Chapter 10

1554 Words
Sierra Halos matapilok ako sa pagtakbo ko papunta sa interview room kakamadali. “Sierra Louise Valencia.” Hingal na pakilala ko do’n sa babaing nakatayo sa labas nung interview room tapos tinignan niya ‘yung hawak niyang papel at napailing siya. “Natawag na ho ang pangalan niyo at iyong nasa loob eh last interviewee na.” Paliwanag nito sa akin. “Hindi ho ba puwedeng isingit kahit po sandali lang.” Mariin kong pakiusap sa kaniya pero umiling lang siya. “Hindi eh, iyong boss po kasi ang nag interview at hindi siya natanggap ng late sa interview.” Paliwanag pa nung babae kaya napahinga ako ng malalim at para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Sana talaga hindi na lang ako nagparty kagabi eh! Gusto ko pa sanang makipag usap pero naalala ko ‘yung sinabi ni Rafael sa akin. Renzo and Lance’s family owned this pero.. nakakahiya naman mag-take advantage dahil lang kilala ko sila. Isang beses ko pa nga lang sila nakakasama eh. Bigo kong tinalikuran ‘yung babae at habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Diego. “Nakahabol ka?” Kunot noong salubong nito sa akin pero napayuko lang ako. Sinayang ko ‘yung chance na makuha sa trabahong to. Bago pa lang din si Diego dito pero buti nga pumayag ‘yung HR nila na isingit ‘yung application ko kahit full na ‘yung list nila pero wala na. “Hindi..” Mahinang sagot ko sa kaniya tapps ay maglalakad na sana ako paalis nung biglang may tumawag sa pangalan ko. “Sierra.” Kinabahan ako nung marinig ko ang boses na yo’n. It was Renzo, Rafael’s friend. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya at nakita kong papalapit siya sa kinatatayuan ko. “W..what brings you here?” Nagtatakang tanong niya tapos ay lumapit siya sa akin. Napayuko ako dahil sa hiya kasi nung lumapit siya sa akin eh napunta rin lahat ng atensyon ng mga empleyado sa amin. “Mag a-apply sana..” Nahihiya at mahinang sambit ko pa sa kaniya. “Oh? Sakto, I haven’t hired someone yet.” Nakangiting sambit niya kaya mas lalo akong nahiya dahilan narinig ko ang bulungan ng iilan. “Shall we?” Tanong pa niya kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya at nagtataka ko siyang tinignan. “To the interview room.” Dugtong pa niya tapos ay pumasok ulit siya sa silid kung saan siya galing kanina. Habang naiwan kami rito sa labas. Rinig ko ang bulungan ng ilan sa mga employees sa paligid namin at nung nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ay nakita ko si Rafael sa likuran ni Diego. Rafael smiled at me and just nodded gano’n din si Diego kaya kahit kinakabahan eh hindi ko pinansin pa yo’n at sinundan ko si Renzo sa loob. Bago ako tuluyang makapasok ay nakita ang ibang employees na pinag kaguluhan si Rafael para magpa-picture sa kaniya. “Sierra, you’re hired.” Bungad niya sa akin nung makapasok ako kaya nagtataka ko siyang tinignan. “Ha? Pero-“ “Sierra, I am just avoiding gossips that’s why I didn’t hire you earlier but you know, gaya ng sinabi ko kagabi. I’m willing to help you and give you a job.” “You should’ve told me that you were applying in our company last night.” Nakangiting paliwanag niya pa sa akin. Nakatulala lang ako at hindi ako makapagsalita. “Dahil ba kilala ako ni Rafael at nandito siya ngayon kaya na-pressure kang tanggapin ako?” Naguguluhang tanong ko pa sa kaniya pero umiling lang siya at isang mahinang halakhak lang ang narinig ko mula sa kaniya. “Of course, not. It is because of you alone, Sierra. Your credentials and your character, my decision is based on you alone. Not because we hang out together or because Rafael is your friend.” Nakangiting pagkaklaro pa niya tapos ay tumayo siya sa swivel chair na kinauupuan niya at lumapit siya sa akin para makipagkamay. “Congrats, Ms. A! I’m looking forward to work with you.” Nakangiting pagbati pa niya sa akin. Parang gusto kong magpakain sa lupa dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi hindi ako deserving. Sabay kaming napalingon sa pintuan nung bigla ‘yung bumukas at nakita namin si Rafael. “Oh, did I interrupt you guys?” Nakangiti at pabirong tanong niya sa akin. “Start tomorrow.” Bulong sa akin ni Renzo kaya tumanggo ako. “Salamat, mauna na ho ako.” Pasasalamat ko pa bago lumabas. Habang papalabas ako ay nadaanan ko si Rafael. “We’re done, Rafael. Baka ka nga pala nandito?” Rinig kong tanong ni Renzo sa kaniya. “Hinatid ko si Sierra.” Sabi niya tapos ay lumingon siya sa akin. “Oh, are you leaving?” Kunot noong tanong sa akin ni Rafael bago ako tuluyang makalabas sa may pintuan. Tumanggo ako at ngumiti. “Opo, Sir.” Tipid kong sagot. “Congrats, Sierra.” Nakangiting sabi niya sa akin kaya tuluyan na akong lumabas. Nakita ko si Diego nag aalalang nakatayo sa tapat ng opisina kung saan ako galing. Sa sobrang tuwa ko ay tumakbo ako at niyakap ko siya. “Ano nangyari-“ “Natanggap ako!!” Masaya at magiliw nabalita ko sa kaniya. “Congrats!!” Sigaw niya tapos ay niyakap niya din ako at pareho kaming nagtatalon sa tuwa. “Dahil diyan. Sagot ko na lunch mo today.” Nakangiti at nagagalak niyang sabi. Nawala ang ngiti ko nung matanaw si Rafael na nakatayo sa may pintuan ng opisina kung saan ako galing at seryoso siyang nakatingin sa amin ni Diego. Alam kong napansin din ni Diego si Rafael kaya bahagya pa siyang lumapit sa akin para bumulong. “Kanina pa yan, laging ang lagkit ng tingin sa’yo eh, sapakin ko yan na.” Bulong niya sabay tawa kaya hinampas ko siya sa balikat. “Loko ka!” Natatawang hirit ko sa kaniya tapos nung tinignan ko ulit si Rafael eh nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. “Sierra, hintayin mo na ako ah. 30 minutes na lang naman break na.” Bumalik lang ako sa ulirat nung magsalita ulit si Diego kaya tumanggo ako at ngumiti. “Sa lobby ako maghihintay.” Bilin ko pa sa kaniya tapos ay nauna na siya. Nakita ko ‘yung elevator na bumukas kaya sasakay sana ako pero puno na at naiwan ako kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay. Habang naghihintay na bumukas ulit ‘yung elevator at nakita ko sa peripheral vision ko si Rafael na papalapit sa kinaroroonan ko kaya medyo nataranta ako. Ano ba naman, hindi na ako nilubayan ng lalaking to! “Are you going home?” Rinig kong tanong niya pero hindi ako kumibo. “Sierra.” Tawag pa niya sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kaniya. “A-are you talking to me?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya. He look around and smiled. “There’s no one here, only me and you.” Natatawang sabi pa niya kaya inirapan ko siya. “Ah, h-hindi pa-“ “Ah, it is because of your friend? He lets you wait for 30 minutes, how inconsiderate.” Sarkastikong niya pang komento kaya hinarap ko siya. Parang nagpantig ang tenga ako sa komento niya. Eh ano naman sa kaniya kung hintayin ko si Diego ng 30 minutes?! “Well, I don’t mind waiting for him for 30 minutes though.” Nakangiting at sarkastikong sambit ko sa kaniya tapos ay tinalikuran ko siya at siya namang bukas ng elevator at wala iyong sakay kaya dali dali akong sumakay. Pipindutin ko na sana pa-ground floor pero biglang pumasok at humabol si Rafael kaya kaming dalawa na ngayon ang nakasakay sa loob ng elevator. Kami lang naman dalawa dito sa loob pero pakiramdam mo naninikip ang dibdib ko at nas-suffocate ako, nabalot din ng katahimikan ang buong paligid. Pareho kaming napatingala nung mapansin naming patay sindi ang ilaw sa loob ng elevator. Napahawak ako sa braso niya dahil takot ako sa dilim. “Anong nangyayari?” Kalmado ngunit kinakabahang tanong ko sa kaniya. Hanggang sa biglang mamatay ang ilaw kaya napapikit ako pero hindi ko binitawan ang braso ni Rafael dahil natatakot ako sa dilim. “Rafael..” “Rafael.. anong nangyayari?” Tarantang tanong ko sa kaniya. “Baka may power shortage.” Konklusyon pa niya tapos ay sinubukan niyang pindutin ang buttons sa elevator. Mas lalo akong kinabahan nung maramdaman kong gumalaw kami pababa at boglang tuluyang namatay ang ilaw. “Rafael, na-stuck tayo!” “Paano to?!” Natataranta kong tanong at wala akong nagawa kundi ang maupo na lang sa isang gilid at takpan ang tenga at ipikit ang mga mata ko. “Sierra, calm down. Makakalabas tayo dito.” Pag alo sa akin ni Rafael pero patuloy pa din ako sa paghikbi. “Ayoko dito.. natatakot ako.. hindi ako makahinga..” Humihikbing bulong ko at maya maya pa naramdaman kong niyakap ako ni Rafael. “I’m here, you are not alone..” Bulong at pagpapakalma niya pa sa akin. Napasandal na lang ako sa balikat niya habang nakayakap siya sa akin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko napanatag ako kahit paano hanggang sa makaramdam ako ng antok. “I’m here, Sie..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD