na rinig ko na agad ang sigaw ni Mommy sa kabilang linya. “My God, Rafael! What happened to you?! Are you okay?!” Mariin pero nag aalalang tanong ni Mommy sa akin. “Ma, I’m okay. Relax.” Pagpapakalma kong sabi sa kaniya tapos ay nabaling muli ang tingin ko kay Diego na nagmamadaling tumakbo papapunta sa hospital room ni Sierra. “Ma, I’ll call you back.” Nagmamadaling paalam ko kay Mommy sabay baba ng tawag tapos ay sinundan ko si Diego. Nung makarating ako sa tapat ng kuwarto ni Sierra ay nakita kong nagising na siya. Papasok sana ako para kamustahin siya pero napahinto ako nung magsalita si Diego. ““Sie, ayos ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo?!” Nag aalalang tanong nito kay Sierra na bakas sa mukha ang pagkatataka. “A-anong ginagawa ko dito?” Naguguluhan niyang tanong kay Diego. The way he look at her, he was worried for her, says alot. “You were trapped in an elevator with Mr. Hernandez at pagbukas nung elevator, we found you unconscious.” Paliwanag ni Diego sa kaniya kaya bakas ang pag alala sa reaksyon niya. I don’t know but I was touched when she asked about me. “Si R-Rafael, nasaan siya? Kamusta siya?” Pag aalalang tanong niya tungkol sa akin kaya hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako dahil do’n. “Ayos lang siya, Sierra.” I see the relief in her eyes when Diego assured her that I am alright. I was about to enter the room and show up when I saw her aunt approaching. I stepped back and stand still. “Sierra, where’s Sierra?!” Tarantang tanong ng Tita ni Sierra tapos ay pumasok siya sa loob ng hospital room kung nasaan sina Sierra at sa sobrang taranta niya eh hindi niya ako napansin. Bakas sa mukha ni Sierra ang pagkabigla nung makita ang Tita niya na nag aalala sa kaniya. “Sierra, ayos ka lang ba, anak?!” “Ano ba kasing nangyari?!” Nag alala at naiiyak na tanong nito kay Sierra. “Tita, nawalan lang po ng malay si Sierra dahil na locked up po sila sa elevator pero sabi naman po ng doctor na ayos lang-“ “Alam mo naman na may hika si Sierra, paano kung hindi lang yan ang nangyari?!” “At saka sila? Sinong kasama niya?!” Mariin at takang tanong nito kay Diego nung magpaliwanag ito sa kaniya. “Si Rafael Hernandez po.” Kaswal na sagot ni Diego at do’n ko nakita na nag iba ang awra niya nung marinig ang pangalan ko. “Anong ginagawa mo kasama ang lalaking yo’n?!” Mariing baling at tanong niya kay Sierra na tahimik lang at halatang kinabahan. “H-hinatid niya po ako.. at saka-“ “Hinatid?! Sierra naman! Sinabihan na kita, hindi ba? Binalaan na kita tungkol sa paglapit lapit mo sa anak ng presidente tapos ito? Malalaman ko na kasama mo siya?!” Dismayado at mariing sermon ni Marina sa pamangkin niya habang ako nakikinig lang at nakatulalang pinagmamasdan sila mula sa labas ng kuwarto ni Sierra. “Tita.. si Sir Rafael nga po pala ang nagbayad nung bills ni Sierra.” Singit ni Diego na lalong kinagalit nito. “Ano?” “Bakit mo naman hinayaan?! Magkakaroon pa tayo ng utang na loob sa kanila! No, hindi puwede.” Mariin at dismayado niyang sabi at akmang labas na sana siya sa silid ni Sierra nung makita niya akong nakatayo sa tapat ng pintuan. Bakas sa mukha niya ang gulat nung makita ako maging sina Diego at Sierra. Hindi niya kasi ako napansin kanina nung pumasok siya sa loob kaya nabigla siya nung makita ako dito. “K-kanina ka pa ba diyan?” Gulat at uutal na tanong nito sa akin. Umiling ako at ngumiti. “Hindi po. Dumaan lang po ako para kamustahin si Sierra.” Pagsisinungaling ko pa. Bakas sa mukha niya ang relief dahil sa narinig niya. “I-ikaw raw ang nagbayad ng bills ni Sierra? Huwag kang mag alala, ibabalik ko din mgayong araw ‘yung pera-“ “Ms. Marina, hindi na ho kailangan. Sierra is like a good friend to me and I just.. wanna help.” Putol ko pa sa sinasabi niya pero bakas sa mukha niyang hindi siya sang ayon sa sinabi ko pero binaling ko ang tingin kay Sierra. “Sierra, I’m glad that you are already awake. Pagaling ka.” Baling ko kay Sierra bago magpaalam. Nakatulala lang siya at hindi siya nagsalita sa halip ay tumango lang siya. “Mauna na ho ako.” Paalam ko naman kay Ms. Marina na nakatulala lang din pero kita ko sa mukha niya na hindi siya komportable. Now, I understand why Sierra doesn’t want me to drop her home. I understand that maybe her aunt doesn’t want her to be involve in people like us but what I do not understand is why is she overreacting things? The way she behaves earlier seems like there’s a serious matter and a deep reason behind this. I was walking around the hallway when I saw Mom approaching. “Mom?! W-what are you-“ “Rafael! Are you okay?” Nag aalalang tanong niya sa akin tapos ay niyakap niya ako pero agad akong kumalas. “Mom, ano pang ginagawa niyo dito?” Mariin kong tanong sa kaniya at paglingon ko sa paligid eh pinagtitingan na kami ng mga tao and I guess they recognized us. Sa dami ba namang kasama ni Mommy na security eh. “You hang up the call! I was worried about you!” Mariing reklamo ni Mommy. Ngumiti at ako niyakap ko si Mommy. “Mom, I’m fine.” Pagpapakalma ko pa sa kaniya pero hindi mawala sa isip ko si Sierra at ang Tita niya. Naglalakad na kami sa papunta sa elevator nung maisip ko siyang tanungin. “Ma, may tanong ako.” Sambit ko sa kaniya kaya napahinto siya at napalingon sa akin. “Tungkol saan?” Kunot noong tanong niya. “By any chance..” “D-do you personally knew Ms. Marina Narciso?” Alangan at nauutal kong tanong sa kaniya. Bakas sa mukha ni Mommy ang gulat dahil sa tanong ko. “Marina Narciso? That writer’s aunt?” Kunot noong tanong niya pa kaya marahan akong tumango. Umiwas siya ng tingin sa akin at parang nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba o hindi. “Yes, I knew her because I already met her once but… I am not personally familiar with her.” Nauutal na paliwanag ni Mommy na para bang hindi siya sigurado sa sinasabi niya. “Bakit mo natanong?” “Are you seeing that Sierra?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD